Gaano katotoo ang tsikang may umiiral na tampuhan between the McLisse couple na sina McCoy de Leon and Elisse Joson?
Usap-usapan sa social media mula pa nitong mga nakaraang araw na tila may pinagdadaanan ngayon ang relasyon nina McCoy at Elisse.
Hindi gaya sa ibang celebrity couples, wala ipinost na Christmas photo ang McLisse couple na magkakasama silang tatlo ng anak nilang si Felize sa kani-kanilang Instagram accounts.
Kaya naman lumakas ang espikulasyon na meron ngang tampuhan sa pagitan ng dalawa.
Kung susuriin pa, ang isa sa recent IG posts ni Elisse ay ang video ng bonding time nila ni Felize last December 20 sa isang casino resort and hotel sa Paranaque at hindi nila kasama doon si McCoy.
Last December 19 naman ng mag-post si McCoy ng photo nila ni Felize kung saan naglagay pa s’ya ng caption for his daughter na, “Lagi mong tatandaan na mahal kita.”
Palaisipan tuloy sa kanilang fans and followers kung may tampuhan ba sa pagitan ng magsing-irog, lalo pa’t nag-disable ng comment section ang aktor sa kanyang two recent IG posts.
Sa post naman ni Elisse ay may mga nag-comment at humiling na huwag naman sana silang mauwi sa hiwalayan ni McCoy dahil kawawa naman ang anak nilang si Felize.


Base sa pinakahuling check namin ay pina-follow pa naman nina McCoy at Elisse ang Instagram account ng isa’t isa.
Bukod pa roon, naka-upload pa rin sa mga account nila ang photos ng kanilang pamilya.
Bukas ang pikapika.ph sa McLisse couple para linawin ang isyung ito.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber