FB page na nagpakalat na hiwalay na sila ni Jak Roberto, ipinare-report ni Barbie Forteza

PHOTOS: @barbaraforteza on Instagram & @OfficialBarbiePage on Facebook

PHOTOS: @barbaraforteza on Instagram & @OfficialBarbiePage on Facebook

Hindi nagustuhan ni Kapuso actress Barbie Forteza ang pagpapakalat ng Facebook page na EINQUIRUR.net na naghiwalay daw sila ng nobyo n’yang si Jak Roberto

Last June 28 kasi ay makailang ulit na naglabas ng pekeng balita ang nagpakilalang satire news media outlet/parody website sa FB tungkol sa hiwalayan diumano ng JakBie [ang on and off-screen tambalan nina Jak at Barbie].

Sa unang ipinublish na FB post ng EINQUIRUR.net—na sa hindi mapanuring mata ay aakalain mong page ito ng lehitimong news site na Inquirer.net—sinabi nitong tinapos na diumano ni Barbie ang four-year relationship nila ng Kapuso actor dahil nakalimutan daw nito ang kanilang monthsary. 

“JUST IN: Barbie Forteza and Jak Roberto announces breakup after four-year relationship. Forteza said that the reason of their breakup was because the actor forgot that it was actually their monthsary today. | via GMA News,” sey ng FB page, as published. 

 

JUST IN: Barbie Forteza and Jak Roberto announces breakup after four-year relationship. Forteza said that the reason of...

Posted by EINQUIRUR.net on Wednesday, July 28, 2021

Naglabas din ito ng quote card na naglalaman diumano ng statement ni Barbie sa dahilan ng separation nila ni Jak. Nadamay pa ang GMA head executive na si Annette Gozon at ang 24 Oras news anchor na si Mel Tiangco.

Narito ang laman ng card na pahayag daw ng aktres: “Monthsary po kasi namin. Napagusapan po namin na hindi na po yearly kundi monthly dapat may exchange gift pero di nya ako binagti at nakalimutan nya. I know my worth and I had enough kaya po ako nakipag-break kesa naman po maging toxic diba? Sana po masaya siya.”

 

Actress Barbie Forteza stated the reason behind her breakup with longtime boyfriend Jak Roberto on a statement released...

Posted by EINQUIRUR.net on Wednesday, July 28, 2021

Talagang trip na trip ng EINQUIRUR.net ang Kapuso couple dahil after few hours lang ay muli itong nag-post na nagkabalikan na daw ang dalawa. 

“BREAKING NEWS: Kapuso love team Jak Roberto and Barbie Forteza ‘back together’ again.

“Barbie confirmed that they broke up but just for 45 minutes and apologized, ‘May topak lang po talaga ako kasi period ko lang talaga. Tyaka marupok po ako. Sorry po sa fans namin na nag alala.

“‘Sabi ko nga po kahit napkin nalang yung exchange gift nya sakin kasi monthsary namin and binigay naman po nya tapos binilan nya din po ako ng large fries at burger sa McDo kaya okay na po ako.’

“Forteza said that their fans shouldn't worry, ‘Guys kalma lang kayo, malalagpasan pa namin yung Probinsyano, pwede ba yun sabihin?’ she jokingly said.”

 

BREAKING NEWS: Kapuso love team Jak Roberto and Barbie Forteza "back together" again. Barbie confirmed that they broke...

Posted by EINQUIRUR.net on Wednesday, July 28, 2021

Hindi ikinatuwa ng aktres ang pinagpo-post ng EINQUIRUR.net na pinagpiyestahan ng netizens.

Tugon ni Barbie kagabi, July 29, sa kanyang Facebook and Twitter accounts, “125k Reactions, 25K Comments & 68K Shares and counting… To whoever made this, you’re welcome.”

Paki-usap pa n’ya sa kanyang mga fans, “Please Report Fake Page: https://www.facebook.com/einquirur.net/”

 

125k Reactions, 25K Comments & 68K Shares and counting... To whoever made this, you’re welcome. Please Report 🚨 Fake Page: https://www.facebook.com/einquirur.net/

Posted by Barbie Forteza on Thursday, July 29, 2021

Wala namang binigay na reaction si Jak. 

Pero hindi pa natapos doon ang EINQUIRUR.net dahil nakuha pa nitong mang-inis nang malaman ang naging reaksyon ni Barbie.

“LOOK: Actress Barbie Forteza asks BarJak supporters to report a fake page. This is a developing story. (via Joklang Pizyo /Philippine Daily Einquirur)” pahayag nito kalakip ang screenshot photos ng post ni Barbie at ang reaction ng mga fans ng aktres. 

 

LOOK: Actress Barbie Forteza asks BarJak supporters to report a fake page. This is a developing story. (via Joklang Pizyo /Philippine Daily Einquirur)

Posted by EINQUIRUR.net on Thursday, July 29, 2021

Pumalag na rin ang Philippine Daily Inquirer at itinanggi ang kaugnayan nila sa nasabing Facebook page lalo pa’t katunog nito ang pangalan at kahawig ang official logo nila.

Sa inilabas na statement ng media company kagabi, pinaalalahanan nila ang publiko na i-disregard ang einquirur.net FB page. Gumagawa na rin daw sila ng hakbang para mapanagot ang mga taong nasa likod nito.

“Netizens and our own Inquirer.net social media team have informed us about a Facebook account that apparently parodies our official FB account.

“We’d like to inform the public, particularly our readers, that this FB account (please see photo above) is in no way connected with Inquirer.net. We also urge the public to disregard or ignore this account.

“We have reported this matter to FB for their prompt action and have asked our lawyers to take the appropriate legal measures against the parties behind this unscrupulous act.”

 

Netizens and our own Inquirer.net social media team have informed us about a Facebook account that apparently parodies...

Posted by INQUIRER.net on Wednesday, July 28, 2021

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Pag-momotorsiklo ni Jak, di approve kay Barbie  

LOOK: Jak Roberto and Barbie Forteza's sweet photos in Japan

Barbie, saludo sa tapang ni Mika 

Pika’s Pick: Look who got their silver button plaques? Congrats, Miss Regine and Jak!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.