Naging matiyaga pala sa paghihintay ang aktor na si Khalil Ramos bago siya tuluyang nakapanligaw noon sa aktres at girlfriend na niya ngayong si Gabbi Garcia.
Inabot lang naman kasi siya ng dalawang taon sa paghihintay bago tuluyang pumayag si Gabbi na magpaligaw.
Ayon iyan mismo sa ipinagtapat ng aktres sa Kapuso Confessions na in-upload on YouTube recently.
Sa nasabing video, sinagot ng Love You Stranger lead star ang tanong kung ano ba ang pinaka-sweet na nagawa sa kanya ng kanyang nobyong si Khalil so far.
Dito napa-throwback si Gabbi at sinabing hinintay siya ni Khalil ng two years hanggang sa maging ready na siyang magpaligaw dito.
"Ang dami, e, [but it] was to wait for me," masayang sagot ni Gabbi.
Noong 2015 pa daw kasi sila nagkakilala pero noong 2017 lang siya pumayag na manligaw ito sa kanya.
"Kasi I feel like, si Khalil, 2015 pa lang, magkakilala na kami but 2017 ako naging ready so we started dating nu'ng 2017. So, he waited."
Isa pa sa pinaka-nagugustuhan umano niya sa aktor ay ang pagra-rub nito ng thumb sa kamay niya unconsciously kapag magka-holding hands sila.
"I love it when he does this to my hand, kapag hinahawakan niya ako nang ganito," kinikilig na paglalahad ng aktres.
Ngayong magkatambal na sila ng kanyang boyfriend sa kanilang first-ever primetime series na Love You Stranger, game and hoping si Gabbi na muling makasama si Khalil susunod niyang project, lalo na kung travel show ito.
"We love traveling, we love to travel the world, and magkakasundo kami ni Khalil doon," pagtatapos niya.
Napapanood ang reel and real-life couple na sina Gabbi at Khalil sa Love You Stranger mula Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad.
YOU MAY ALSO LIKE:
Khalil Ramos, pangarap patirahin sa isla ang future family niya
EXCLUSIVE: Khalil Ramos answers Random Questions from pikapika
Gabbi Garcia, nag-set up ng community pantry sa Paranaque City
Gabbi Garcia, feel gumawa ng Girls Love series with Sanya Lopez as her leading lady
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber