Former PA ni Janella Salvador, bumuwelta sa issue ng pangingikil umano niya sa aktres; Tulfo, nagbanta na siya ang makakalaban ni Janella pag nag-demanda ito sa dating PA

PHOTOS: Raffy Tulfo in Action on YouTube, @superjanella on Instagram,

PHOTOS: Raffy Tulfo in Action on YouTube, @superjanella on Instagram,

Muling sumalang sa programang Raffy Tulfo in Action si Michelle Pelongco, ang dating personal assistant ng aktres na si Janella Salvador upang sagutin ang tila paratang ng huli sa kanyang Twitter post kahapon, July 8.

Inireklamo kasi ni Pelongco sa show ni Raffy Tulfo ang Kapamilya actress ng underpayment dahil hindi umano nito ibinigay ang kulang na sweldo n'ya na nagkakahalaga ng P3,600 na pinagtrabahuhan n’ya mula June 1 to 12. 

Maliban dito, isiniwalat din ng former PA ang unfair treatment umano sa kanya at iba pang pang kasambahay at driver sa bahay ng aktres. Hindi daw kasi pareho ang pagkain nila sa kainakain ng mga amo nila. At binibigyan lang daw sila ng P2,000 para sa food allowance nilang tatlo sa loob ng dalawang linggo. Moreover, pinagbabawalan din daw silang maupo sa sofa sa sala. Ibinuking din ng Pelongco na wala silang SSS at PAG-IBIG benefits sa pagta-trabahi nila kay Janella kahit pa mandato ito ng gobyerno.

At dahil hindi nga nagpaunlak ng sagot sa programa ang kampo ni Janella, sa Twitter pinasinungalingan ng aktres kahapon ang mga alegasyon laban sa kanya. 

Bukod doon, sinabi pa ni Janella na ni si ngko ay wala umanong makukiuha sa kanya ang dating PA at mas nanaisin pa niya na sa “mas deserving” umano niya ibibigay ang P3,600 na hinihingi ni Pelongco. Sa huli, hinamon pa nito na idem,anda na lamang siya ng PA kung sa tingin nito ay may ngawa nga itong violation against her.
 


Dito, naungkat ng mga Nertizens ang issue na kaya lang daw nagrereklamo si Pelongco sa program ni Tulfo ay upang mangikil at makakuha ng pera sa aktres.

Kagabi rin, matapos ang mag-post ng kanyang statement sa Twitter si Janella ay agad na sumalang muli sa programa ni Mr. Tulfo si Pelongco at mariing pinabulaanan nito ang lumabas na issue na tila namemera lang daw s'ya.

Hindi po totoo 'yon kasi kinukuha ko lang ang sahod ko,” pahayag ni Pelongco. “Hindi po totoo ’yon. Alam po ’yon nu’ng mga kasama sa bahay. Kulang po ang binigay n'ya sa akin.

Wala mang payslip, meron naman daw silang pinipirmahang papel tuwing tumatanggap sila ng sweldo mula kay Janella. Pero ang mga nasabing papeles umano ay nasa pangangalaga ni Janella.  

Meron po kaming pinipirmahan sa kanya,” pagsasalaysay pa ng complainant PA. “Parang attendance po. Meron po s'yang listahan po doon sa attendance po namin. Nu’ng April po, 4K ang binigay n'ya. Tapos nu’ng May buo na po. Pero nu’ng umalis po ako binigay n'ya po sa akin 'yong kulang na 4K.”

Para maging malinaw sa mga manonood, muling natanong si Pelongco kung para saan ang sinasabi n'yang P3,600 kung tumanggap naman pala s'ya ng P4,000 bago s’ya pinaalis. 

Paliwanag ni Pelongco, nakatanggap daw s'ya ng P4,000 na kalahati ng kanyang kabuuang sweldo for the month of April. 

Hindi daw po n'ya ibibigay [’yong buong sweldo] kasi hindi ko daw po deserve ’yon," pagsisiwalat ni Michelle sa programa. “Hindi daw po worth it ’yong 8K na ibibigay n'ya sa akin kasi daw po hindi ako masyadong nakikita n’ya na nagtatrabaho d'yan sa bahay.”

Pero agad na depensa n’ya: “Hindi n'ya po ako nakikitang nagtatrabaho sa bahay kasi lagi naman po s'ya sa taas, e. D'yan lang po kami sa kusina.”

However, nagalit umano sa kanya ang aktres nang makarating dito na nag-sumbong pala siya sa handler nito.

Nalaman po n’ya na may sinumbungan po ako tungkol sa sahod ko. [Ibinigay] n'ya po 'yong 4K [sa akin]. Sabi sa akin, 'Ibibigay ko 'yong 4K na ikinakasama ng loob mo.’ ’Yon po ang sabi sa akin.”

Iyon na daw ang huling natanggap ni Michelle nang paalisin s’ya last June 12 matapos manilbihan sa aktres ng more than two years. At kaya umano s'ya dumulog sa programa ni Tulfo ay upang makuha naman ang dapat sana ay s’weldo n’ya mula June 1 to 12.

Muli rin n'yang inilahad sa programa na sa kabila ng maliit na sweldo ay wala pa diumano silang benefits gaya ng SSS, PhilHealth at Pag-ibig. 

“May pinasa po akong SSS sa kanya pero hindi... sabi n'ya po busy sa schedule kaya hindi na n'ya magagawa ’yan.”

Naungkat pa ang pamimigay diumano ni Janella ng mga pinaglumaang make up at expired na pagkain sa dating PA na, somehow, ay ipinagpapasalamat naman daw ng huli. 

Sa kabila ng nangyari, wala naman daw balak magsampa ng kaso si Pelongco laban sa dati n’yang amo dahil ayaw na n’yang lumaki pa ang gulo. 
 
Muli namang hinikayat ni Raffy Tulfo ang aktres na nasasangkot sa alegasyon na magsalita sa kanilang programa upang malinis nito ang kanyang pangalan kung totoo man ang sinasabi n’ya sa kanyang tweet na nagsisinungaling ang dati n'yang PA.

“For the last time, sakali mang magbago ang isip ni Janella Maxine Salvador, open pa rin po itong programa para magbigay ng inyong side at magpakita kayo ng ebidensya para i-dispute itong mga sinasabi ni Michelle,” pahayag ng TV and radio personality. “At kapag nakita namin na mali talaga si Michelle hindi namin kukunsintehin. Ganu’n kami rito.” 

Susog pa n’ya sa aktres: “Sana po meron kayong pagrespeto sa aming show the way that we respect you.”

Dahil dito ay nabanggit tuloy ni Mr. Tulfo ang isa pang Kapamilya actress na si Barbie Imperial na minsan ding nasangkot sa similar situation dahil nagsumbong din ang PA nito sa programa niya, Pero dahil umano nakipagtulungan sa program nila kaya madaling naayos ang kinasangkutan nitong reklamo. 

Sa muli, ako po ay sumasaludo kay Barbie Imperial not for anything else, but naging matapang s'ya na harapin ang problema, ang sumbong na ipinukol sa kanya," papuri ni Raffy Tulfo sa young actress. “At binigyan n'ya kaagad ng solusyon. Kung nakikinig ka, Ms. Barbie Imperial, okay ka talaga sa mga artistang nagkaproblema dito sa amin, so far isa ka sa marunong. Magaling ka.

Ipinakita rin ni Pelongco sa show ang non-disclosure agreement na pinirmahan umano niya kung saan nakasaad ang pangako niyang hindi ipagkakalat ang anumang personal information ng kanyang former employer na si Janella. Nakasaad din sa papel na may bisa ang kasunduang iyon sa loob ng 20 years. At kapag nagkamali umano si Pelongco ay maari s’yang kasuhan ng aktres.

However, ipinaliwanag ni Atty. Garreth Tungol, ang Chief of Staff ni Rep. Jocelyn Tulfo ng ACT-CIS Partylist, na malakas umano ang depensa ni Pelongco kung sakaling maghabla man si Janella “dahil ang kanyang dinayvulge na information ay hindi po personal kundi ang kanyang labor condition which is hindi po naka-wave sa kanyang non-disclosure agreement.”

Naglabas din ng hamon ni Raffy na kung sakaling magdemanda man si Janella laban kay Michelle ay s’ya na mismo ang makakalaban nito.

“Consider this case closed maliban na lang kung nagdemanda si Janella. Then, parang lilitaw na kaming dalawa ang magde-demandahan dahil come what may, kahit saan makarating, hindi ko bibitiwan ’tong si Michelle. Gagastusan ko ’to para sasanggahin 'yong demandang ikakaso ni Janella dahil sa pagsumbong sa amin.

 Nag-iwan din ng mensahe ang TV host sa controversial actress. 

Kapag nagka-demandahan lalong lalaki ang kaso,” paliwanag n'ya. “Para sa akin, dehadong-dehado ka dito, Janella. So, if I were you, tutal nabayaran ko naman na [’yong P3,600], keep quiet ka na lang para hindi na lumaki ang problema. Let it die the natural death, ’ika nga.”

Matapos namang tumanggap ng tulong mula programa, nag-iwan din ng mensahe si Pelongco sa mga bumabatikos at nangungutya sa kanya sa social media. 

Mababang-loob din siya humingi ng dispensa sa dati n’yang amo dahil hindi rin naman daw niya ginustong umabot pa sa ganito ang sitwasyon nila.

Wala naman po ako talagang balak na gawin ’to kasi pinahalagahan ko naman ang pinagsamahan namin ni Ma’am Jia," pagsasaad ni Pelongco. “Pero sobra naman kasi po ’yong ginawa n’ya e. Kung binayaran lang po n'ya ako...okay lang po na pinaalis n'ya ako nu’n kahit umuulan...

Meron din po akong karapatan dahil hindi naman po tama ’yong ginawa n'ya sa akin, ’yong gipit na nga po ako ganu’n pa po gagawin sa sahod ko. S’yempre lahat naman po tayo nangangailangan ng pera. 

Kay Ma'am Jia po, sorry po. Nagawa ko lang ’to kasi alam n'yo po na kailangan ko rin 'yong pera ko. At hindi po ako name-mersonal. Alam n'yo po na bawat sweldo ko pinapadala ko sa mama ko kaya sorry po talaga na umabot pa tayo sa ganito."

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.