“Feeling ko ang ganda-ganda ko po dahil po hanggang ngayon po’y nililigawan po [niya] ang mga family ko.”—Maymay on the status of her relationship with Edward

Right Photo: MayWard with Manay Ethel Ramos

PHOTOS: Melo Balingit

Right Photo: MayWard with Manay Ethel Ramos

Sa kagaganap lang na media conference ng Hiwaga ng Kambat na pinagbibidahan ng magkaka-loveteams na Maymay Entrata-Edward Barber at Grae Fernandez at Chantal Videla ay hindi naka-iwas ang MayWard loveteam na mapa-amin ng slight tungkol sa tunay na estado na ng kanilang relasyon.

 

Kung tutuusin ay hindi naman talaga nagtatago ang dalawa dahil lantaran naman ang pagiging sweet at cozy nila in person at maging sa mga social posts nila. Pero iba pa rin wika nga ’yong coming from the horse’s mouth.

 

Papatapos na ang media conference nang humirit si Manay Ethel Ramos, ang itinuturing na dean ng mga entertainment writers, nang tumbok na tanong kung nasa ano’ng stage na ang relasyon nila.

 

Pero prior to that ay pinuri muna niya ang pagiging honest ni Edward sa mga Q&A sa tuwing may press conference siya. Gaya nang pag-amin niya na muntikan na siyang mag-give up noong mga unang sabak niya sa showbiz, na nao-overwhelm siya at napu-frustrate pag nagkakamali, na napapagod siya. Ayon kay Manay Ethel, bihira ang kasing open ni Edward among the newcomers. Saka sumundot si Manay Ethel na dahil honest si Edward, ay p’wede ba nitong ilatag na kung ano na sila ni Maymay sa ngayon behind the camera.

 

“’Yong totoo ah…this world is so quick…everybody says it…but I mean it from the bottom of my heart…this world is so crazy…I don’t mean living here in the Philippines…this industry is so crazy…

 

“And if there’s one thing I learned kay Kuya…sa bahay ni Kuya is: take things slow. So, discover lang as you go along…don’t rush into things…don’t dive in ’coz you might no get out…

 

“’Yong totoong…the best things in the world…the best things that you should love are things that you gain slowly…’yong totoo po, ayokong isipin…I don’t wanna think about [it] too much…kasi ang daming…‘Oh, you guys are a loveteam, you should get together na…nakakakilig ’yon…do’n galing ’yong pera, bro, promise.’ Hindi naman gano’n, e…”

 

[Ang bahay ni kuya na tinutukoy ni Edward ay ang PBB —Pinoy Big Brother—house kung saan sila kapwa nanggaling ni Maymay. Si Maymay ang hinirang na big winner ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7, habang nag-place naman ng fourth si Edward. Pero dahil sa kilig na hatid nila, automatic silang naging loveteam after nilang lumabas ng bahay noong early 2017.]

 

Nang si Maymay naman ang tanungin, mas naging ma-detalye ito kumpara sa tila nabiglang si Edward.

 

“Damdamin?,” balik-tanong ni Maymay kay Manay Ethel. “Ang damdamin ko po kay Dodong [pet name niya para kay Edrward] ay…sobrang feeling thankful po ako na dumating siya sa buhay ko—Ma’am, hindi pa po ako tapos, teka lang po—dahil po siya po ’yong lalaki na consistent po talaga kapag may gusto s’ya sa isang babae kapag sinabi niyang hihintayin kita, hihintayin kita…di ba po pag me mga lalaki na hihintayin kita hanggang three months pssh…wala na po?

 

“Pero feeling ko ang ganda-ganda ko po, hahaha, dahil po hanggang ngayon po’y nililigawan po ang mga… family ko. Ayon po, at saka talagang mas mabuti po talaga kapag mas kilalanin n’yo po muna ang isa’t isa, hindi pa po talaga time…

 

Kagaya po no’ng sinabi namin kanina, priority po namin ’yong family namin, ’yong pangarap namin, kung ano ’yong meron sa amin ngayon…ays, hinde, hinde, hinde…kung ano po ’yong meron sa amin ngayon na  blesssing…dahil ’yong totong maging official na, darating po ’yon sa tamang panahon kapag stable na po ang lahat…at ’yon po yong totoo, Ma’am…”

 

Humabol pa ng paliwanag si Edward:

 

“We know naman from people we see inside this industry and outside, and in our own experience…mas maganda talaga pag nagsisimula bilang kaibigan…that’s when you know people directly…you get straight to the core…kasi di ba pag relationship, you don’t have to be very experienced to know this…of course you show your best self to them tapos unti-unting lumalalabas ’yong mga flaws, ’yong mga perks na hindi mo pa alam. So start as friends and go from there…Advise ko ’yon sa mga bagong loveteams.”

 

In short, nasa ligawan stage na ang magka-loveteam ng two years.

 

Kung sakali, magiging first girlfriend ni Edward si Maymay dahil puppy love lang daw na maituturing ang nagpatibok ng puso niya noong 13 years old siya. Si Maymay naman ay naka-dalawang puppy love at isang official boyfriend na sinasabi niyang “pumalpak” dahil hindi siya nakinig sa lolo niya.

 

Ikakatuwa ng mga fans ng MayWard ang development na ito.

 

Incidentally, nagtala ng 24.4% national TV ratings (ayon sa Kantar Media) ang pilot episode ng Hiwaga ng Kambat noong April 21 (as opposed to its rival show on GMA-7 na Daig Kayo ng Lola Ko, which gathered 12.1%); habang 22.7% naman ang rating second episode last Aril 28 (as opposed to Lola’s 14%), kung saan sa dulo lamang pinakita ang nagbinata ng si Iking (played by Edward) na naging taong-paniki na.

 

Kakambal at nemesis ni Edward dito ang action-prince-to-be na si Grae Fernandez (anak ni Mark Anthony Fernandez at apo ni late action superstar Rudy Fernandez), naka-loveteam naman ang newbie Star Magic talent na si Chantal Videla.

 

Hiwaga ng Kambat is a weekly series produced by Dreamscape Entertainment for ABS-CBN. Ito ang ipinalit sa long-running na Wansapanataym. It airs Sundays after Going Bulilit and before Idol Philippines.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Maymay Entrata assures fans that MayWard will remain despite solo projects

Maymay Entrata, pang First Love ang mensahe kay Edward Barber

WATCH: Maymay Entrata talks about her dreams and achievements in life

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.