Former PBB Housemate Dawn Chang, inusig si Toni Gonzaga: “Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa?”

Si Dawn ay unang nakilala sa Pinoy Big Brother 737 edition noong taong 2015. Siya ang itinanghal bilang Fourth Big Placer noon. Naging miyembro rin siya ng ABS-CBN girl group na “Girltrends.”

Photos: @thedawnchang

Si Dawn ay unang nakilala sa Pinoy Big Brother 737 edition noong taong 2015. Siya ang itinanghal bilang Fourth Big Placer noon. Naging miyembro rin siya ng ABS-CBN girl group na “Girltrends.”

Biglang naging maingay ang pangalan ni Dawn Chang. Nag-trending din ito sa ilang social media kabilang na ang Twitter.

Ang dahilan ay ang matapang nitong pagtuligsa at hindi pagsang-ayon sa kare-resign lang na host ng Pinoy Big Brother na si Toni Gonzaga.

Si Dawn ay unang nakilala sa Pinoy Big Brother 737 edition noong taong 2015. Siya ang itinanghal bilang Fourth Big Placer noon. Naging miyembro rin siya ng ABS-CBN girl group na “Girltrends.” 

At kagabi, hindi naitago ng PBB alumna ang kanyang saloobin hinggil sa pagsuporta ng TV host-actress na si Toni Gonzaga sa kandidatura ng UniTeam nina dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.

Nainsulto at nadismaya umano siya sa naging action ni Toni, partikular ang paghu-host nito sa proclamation rally ng UniTeam, kung saan isa sa masigabo nitong i-pinisinta sa madla si Congressman Rodante Marcoleta, na isa sa mga naging masigasig na mai-deny ang prangkisa ng ABS-CBN. 

“It’s my greatest honor to verbalize what other people cannot say: I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga,” matapang na panimulang lahad ni Dawn sa nag-trend niyang social media post.

Usig niya: “Paano n’yo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?

As a former PBB housemate, alam kong magtatampo nyan si Kuya.’ 

Hindi rin daw n’ya kayang manahimik na lang sa mga kaganapang ito. 

“I cannot remain quiet,” patuloy niya. “Alam ng lahat ng artista na mas ‘safe’ ang manahimik na lamang. Pero hindi ko po kaya. Hindi pwede. It is my privilege to lend my small voice in this battle for the soul of our country.”

Sa puntong ito na rin n’ya ipinahayag ang kanyang pagsuporta kay Vice President Leni Robredo na mahigpit na katunggali ni former senator Bongbong Marcos sa presidential race. Paglilinaw pa n’ya, kusang loob daw ang kanyang pagsuporta kay VP Leni at wala itong kapalit na bayad. 

“Kaya sa aking mga kapwa Pilipino, kay VP Leni Robredo Leni Gerona Robredo po ang suporta ko. Hindi po ako binayaran dito.” 

Dagdag pa ng dancer-actress: “If this is my biggest fight, then I will forever cherish standing up to what I believe in. Hindi po pera pera. Heto po ay laban ng prinsipyo. I want for all of us to say ‘Hello’ to a better Philippines.”

“Today, and always, I pray for everyone's guidance. May He send us His true guardian angels. 

“I will forever fight the good fight with all of my true kapamilyas and the Filipino people.”

 

It’s my greatest honor to verbalize what other people cannot say: I am deeply insulted and disappointed by the actions...

Posted by Dawn Chang on Wednesday, February 9, 2022

At dahil sa pagiging vocal ni Dawn sa kanyang saloobin hinggil kay Toni at sa lantaran na rin niyang pagsuporta kay VP Leni, umani ng iba’t-ibang reaksiyon si Dawn mula sa mga netizens. 

Merong mga nag-“Da Who?” sa kanya at tinawag siyang starlet.  

’Yung iba naman ay sinabihan siyang “Laos ka na dai!” at may mga pumuna na nagpapaka-KSP (kulang sa pansin) daw ito.

“Dawn Chang wants attention,” say ng isang basher.

“Nagpapaka-relevant,” dagdag naman ng isa pa. 

Pero siyempre, marami rin ang biglang na-appreciate si Dawn for speaking up. “Brave girl,” “Stan Dawn,” sabi ng ilan.

“I did not know who Dawn Chang is before this tweet but I do now. You go, girl” pagsuporta naman ng isa pa.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.