Exclusive: Manilyn Reynes, never nanghihinayang na hindi na nagka-anak ng babae

PHOTOS: @manilynreynes27 on Instagram

PHOTOS: @manilynreynes27 on Instagram

Binata na pala ang dalawa sa tatlong anak na lalaki ng Kapuso actress na si Manilyn Reyes

Naik’wento kasi n’ya ang mga ito nang maging guest s’ya sa online show ng pikapika.ph na This is Showbiz hosted by Butch Francisco and Anna Pingol. 

Twenty four years old na ngayon ang panganay n’yang si Kyle habang eighteen naman ang pangalawa na si Kirk. Kung may six years na pagitan sina Kyle at Kirk, medyo napalaki naman ang ganap ni Kirk sa bunso nilang si Kael na nine years old naman ngayon. 

Lumayo kasi nagka-miscarriage ako after Kirk, e,” pagtatapat ng tinaguriang The Star of All Decades sa online show. “Before si Kael, six years ang gap ni Kyle at ni Kirk. Six years dapat ang gap nu’ng nawala at si Kirk… so naging eight, almost nine [years] nu’ng nag-baby na ulit kami, si Kael.” 

Nakapagtapos na daw ng multimedia arts si Kyle at isa na ngayong animator. Ang pangalawa naman n’yang anak na si Kirk ay first year college na sa kursong multimedia arts din pero eventually daw ay ipu-pursue nito ang nito passion sa music. 

Oo, multimedia sa kanya [kay Kyle], e... And then, si Kurt din ngayon nag-multimedia arts. First year college na. Although, ang hilig n’ya talaga ay music. 

“Since mahirap maghanap ng eskwelahan sa ngayon kasi hindi ka naman maka-travel ng ganyan na malalayo… So, nag-multimedia arts muna s’ya dahil mahilig naman s’yang mag-draw pero eventually magmu-music na rin s’ya talaga kasi magaling nang tumugtog, magaling nang kumanta.

S’yempre, hindi rin naman daw papahuli ang kanilang bunso na gumagaya sa kung ano’ng nakikita nito sa kanyang mga kuya. 

Naku, alam mo naman ang mga bunso, gaya-gaya sa mga kuya. Kung anong napapanod, anong nakikita… Si Kael din nag-gigitara rin. Ganu’n din si Kirk. Ganu’n din naman si Kyle. Pero si Kirk ang talagang gumagawa na ng music. Nag-a-arrange na, kumbaga, ng songs,” pagbabahagi pa ng Pepito Manaloto lead actress.

Bagama’t nabiyayaan ng tatlong mababait at poging anak na lalaki, hindi naman pinalad ang mag-asawang Manilyn at Aljon na makasingit ng anak na babae. Hindi na rin daw sila naghabol dahil nahirapan na ang aktres sa pagbubuntis at panganganak sa kanilang bunso na si Kael. 

Gayunpaman, wala naman daw panghihinayang sa kanilang mag-asawa. They’re three boys are their biggest blessings and they are more than enough dahil they’re all good human beings.

“Of course, sana gusto mo nga na humabol, ’di ba?” pag-amin ni Mane (palayaw ni Manilyn sa showbiz).  “Or minsan ’yong ganu’n e, ‘Gawa pa tayo ng isa. Habol tayo. Baka babae [ang maging anak].’ ’Yong ganu’n?

Medyo mahirap din kasi when I had Kael nu’ng pinagbubuntis ko s’ya, nagka-dengue ako nun’g pinanganak ko s’ya, e… habang pinapanganak ko s’ya,” pagbabalik-tanaw ni Mane.

Nu’ng nakunan ako, of course, hindi na namin nalaman kung girl or boy—kasi sa fourth month to the fifth mo malalaman, e, kung girl or boy—pero sabi namin, okey naman na walang girl. Kung ito ang ibibigay ni God sa atin, ‘di ba, of course, basta healthy.”

Maliban pa doon, nagka-placenta previa din daw si Mane habang ipinagbubuntis n’ya si Kael. Ito ’yong kondisyon kung saan nakaharang ang placenta sa dadaanan ng bata palabas ng sinapupunan. Ang mga ina na nagkaka-placenta previa ay nakakaranas ng pagdurugo o vaginal bleeding. 

Nagka-placenta previa din naman ako kay Kael, e, so medyo mahirap ’yong [last] pregnancy ko,” dagdag pa ng aktres. “[Naka]bed rest ako siguro for six months. Oo, so, as in, alam ko ng gawin lahat-lahat ng bagay habang nakahiga kasi hindi ako p’wedeng kahit kumonting ganu’n nang upo. Magbi-bleed ka without doing anything, e. 

“So, mahirap ‘yong pinagdaanan namin. Tapos ‘yon nga, nu’ng magli-labor ako, nagka-dengue pa ako. So, five days… ‘di ba, kapag CS [caesarian section] ka, mga four to five days sa hospital, so dapat p’wede na kaming umuwi on our fifth day. 

Pero si Kael kasi kailangan pa n’yang mag-stay ng for another fourteen days so we all stayed sa hospital hanggang sa matapos ’yong fourteen days. Naka-hep-lock ’yong bata.

Sa tatlong anak n’ya, say ni Mane, tila ang bunso daw nila ang pinaka-nagmana sa kanya.

Ang sabi ng marami, itong si bulinggit, si Kael, daw ang pinaka-ako,” pagbibida pa ng aktres na may dagdag na demo ng mga mannerisms ni Kael. “Kasi kapag ’yong mga nagmumukhang...nagma-make faces kunwari, ’yong parang ganu’n, parang very Manilyn pag ginagaya niya ako. Kasi sasabihin ko, ‘Pa’no si mommy? How does mommy get mad?’ Gumagano’n daw.” 

Samantala, malulutong na tawa naman ang naging sagot ni Manilyn nang matanong kung ready na ba s’yang magka-apo lalo pa’t nasa hustong gulang na din kasi ang panganay nila ni Aljon na si Kyle. 

Ano raw?” natatawang balik-tanong. “Aba, e, lahat naman tayo dadating d’yan. Magiging [grand] parents tayo. Hindi ba ganu’n naman kapag may mga anak tayo, e, eventually magkakaro’n din tayo ng mga apo….

Kung gusto na nila, e di sabihin [nila],” sey pa ng celebrity mom of three. “Of course, si panganay [si Kyle], kung alam niya ang buhay and he knows what to do, bakit naman hindi? 

“Hindi naman natin p’wedeng pigilan lalo na kung alam mo namang nagmamahalan kasi pinagdadanan natin yan, hindi ba? S’yempre, tayong ganito ang age na ayaw nating sina-stop tayo… even when we’re younger. Kung sino ’yong mapili natin, kung sino ’yong mahal natin… sino naman din tayo as parents na pumigil at sabihan sila na, ‘Oy, hindi s’ya sa’yo. Wag s’ya.’”\

Pagtitiyak pa ni Mane, magiging mabuting mother-in-law naman daw s’ya kung sakali ngang pasukin na din ng mga anak n’ya ang buhay may-asawa. 

Ako? Oo naman, I think so,” sweet na pahayag ng aktres. “Oo dahil hindi naman ako monster. Hahaha!

Hindi, simple lang naman, e. Basta maganda lang ipakita mo, basta maganda ang turing mo sa kapwa mo, same din. Alangan naman ganu’n ang ipapakita mo, ang balik sa’yo hindi. Parang hindi naman yata fair ’yon, hindi ba? Kung mabait sa’yo ’yong tao, mabait ka rin sa kanya, ’di ba?” pagtatapos ni Manilyn.

PANOORIN ang kabuuang interview ni Manilyn, dito:

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Manilyn Reynes, kinikilig pa rin pag binabalikan ang love story nila ni Aljon Jimenez

Pika's Pick: Manilyn Reynes and family enjoy their holiday vacation in Japan

Pika's Pick: Manilyn Reynes shares photo with former love-team partner Janno Gibbs and his wife Bing Loyzaga; teases fans for their upcoming project that involved all three of them

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.