Five-year single na si JM de Guzman, gusto nang magka-relasyon pero takot pa ring magmahal

PHOTO: @1migueldeguzman on Instagram

PHOTO: @1migueldeguzman on Instagram

Ipinagtapat ng aktor na si JM de Guzman na magpa-hanggang ngayon daw, after five years of being a single, ay takot pa rin s’yang magmahal.

Ito ang ibinahagi n’ya sa one on one interview n’ya with Boy Abunda na in-upload last April 14 sa YouTube. 

Natanong kasi ang Kapamilya aktor ng mga personal questions na may kinalaman sa kanyang naranasang heartbreaks noon. At dito nga ay inamin n’ya na talagang nagkaroon ng malaking epekto sa kanyang buhay ang dalawang beses na pagkabigo sa pag-ibig. 

“Yeah, twice [na naranasan ang matinding heartbreak]. ‘Yong talagang depression and naparalisa ako,” lahad ni JM sa interview.

Sagad daw kasi talaga s’ya magmahal to the point na nagiging dependent s’ya sa taong ‘yon. 

Sobrang magmahal, oo… Because me, I’m dependent,” pag-amin n’ya. “Kailangan ko kasing ma-supplement ang void na meron ako. Nagiging dependent ako sa ibang bagay o sa taong ito. Kapag nawawala sila nandu’n pa rin ‘yong void. If I’m not doing something about this void it will just be a cycle.”

At para makabangon sa mga masasakit na yugtong 'yon ay nagpo-focus daw s’ya sa kanyang trabaho at pangarap. Thankful din daw ang aktor sa mga natatanggap na magagandang projects kahit na nagkaroon s’ya ng mga personal issues noon. 

“Doing the things that I love the best way that I can,” sey pa ni JM. “Being grateful, counting my blessings para hindi ako ma-stuck sa mga memories na ‘yun. Kinakausap ko ‘yong sarili ko, ‘Andito pa ‘yong pangarap mo, abot-kamay mo pa. P'wede pa, dito ka mag-focus.’

Nausisa din ni Boy na sa apat na naging girlfriend ni JM ay bakit nito nasabing dalawang beses lang s’yang nasaktan nang husto. 

Sagot ng binatang aktor, “‘Yong dalawa kasi na ‘yon ‘yong naramdaman ko talaga sa kaluluwa ko ‘yong love, e.

Sa ngayon ay mas nakatuon daw ng atensyon ni JM sa kanyang sarili at mga pangarap sa buhay kaysa pumasok sa isang relasyon. 

Gusto ko munang pahalagahan itong binigay sa akin, unang-una. At maging okay na tao, maging better than yesterday,” pahayag n’ya. “And in my mind na pangarap kong bahay, before I get into a commitment, naka-ready na para du’n.

Dagdag pa n’ya, “‘Yong mga na-experience ko hindi [sana] ma-experience, at least, ng pangarap kong pamilya.”

Diretsahan din s’yang tinanong ni Boy kung at this point of his life ba ay takot pa rin s’yang magmahal. 

Takot,” pag-amin ng 32-year-old Kapamilya star. “Pero ‘di ko ma-deny ‘yong feeling na gusto ko na rin. Gusto ko nang mag-commit, gusto ko ng relasyon.

At dahil contrasting ang gusto ng aktor sa nararamdaman n’ya, ipinauubaya na daw n’ya ang mga bagay na ito sa Maykapal. 

“‘Yon nga, pinapasa-Diyos ko na lang,” pagtatapos ni JM.

Anyway, isa si JM sa lead star ng sexy Kapamilya series na Init sa Magdamag kung saan kasama n’ya sina Yam Concepcion at Gerald Anderson. Mapapanood ito simula April 19 sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5 and other ABS-CBN digital platforms.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.