Fiancé ni Lian Paz na si John Cabahug, inip nang mapakasalan si Lian; wish na ma-legally adopt ang mga anak ni Paolo Contis

Magna-nine years na ang relasyon nina John Cabahug at Lian Paz at aminado si John na medyo naiinip na siyang mapakasalan ang dating dancer-actress. “Last year, nag-propose ako kay Lian noong anniversary namin. Kahit alam ko na hindi pa annulled, nagpaalam ako sa kanya. Sabi ko, ibibigay rin naman ’yan [kasal], gusto ko lang i-assure sa’yo na totoo ’tong ginagawa ko.”

Photos: @liankatrina

Magna-nine years na ang relasyon nina John Cabahug at Lian Paz at aminado si John na medyo naiinip na siyang mapakasalan ang dating dancer-actress. “Last year, nag-propose ako kay Lian noong anniversary namin. Kahit alam ko na hindi pa annulled, nagpaalam ako sa kanya. Sabi ko, ibibigay rin naman ’yan [kasal], gusto ko lang i-assure sa’yo na totoo ’tong ginagawa ko.”

Para sa fiancé ng dating actress at miyembro ng EB Babes na si Lian Paz, ang Cebu-based businessman na si John Cabahug, kasal na lang daw talaga ang kulang sa matibay na relasyon nilang dalawa. 

“Sobrang okey [kami],” masayang bungad sa amin ni John tungkol sa kanila ni Lian nang ma-kumusta namin sila via a phone conversation kamakailan.

“Last year, nag-propose ako kay Lian noong anniversary namin. Kahit alam ko na hindi pa annulled, nagpaalam ako sa kanya. Sabi ko, ibibigay rin naman ’yan [kasal], gusto ko lang i-assure sa’yo na totoo ’tong ginagawa ko,” lahad niya. 

Magna-nine years na raw ngayong February 23 ang relasyon nila ni Lian. Bukod sa magkatuwang sila sa pagpapalaki ng kanilang apat na anak, magkatuwang din sila sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo, isa na nga rito ang VDrinks Malunggay Juice na noong December lang ay tumanggap ng mga national recognition mula sa iba’t-ibang award-giving bodies. 

Kaya tinanong namin si John kung naiinip na ba siyang mapakasalan si Lian, na up to now ay hindi pa annulled sa failed marriage nito with actor Paolo Contis

“S’yempre medyo naiinip din,” pag-amin niya. “’Yong kabila, parang hindi ko talaga alam. Hindi ako nakikialam sa kanila noong una, pero sabi ko talaga kay Lian, kailangan na rin nating umaksyon.  

“Pero ’yong panahon lang before, parang hindi pa able. Nada-divert kasi kami palagi kasi everyday may apat na bata. May business na hina-handle.  Pero meron na kaming mga attorneys na kinontak about the situation.” 

Sabi naman ni John, naka-file na raw yata ang annulment ayon umano kay Paolo.

“Hindi rin naman kasi ako nagtatanong kay Lian kung kumusta ’yong case,” pagtatapat niya.  

Kung titingnan talaga, ay si John na talaga ang masasabing nakagisnang ama ng dalawang anak nina Lian at Paolo na sina Xonia at Xalene dahil three and two tears old respectively ang dalawa nang magsama sila ni Lian. At daddy kung i-address siya ng dalawang bata. 

“Medyo matagal na rin,” sambit ni John ukol sa pagtayo niyang ama sa mga ito.

“And ’yong relationship [namin], sobrang okey kami, especially ngayong nagka-pandemic, palagi kaming magkasama. Marami na rin silang questions. Hindi na sila ’yong sobrang bata. May mga movies silang pinapanood, tinatanong nila sa amin. So, mas nagkaka-bonding. Nakikita ko na rin ang personality nila, ’yong mga ganyan.” 

In a way ay nasaksihan namin kung gaano talagang parang tunay na anak na ang turing ni John sa dalawang anak ni Lian. At sa sobrang closeness nga ng mga bata kay John ay ang mga ito na raw ang nagkukusang gamitin ang Cabahug bilang last name kung minsan. 

“May mga instances na rin sa school na sa family name, ang nilalagay nila ’yong family name ko. Hindi namin alam [ni Lian].  

“Hindi rin sila nagtatanong, pero ako, sinabi ko rin kay Lian na let’s make it simple na lang. Ang gusto ko lang naman sa mga bata, ’yong welfare nila kasi, napamahal na rin sila sa akin ng sobra. 

“Iba na rin ang relationship ko sa mga bata. Para kasi silang mga angels na dumating sa akin. Talagang sobra, parang anak ko na talaga sila.” 

Sa huli, tinanong namin si John na kung sakali ba ay may plano siyang i-adopt ang mga anak nina Lian at Paolo para maging legal na ring mga anak ang dalawa? Sa gayun ay magagamit na din ng mga ito ang kaniyang apelyido sa mga official documents ng mga ito. 

“Sobra,” mabilis niyang sagot. “Pero sabi ni Attorney, kailangan kasi ng signature ni Paolo. Sabi ko, baka hindi papayag ’yon.  Pero ako, sobrang gusto ko.   

“Kung p’wede lang, kung halimbawa si Paolo, hindi na siya ’yong magpa-pride...pero siyempre, nirerespeto ko rin ’yong proseso at saka siya, kung ano ang mga diskarte niya sa buhay.

“Kaya sabi ko, in the right time siguro.”

Sa ngayon ay isang masayang blended family ang meron sina John at Lian dahil bukod kina Xonia at Xalene, nagsisilbing panganay nila ang daughter ni John from a previous relationship at meron na rin silang sariling anak ni Lian na nagsisilbi naman baby girl ng kanilang pamilya.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.