Faith da Silva, nakikipagsiksikan sa premiere night noon makita lang si John Lloyd Cruz

At ngayong artista na rin si Faith da Silva, agad daw na natupad ang isa sa mga nasa wishlist n’ya, ang makasama sa isang project ang Kapamilya-turned-Kapuso actor. S’ya kasi ang bagong celebrity guest sa Sunday night sitcom ni JLC na Happy ToGetHer.  Hindi nga raw n’ya daw naiwasang maging fan girl nang ma-meet na n’ya for the first time ang idolong aktor sa set.  “Na-starstruck ako kasi pagka tingin ko sa kanya, ang tangkad n’ya. S’yempre, cute s’ya. Hindi naman natin mapagkakaila ’yon.”

PHOTO: @faithdasilva_ on Instagram

At ngayong artista na rin si Faith da Silva, agad daw na natupad ang isa sa mga nasa wishlist n’ya, ang makasama sa isang project ang Kapamilya-turned-Kapuso actor. S’ya kasi ang bagong celebrity guest sa Sunday night sitcom ni JLC na Happy ToGetHer. Hindi nga raw n’ya daw naiwasang maging fan girl nang ma-meet na n’ya for the first time ang idolong aktor sa set. “Na-starstruck ako kasi pagka tingin ko sa kanya, ang tangkad n’ya. S’yempre, cute s’ya. Hindi naman natin mapagkakaila ’yon.”

Dream come true para sa aktres na si Faith da Silva ang makatrabaho si John Lloyd Cruz (JLC) dahil matagal na daw s’yang taga-hanga ng tinaguriang ultimate leading man.

Ikinuwento n’ya ito sa virtual interview n’ya with GMA reporter Nelson Canlas na ipinalabas kagabi, January 13, sa 24 Oras. 

Aniya, ibang level daw ang pagiging fan girl niya noon kay JLC dahil talagang pumipila at nakikipagsiksikan daw s’ya sa sinehan kapag may movie premiere si John Lloyd. 

“Bata pa lang ako napapanood ko na talaga si John Lloyd Cruz, as in, sa sinehan. That’s the only time that me and my lola would go to the mall because nandu’n si John Lloyd at Bea Alonzo sa sinehan,” natatawang pagre-recall ni Faith. 

At ngayong artista na rin s’ya, agad daw na natupad ang isa sa mga nasa wishlist n’ya, ang makasama sa isang project ang Kapamilya-turned-Kapuso actor. S’ya kasi ang bagong celebrity guest sa Sunday night sitcom ni JLC na Happy ToGetHer. 

Tsika pa ng Las Hermanas actress, hindi n’ya daw naiwasang mag-fan girl nang ma-meet na n’ya for the first time ang idolong aktor sa set. 

“Na-starstruck ako kasi pagka tingin ko sa kanya, ang tangkad n’ya. S’yempre, cute s’ya. Hindi naman natin mapagkakaila ’yon,” pagbabahagi pa ni Faith kay Nelson.

“At saka kung paano s’ya gumalaw sa set, kung gaano s’ya makipag-usap, makipaghalubilo sa ibang tao, I really admire him.”

Mas humanga pa raw siya kay John Lloyd ngayong mas nakilala n’ya ito sa set. Masayahin at palabiro daw kasi ito kapag break time nila pero mabilis daw itong nakakapag-switch into his character kapag kukunan na ang kanilang mga eksena. 

“What I discovered about him is that palabiro s’ya. Pagka dating naman sa action na, as in, nag-iiba agad ’yong face n’ya. Sobrang professional n’ya at saka ang gaan n’yang katrabaho,” pagtatapos ni Faith. 

Mapapanood ang third episode ng guesting ng aktres sa comedy series ni John Lloyd na Happy ToGetHer sa darating na Linggo, January 16, sa GMA Network.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.