Future wedding at baby nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, “very soon” na daw ayon kay Vilma Santos

PHOTOS: @senorita_jessy & @rosavilmasantosrecto on Instagram

PHOTOS: @senorita_jessy & @rosavilmasantosrecto on Instagram

Tila nadulas si Star For All Seasons Vilma Santos-Recto nang matanong s’ya kung kailan ba magpapakasal ang anak n’yang si Luis Manzano sa girlfriend nitong si Jessy Mendiola.

Naging special guest kasi ang actress-politician sa live YouTube online tsikahan na Tonight With Allan D (2WAD) hosted by showbiz writer Allan Diones last October 31. Nagsilbing advanced birthday celebration ito ng Star for All Seasons, who is turning 67 on November 3. 

At dahil special birthday episode nga ito para sa kanya kaya naman natanong ang iconic actress kung ano ba ang kanyang birthday wish.

“Kung meron man akong hihilingin sa birthday ko o ipagdarasal, ang talagang pinagdarasal ko lang at hihilingin ko sa Panginoong D’yos talaga is, ‘Lord, tama na po. Tama na po itong COVID,’” pahayag ng Lipa Congresswoman via StreamYard. 

“Sana unti-unti na itong mawala. Sana ma-lessen na ‘yong namamatay, ma-lessen na ‘yong nagkakasakit, and at the same time, with all the calamities na dumadating ngayon, sana mabasawan na.

Dagdag pa n’ya: “[Year] 2020 is really not a good year for all of us. And all over the world, hindi talaga maganda ang 2020. So talagang prayers lang ang makakatulong sa’tin para mabawasan ng lahat ang pagsubok na ito. Kasi hindi talaga maganda.”

Matapos noon ay sumundot ang guest panelist na si Jerry Olea kung wish na rin ba niyang magka-apo bilang maraming celebrities ang nabuntis at nanganak nang magka-lockdown due to COVID-19. 

“Siguro kung meron man akong hinihiling, [‘yon ay] apo. Baka very soon. Yehey,” sagot naman ni Ate Vi na tila nadulas sa kanyang mga sinabi. 

Dito na pumasok muli si Allan para linawin ang naibulalas ng aktres. 

“Sandali. Ano ‘yong ‘very soon’? Uriratin natin ‘yong ‘very soon,’” sey naman ni Allan. 

Una na kasing napaulat na patapos na daw ang ipinatatayong dream house by the beach nina Luis at Jessy kaya umugong din ang balita na baka lumagay na din sila sa tahimik in the near future.  

“Siguro, para sa inyo, karapatan ko lang sabihin sa inyo na very soon. ‘Yon lang ‘yon,” natatawang bawi ni Ate Vi. 

Dahil medyo malabo nga, muli na namang na-curious si Allan. 

“Very soon ang apo? Very soon ang wedding?” tanong nito sa multi-awarded actress.

“Basta,” sagot na lang si Ate Vi na natatawa. 

“Ate Vi, very soon po kay Luis o kay Christian?” sundot naman ni Gorgy Rula, na isa rin sa mga panelists, na ikinagtawa nilang lahat. 

Sagot ni Vilma: “Kay Lucky [Luis]…

“Tama na. Okay na ako du’n. Basta very soon,” natatawa pa ring diin ng Star for All Seasons.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Luis Manzano humorously copies Taiwanese actor Jerry Yan's bathtub scene in the drama series Count Your Lucky Stars

Pika's Pick: Jessy Mendiola’s birthday tribute to her “my love” Luis Manzano will make girls want to meet their own Luis

Rep. Vilma Santos slammed by celebrities and netizens for her vote over ‘Anti-Terror’ Bill

Pika's Pick: Congresswoman Vilma Santos-Recto dances to “Fight Song” as her salute to all health workers

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.