Gabbi Garcia, nag-set up ng community pantry sa Paranaque City

PHOTOS: @gabbi on Instagram

PHOTOS: @gabbi on Instagram

Nakiisa ang aktres na si Gabbi Garcia sa pagtulong sa mga nagugutom ngayong panahon ng pandemya by setting up a community pantry sa BF Northwest, Parañaque City.

Inspired ito sa community pantry na itinayo ni Anna Patricia Non last April 14 sa Maginhawa St., Diliman, Quezon City para sa mga taong walang pambili ng pagkain. P’wede rin dalhin at ilagay dito ang mga donasyon ng sinuman na gustong magbigay.

Naging laman ng mga balita ang community pantry na ito ni Patricia Non at nag-viral online kaya naman ginaya ito ng ilan at nag-set up din ng similar effort sa kani-kanilang community. Isa na nga doon si Gabbi. 

Sa kanyang ipinost na series of photos sa Instagram kahapon, April 20, makikita kung paano nila inayos ang kanilang community pantry kung saan available ang libreng bigas, gulay, canned goods, noodles, at may pa-ice cream pa. 

May poster din na nagsasabing, “Libreng gulay para sa ating mga Security Guards, Kuya Riders, Construction Workers. Salamat po sa inyo!”

Ayon naman sa naging caption ng 22-year-old actress, malinis ang hangarin n’ya sa pagpo-post ng kanilang community pantry sa Instagram at ‘yon ay ang makapag-inspire sa iba na tumulong sa kanilang munting paraan. 

Naging kontrobersyal kasi si Anna Patricia Non matapos ma-red tag ng ilang government social media pages. Nagsara din ang Maginhawa community pantry kahapon dahil nga sa red tagging pero nagbukas na muli ito ngayong araw, April 21. 

“Posting this with nothing but pure and good intentions,” pahayag naman ni Gabbi. “[T]his is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way.”

Nagpasalamat din s’ya sa mga tumulong at nagbigay ng kanilang donasyon.  

“[T]hank you to our small community for making this possible!” aniya. “[T]hank you also to everyone who stopped by to drop their donations. May God Bless you more!”

Pinasalamatan din ng aktres ang iba pa na naging dahilan kaya nagsulputan ang mga community pantries sa iba’t ibang dako ng bansa.  

“[T]o all the community pantries, SALAMAT SAINYO!!! Keep going! God bless your pure hearts! Tayo tayo ang magtulungan,” pagtatapos ni Gabbi. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)

Anyway, nakatakdang mapanood si Gabbi sa series na “Love You Stranger” katambal ang kanyang Kapamilya-turned-Kapuso boyfriend na si Khalil Ramos soon.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Gabbi Garcia, walang stress sa boyfriend na si Khalil Ramos

LOOK: Gabbi Garcia and Khalil Ramos exchange sweet message of support!

Inside Gabbi Garcia’s modern tropical home

Pika's Pick: Gabbi Garcia is the latest Pinay celebrity who received the YouTube Gold Play Button plaque

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.