Faith Da Silva sa rumors romantically linking her to Albert Martinez: “Nagulat ako but it’s not that I didn’t expect it.”

Maalaga daw sa kanya bilang co-star ang beteranong aktor na si Albert Martinez, ayon sa isa sa mga bida ng Las Hermanas na si Faith da Silva. “I never felt na veteran actor s’ya kasi the whole na magkatrabaho kami he was really there to take care of me and guide me sa trabaho bilang beteranong aktor nga s’ya at ito ang first show ko pa lang…nandu’n talaga s’ya para gabayan ako all the way.”

PHOTOS: @faithdasilva_ on Instagram & @amartinezfanpage on Facebook

Maalaga daw sa kanya bilang co-star ang beteranong aktor na si Albert Martinez, ayon sa isa sa mga bida ng Las Hermanas na si Faith da Silva. “I never felt na veteran actor s’ya kasi the whole na magkatrabaho kami he was really there to take care of me and guide me sa trabaho bilang beteranong aktor nga s’ya at ito ang first show ko pa lang…nandu’n talaga s’ya para gabayan ako all the way.”

Inamin ng aktres na si Faith Da Silva na ikinagulat n’ya ang paglabas ng balita tungkol sa diumano’y relasyon nila ng actor-director na si Albert Martinez.

Sinabi n’ya ito nang mag-guest s’ya sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) na ipinalabas last Sunday night, September 26.

Medyo na-hot seat kasi si Faith ng mga hosts na sina Boobay and Super Tekla at tinanong s’ya sa naging reaksyon n’ya nang makarating sa kanya ang kumakalat na bali-balitang may relasyon umano sila ng kanyang elder co-star sa upcoming drama series na Las Hermanas. 

S’yempre nagulat ako because nu’ng nabasa ko or nakita ko ’yong news na ’yon ongoing pa ’yong lock-in taping namin,” sagot ng Kapuso actress na anak ng dating aktor na si Dennis Da Silva.

Pero inasahan na daw n’ya na may lalabas na ganu’ng rumor dahil mag-partner daw ang role nila sa teleserye. 

Nagulat ako but it’s not that I didn’t expect it kasi with our role kasi magiging partner ko s’ya dito sa Las Hermanas, siguro nakikita ng mga tao na we’re comfortable with each other,” aniya. 

Nausisa din si Faith kung napag-usapan ba nila ni Albert ang tungkol sa mga naglipanang tsika about them?

“As I’ve said nga, ongoing ’yong lock-in taping namin nu’ng lumabas ’yong issue na ito so, yes. Nag-usap kami. Napag-usapan namin pero in passing lang. Hindi s’ya ’yong seryosohan talaga na [usapan]. Parang pinagbibiruan lang namin. Tukso-tuksuhan lang.

Hindi naman daw sila affected sa mga tsimis tungkol sa kanilang dalawa. 

Para sa aming dalawa naman kasi professional lang lahat, e,” lahad ni Faith sa show. “Walang ilangan and the fact na nakikita ng mga tao na okey ang chemistry namin together, I think ’yon ’yong mas importante sa amin.

Ano naman kaya ang naging reaksyon ng mommy n’ya sa rumors tungkol sa kanila ni Albert?

Si mama medyo nagulat s’ya,” natatawang pagbabahagi ni Faith. “Pero, alam mo ’yon, alam naman namin kung ano ang totoo. Hindi dapat mag-worry ’yong mga tao.

Bagama’t walang direktang pag-amin mula sa kanya kung ano ang real score sa pagitan nila ni Albert, ibinida naman ng dalagang aktres ang mga magagandang katangian ng beteranong biyudong aktor sa harap at likod ng camera.

“As an actor, he’s very professional pero pag dating naman sa off cam he’s very gentleman, very sweet, maalaga,” she enumerated. 

“I never felt na veteran actor s’ya kasi the whole [time] na magkatrabaho kami he was really there to take care of me and guide me sa trabaho bilang beteranong aktor nga s’ya at ito ang first show ko pa lang…nandu’n talaga s’ya para gabayan ako all the way.”

Samantala, on a personal note ay very thankful daw si Faith dahil matapos ang matagal na paghihintay na mabigyan ng break ay heto’t bibida na s’ya finally sa upcoming Kapuso series na Las Hermanas.

“I feel grateful...very, very grateful because since StarStruck…this was 2016 or 2015… Ako kasi, hindi ako nagmamadali, e. Naniniwala ako na merong tamang oras para sa lahat ng bahay,” pahayag n’ya. 

“I’m very grateful to God, to GMA Network, GMA Artist Center na finally, it’s here. Ito talaga ’yong una kong project na isa ako sa mga lead,” pagtatapos ni Faith. 

Aside from Albert Martinez, kasama din ni Faith sa Las Hermanas sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Rita Avila, and more. Mapapanod na ito soon sa GMA Afternoon Prime.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.