Francine Diaz, gusto ng “happy heart” pero ayaw muna ng love life

Nangunguna sa listahan ng mga goals ni Francine Diaz for 2022 ang happiness and good health para sa kanyang pamilya, at ang maipasa lahat ng subjects n’ya sa school.  Pinagsasabay kasi n’ya ngayon ang pag-aartista at ang pagiging senior high school student sa Southville International School Affiliated with Foreign Universities (SISFU).

PHOTO: @francinesdiaz on Instagram

Nangunguna sa listahan ng mga goals ni Francine Diaz for 2022 ang happiness and good health para sa kanyang pamilya, at ang maipasa lahat ng subjects n’ya sa school. Pinagsasabay kasi n’ya ngayon ang pag-aartista at ang pagiging senior high school student sa Southville International School Affiliated with Foreign Universities (SISFU).

Hindi raw kasali sa priority ni Francine Diaz this year ang pagkakaroon ng love life dahil mas nakatuon daw ang atensyon n’ya ngayon sa kanyang pamilya, pag-aaral, at showbiz career. 

Sinabi ’yan ng Kapamilya actress sa guesting n’ya sa morning show na Magandang Buhay kahapon, January 4. Napag-usapan kasi sa show ang mga goals n’ya para sa taong ito. 

Nangunguna sa listahan ni Chin, nickname ni Francine, ang happiness and good health para sa kanyang pamilya, at ang maipasa lahat ng subjects n’ya sa school. 

Pinagsasabay kasi n’ya ngayon ang pag-aartista at ang pagiging senior high school student sa Southville International School Affiliated with Foreign Universities (SISFU).

Kabilang din daw sa din sa goals niya ang pagkakaroon ng “happy heart” pero agad niyang nilinaw n’ya hindi daw ito tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend. Ito ay kahit na she’s turning 18 na this coming January 27.

“Happy heart for myself po,” paliwanag ng Huwag Kang Mangamba actress. “Hindi naman sa ayaw ko talaga ng love life. Marami akong crush. Pero alam kong hindi pa po ako ready kaya for now gusto ko happy ’yong heart ko.

NBSB o no boyfriend since birth ang dalagitang aktres at base sa kanyang sagot ay wala s’yang plano na baguhin ito at present.

At para naman sa kanyang showbiz career, hiling ng aktres ngayong taon na dagsain s’ya ng maraming trabaho. 

“More projects para more money,” natatawa at diretsong saad ni Francine.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.