Former PBB housemate Dionne Monsanto, may patutsada rin kay Toni Gonzaga

Patama ng Switzerland-based former PBB housemate na si Dionne Monsanto kay Toni Gonzaga sa Twitter: “Self-proclaimed ‘Angel.’ Reminds me of self-proclaimed ‘Appointed Son of God’ ‘Modern-day Joseph’ Try nyo self-proclaimed Judas, o self-proclaimed Satanas ganyan HAHAHAHAHAHAHAHA…”

PHOTOS: @dionne & celestinegonzaga on Instagram

Patama ng Switzerland-based former PBB housemate na si Dionne Monsanto kay Toni Gonzaga sa Twitter: “Self-proclaimed ‘Angel.’ Reminds me of self-proclaimed ‘Appointed Son of God’ ‘Modern-day Joseph’ Try nyo self-proclaimed Judas, o self-proclaimed Satanas ganyan HAHAHAHAHAHAHAHA…”

Hindi lang pala ang former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Dawn Chang ang kumastigo kay Toni Gonzaga kundi maging isa pang PBB graduate din na si Dionne Monsanto.

Kasunod kasi ng pagre-resign ni Toni bilang main host ng Pinoy Big Brother last February 9 ay ang pagpo-post ni Dionne sa Twitter na ng tila patama niya sa dating PBB host. Ang tila pinanggalingan kasi ng patama niya ay mula sa linya ni Toni na: “This is your angel, now signing off…” sa farewell statement nito sa PBB. 

Banat dito ng Switzerland-based retired actress on Twitter: “Self-proclaimed ‘Angel.’ Reminds me of self-proclaimed ‘Appointed Son of God’ ‘Modern-day Joseph’ Try nyo self-proclaimed Judas, o self-proclaimed Satanas ganyan HAHAHAHAHAHAHAHA…”

Naghihinakit kasi silang mga supporters ng ABS-CBN sa pagpapahayag ni Toni ng suporta sa kandidatura ni dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte, at maging sa pagpapakilala pa senatorial aspirant na si Cong. Rodante Marcoleta na isa sa 70 congressmen na bumoto against ABS-CBN franchise renewal noong 2020.

Mas direkta na ang banat ni Dionne kahapon, February 10, na may kinalaman naman sa pagiging “unbothered” diumano ni Toni dahil hindi nito inisip na maraming masasaktan bago s’ya nagpasyang ipakilala si Marcoleta bilang senatorial candidate. 

“Paano yung sobrang dami mong nasaktan pero unbothered ka lang?” tirada n’ya sa aktres via Twitter pa rin kung saan ini-repost n’ya ang artcard ng statement ni Direk Erik Matti against Toni.

Naka-off ang comment section ng Twitter account ni Dionne kaya’t hindi maga-gauge kung sang-ayon ba sa kanya o hindi ang netizens.

Samantala, sa kabila ng mga tinatanggap na tuligsa mula sa ABS-CBN supporters, nakahanap naman ng suporta si Toni mula sa kanyang mga kaibigang sina Mariel Padilla at Bianca Gonzalez kahit na magkaiba sila ng sinusuportahang kandidato. 

Ipinagtanggol din s’ya ng dating TV host-actress na si RR Enriquez at recently, ni Robin Padilla, na kapwa nagsabing karapatan ni Toni na magpahayag ng suporta sa mga kandidato na gusto nitong suportahan.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.