Exclusive: Ryza Cenon is 5-months pregnant to a baby boy! Poging tatay ng baby, ipinakilala na rin!

Versatile actress Ryza Cenon, 32, and cinematographer Miguel Cruz, 31, were love matched by their common friend, who is a bank manager. By November, they will be parents to a baby boy.

Photos: Instagram

Versatile actress Ryza Cenon, 32, and cinematographer Miguel Cruz, 31, were love matched by their common friend, who is a bank manager. By November, they will be parents to a baby boy.

Ngayong araw, July 1, ang napiling araw ng magaling na aktres na si Ryza Cenon para ibahagi sa publiko—through social media—ang magandang balita na kasalukuyan siyang nagdadadalang-tao—five months to be exact.

Pero kagabi, kagabi, June 30, ay eksklusibong nagpa-unlak ng interview si Ryza sa pikapika.ph regarding this important milestone.

“Pregnant po ako, 20 weeks na po,” tila nahihiyang simula ni Ryza sa aming Zoom interview. “Bale nag-start po siya ng February pero hindi ko pa po alam kasi no’ng Feb po nag-aano pa ako, e, may action [project] pa akong ginagawa no’n, e, Bella Bandida (for Sari Sari Channel) and then ’yong dalawang movies po. Hanggang sa nabutan na kami ng lockdown.”

(Ang dalawang movies na tinutukoy niya ay ang Sa Muli  with Xian Lim at Kunwari Mahal Kita with Joseph Marco na both for Viva Films.)

April na nang ma-realize niya umanong two months na siyang “delayed” and to confirm her suspicion, nag-pregnancy test na siya.

“April 3, nag-PT (pregnancy test) po ako and then medyo malabo pa nga po ’yong result, e, kasi diba po dalawang guhit siya?  ’Yong isang [test], medyo malabo so hindi po ako sure hanggang sa nagpa-check na po ako ng April 9 ta’s doon na po namin malaman.” 

Ang Viva Artists Agency handler daw niya na si Caryl Paraico ang una niyang sinabihan ng kanyang kalagayan.

“Kasi po biglang pumasok sa isip ko ’yong dalawang movies na ginagawa ko,” natatawang balik-tanaw ng 32-year-old actress. “Kasi ’yong Kunwari Mahal Kita saka ’yong Sa Muli, ongoing po kasi siya. So, naabutan na po siya ng lockdown. So, ’yon po agad ’yong concern ko kaya siya ’yong unang-una kong tinawagan. Ta’s no’ng sinabi ko sa kanya maiyak-iyak ako kasi hindi ko alam pa’no ang gagawin ko ta’s ayon... ayaw ko naman maging pabigat doon sa production.” 

At this point na nasa fifth month na siya ng pagbubuntis at alam na raw niyang baby boy ang kanyang dinadala. Maayos na raw ang pakiramdam niya at well adjusted na sa pregnancy state niya.

“’Yong pangalawang trimester po doon po nag-start ’yong mga morning sickness, ’yong suka nang suka... pero no’ng first po, wala po akong masyadong nararamdaman. Mahirap lang pong matulog. Pero wala po akong food na pinaglilihian or any food na kini-crave? Wala po. Mas ano po ngayon, e, puro tikim lang. Hindi po ako kain nang kain.

“Ayon po, may times po na mahirap na umiiyak na ako kasi pag kumakain po ako, sinusuka ko na nang sinusuka lang po lahat. So, nanghihina po ako gano’n.”

Bukod sa mga pakiramndam na ’yon, wala raw talagang maisip si Ryza na p’wede niyang i-pin-point na napaglihihan niya.

 

Her son’s father
In late November last year, pinahanga ni Ryza ang publiko by announcing on Instagram na “engaged” na siya, pero hindi sa kaninu mang lalaki kundi sa kanyang sarili. Calling herself self-partnered at that time, ina-advocate ni Ryza ang self-love. 

Her IG post then read: “I said YES! to give my full commitment to love myself before I give my heart to a person. And when the right one comes, I’ll transfer this ring to my other hand and accept the right one to the perfect hand. I’m engaged with myself.”

Hindi pa rin engaged si Ryza sa ngayon.

But unknown to many, may isang magiting na ginoo na palang nagpatibok muli ng puso ng The General’s Daughter contravida.

He is Miguel Cruz na ayon kay Ryza—who just celebrated her 15th anniversary in showbiz this year—ay seven months nanligaw sa kanya. Nakilala raw niya si Miguel through her bank manager- friend na kaibigan din ni Miguel.

llan sa mga recent works ni Miguel bilang cinematographer include Mission Unstapabol: The Don Identity (2019) ni Vic Sotto and Maine Mendoza and The Girl In the Orange Dress (2018) na pinagbidahan ni Jericho Rosales at Jessy Mendiola.

 

Now-showbiz at private ang description ni Ryza kay Miguel. Pero bahagi rin pala ito ng entertainment industry dahil isa itong magaling na cinematographer, na kilala rin sa tawag na director of photography.

Nakakatuwa lang isipin na never pa silang nagka-trabaho in any film or TV project at isang bank manager pa ang nagsilbing match maker nila.

By way of introduction, ilan sa mga recent works ni Miguel include Mission Unstapabol: The Don Identity (2019) ni Vic Sotto and Maine Mendoza and The Girl In the Orange Dress (2018) na pinagbidahan ni Jericho Rosales at Jessy Mendiola.

Bukod sa mga yon, he’s also behind the lenses of such films as DOTGA: Da One That Ghost Away (2018), a horror comedy film directed by Tony Y. Reyes and starring Ryan Bang and Kim Chiu; ang Foolish Love ni Direk Joel Lamangan that starred Angeline Quinto and Jake Cuenca; ang Barbi: D Wonder Beki, another Tony Reyes film na bida naman si Paolo Ballesteros at Joey de Leon.

His other film credits include T’yanak remake (2014), That Thing Called Tanga Na (2016), Bes and Beshies (2017); and for TV naman, he worked for some episodes of such shows as Helen’s Kitchen (Cignal TV), Daddy’s Gurl (GMA-7), and I Heart Davao (GMA-7).

Hindi na kataka-takang nahilig din sa filmmaking si Miguel dahil na rin siguro sa influence ng tatay niyang si Rodell Cruz, isa sa pinaka-respetadong production designers ng bansa, who co-designed the Peque Gallaga classic, Oro Plata Mata with Don Escuero at 19; at na-nominate sa Oscar’s—along with the art direction team ng Hollywood film na Platoon (1986).  

From our research, we gathered that Miguel went to live in the US in 2012 to attend film classes and workshops such as the Directing Intensive Summer program in University of Southern California at Lighting and Grip Workshop and various cinematography workshops sa Maine Media College in Rockfort, Maine.

Kahit aminadong kapwa sila nabigla ni Miguel sa kanyang pagbubuntis sa simula ay napalitan raw agad ’yon ng excitement lalo na sa part ni Miguel, who will have his first son by November.

“Opo excited na excited siya kasi may kahati na siya sa mga hobbies n’ya,” natatawang hirit ni Ryza.  “’Like ’yong mga video games, mga gano’n... may makakalaro na siya... basketball...”

As for her, mixed emotions naman daw siya.

“Halo po ’yong emotions, e, kasi dahil sa nangyayari ngayon na pandemic so nakakatakot dahil sa may nakikita kang balita about sa ’yong hindi tinatanggap sa hospital ganyan...may namamatay mga gano’n, delikadong lumabas... pero s’yempre, excited din po ako. Pero s’yempre may takot po ako na pag labas niya, ’yon ’yong madadatnan niya... ’yong pandemic na hindi pa naaayos. Pero pag dating naman po [niya], naka-plan na po kami ni Miguel about it.”

 

WEDDING PLANS, INVERTED UTERUS, ATBP.
And speaking of plans, hindi na kami nagpa-tumpik-tumpik pang tanungin si Ryza kung napag-usapan na rin ba nila ni Miguel ang kasal.

“Napag-usapan naman po kasi siya naman po willing naman po siya. Ako lang po ’yong hindi pa gano’n ka-ready kasi sinabi ko sa kanya na mas priority muna namin ’yong baby kasi any age naman p’wede naman magpakasal, e. So, ’yon po ’yong napag-usapan po namin.”

Asked if wedding is in the offing? “Napag-usapan naman po kasi siya naman po willing naman po siya. Ako lang po ’yong hindi pa gano’n ka-ready kasi sinabi ko sa kanya na mas priority muna namin ’yong baby kasi any age naman p’wede naman magpakasal, e. So, ’yon po ’yong napag-usapan po namin.”

 

Mas iniisip ni Ryza sa ngayon ang nalalapit niyang panganganak na matataon pang bago mag-Pasko. Kung siya raw ang masusunod, mas gusto niya sana ang normal delivery pero ina-asa niya sa OB-Gyne niya ang desisyon pag oras na.

“Ayoko naman po ipilit ’yong gusto ko tapos hindi ko naman kaya,” giit ni Ryza 

She needed to be careful daw dahil meron daw pala umano siyang inverted uterus. 

“Actually, hindi ko nga po ito talaga ini-expect [na mabubuntis ako],” pagtatapat ni Ryza. “Kasi before-before pa talagang gusto ko nang magka-baby kaya lang po ’yong uterus ko po inverted siya. So, parang hirap po ako talaga... so parang tinanggap ko na po ’yon sa sarili ko na ay hirap akong mabuntis. Kaya po nagulat ako.” 

Sa ngayon maganda naman daw ang lagay niya physically.

“Every time naman po nagpapa-check up kami, sinasabi naman po niya [OB-Gyne] na mataas po ’yong placenta. Okey naman daw. Normal naman daw po lahat, gano’n.”

Ipinagpapasalamat daw ni Ryza na karamihan ng mga kaibigan niya—na agad niya ring binalitaan—ay una nang naging mommy kaysa sa kanya. Sila daw ngayon ang nag-ga-guide sa kanya sa mga birthing rules and mommy-related topics.

“Sila Chynna [Ortaleza], si LJ [Reyes], si Isabel Oli, si Chariz [Solomon]... sila po ’yong nakakaalam. Tapos ’yon naman pong naka-trabaho ko sa ABS [CBN], sila ate Janice [de Belen], Miss U [Eula Valdez], Tito Pip [Tirso Cruz III]—puro matatanda, puro senior. Kasi sila po ’yong mas maging close ko. Sa kanila po talaga ako humihingi ng advice, ganyan si Direk Rowell [Santiago]...

“So, nakakatuwa nga po kasi sila ’yong mas sinabihan ko...in fairness naman po sa kanila, wala naman po silang sinabihan. Todo-supporta po sila. Lagi po silang nangangamusta. Tapos lagi po silang nagtatanong kung ano’ng kini-crave ko na food ganyan. Ta’s nag-a-advice din po sila sa akin kasi bilang mga mommies na rin po sila parang... lalo na sila LJ, Chynna... lahat sila nag-ga-guide sa akin.

“Bilang first time ko [manganak], parang nag-struggle pa kami [ni Miguel] kung ano pa ’yong dapat bilhin na gamit niya...ano ’yong dapat dalhin pag nasa ospital na po. ’Yong mga gano’n.”

Blooming ang mom-to-be kaya malamang na hindi totoo ang kasabihang babae ang anak kapag mas gumaganda ang isang buntis. Sa case ni Ryza, nag-i-spark ang mga mata niya habang kausap namin siya. Indication na hindi lang siya excited maging mommy, kundi in love na in love din sa daddy ng kanyang baby.

Congrats, Ryza and Miguel!

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.