Gabbi Garcia sa pagpapalipat niya kay Alden Richards sa tabi ni Julie Anne San Jose: “Wala pong nag-utos... Dapat po nasa gitna siya ng ending dahil headliner po ang idol niyo.”

PHOTOS: @gabbi, @aldenrichards, & @myjaps on Instagram

PHOTOS: @gabbi, @aldenrichards, & @myjaps on Instagram

Sumagot si Kapuso actress Gabbi Garcia sa ilang nagpakilalang AlDub fans matapos makaladkad sa issue na pinaglalapit n’ya umano sina Alden Richards at Julie Anne San Jose.

Nagkaroon kasi ng maling interpretasyon ang ilang devoted fans nina Alden Richards at former love team partner n’yang si Maine Mendoza nang palipatin ni Gabbi sa center stage ang aktor sa closing ng musical-variety show na All-Out Sundays (AOS) last Sunday, February 7.

Nagkataon naman na nasa gitna din ng stage ang Kapuso singer na si Julie Anne na mainstay din ng programa.

Hindi ‘yon nakaligtas sa mata ng mga alleged AlDub fans at inalmahan ng mga ito si Gabbi, via social media, sa ginawa n’yang pagpapalipat kay Alden malapit kay Julie Anne. 

Hinala nila, pakana ng management [ng GMA-7] na talagang paglapitin ang dalawang Kapuso stars na reportedly ay both single at the moment at si Gabbi ang umano ay nagpag-utusan para gawin ‘yon.

Umani tuloy nang masasakit na salita sina Gabbi at Julie Anne mula sa tweets ng mga nagpakilalang AlDub fans. 

Sumagot naman si Gabbi sa isa sa mga ito upang linawin ang totoong nangyari sa show. 

“Ay wala pong nagutos,” pagtutuwid ng aktres sa haka-haka ng ilang fans. “Na conscious lang po ako dahil si Alden ang headliner ng show, tapos ako po yung nasa gitna nung closing. 

“Pinapalipat ko po siya kasi nasa gilid ko po siya. Dapat po nasa gitna siya ng ending dahil headliner po ang idol niyo.”

Nag-sorry naman sa kanya ang ilang nagpakilalang totoong fans ni Alden dahil sa tinamo n’yang pamba-bash mula sa ilang umano ay AlDub fans. 

“Ms. Gabbi, know that true Alden fans will not do or say such things coz we know that Alden will not like that,” lahad ng isang Twitter user. “We are thankful and appreciative of artist na ka trabaho ni A. Marami kasing nagpapanggap na A fans pero sa totoo lang bashers ni A at gusto sya ipahamak. FYI lang po.”

“@gabbi pasensyahan mo na sila,” pagso-sorry naman ng isa. “D sila tunay n fans ni Alden,kaming mga tunay na fans ni Alden,love namin mga katrabaho ni Alden,kaya ok lng samin khit san nkpwesto si Alden tsaka alam namin na dti n gnagawa yan ni Alden,don’t mind d bashers Ms.Gabbi,Congrats sa buong AOS Team!”

Na-appreciate din daw nila ang ginawa ni Gabbi sa pagsabi nito kay Alden na lumipat sa center stage para mas makita s’ya sa screen.

“Ms Gabbi, you don't have to but thanks for this anyways,” sey ng isang fan. “We like your hosting tandem with our Alden! We, true fans of Alden, appreciate your harmonious working relationship with him. Never mind those petty dramas. Just carry on!”

Maliban kay Julie Anne, inalmahan din noon ng ilang AlDub fans ang pagtatambal kay Alden Richards sa iba pa n’yang naging leading lady gaya nina Janine Gutierrez, Thia Thomalla, at Mikee Quintos.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julie Anne San Jose, balik-teleserye after two years

Julie Anne San Jose, willing to do more production numbers with Alden Richards kahit na ma-bash

Fans ng AlDub, kinilig sa sagutan nila Maine Mendoza at Alden Richards sa Instagram

“Married” story about the AlDub onscreen pair resurfaced; fans trend the hashtag: #ALDUBNoToScriptedNews

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.