Gabbi Garcia, walang stress sa boyfriend na si Khalil Ramos

Gabbi happy to be stress-free sa kanyang lovelife!

PHOTO: Jewelle Pacia

Gabbi happy to be stress-free sa kanyang lovelife!

Proud na inamin ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia na hindi siya nakakaranas ng stress sa kanyang celebrity boyfriend from a rival network na si Khalil Ramos. 

Nakausap ng press ang tinaguriang Global endorser sa media conference ng bagong drama-action series na Beautiful Justice kamakailan. 

Gagampanan ni Gabbi sa nasabing serye ang character ni Brie, isang kikay na social media influencer na hihingi ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang PDEA boyfriend after ng isang buybust operation.   

Evident ang happiness sa mukha ng aktres ng mag-open up ito about sa kanyang boyfriend. Aniya ni Gabbi, hindi daw siya binibigyan ng stress nito.

“Team Khalil po,” pa-iwas na sagot ni Gabbi. “Dyowa ko na lang po...mahal na mahal ko po ang dyowa ko, wala akong stress, masaya na ako.”

Kaya ganoong ang naging sagot ni Gabbi ay dahil ang naging konteksto ng tanungan ay napa-tungkol sa malapit nitong kaibigan na si Julia Barretto na naharap sa matinding relationship intriga kamakailan that also involved Gerald Anderson and Bea Alonzo. Hindi tuloy naiwasang matanong si Gabbi kung kanino ito mas kampi, kung Team Julia, Team Bea, o Team Gerald ba siya.

Sinabi ni Gabbi na kinakamusta at tine-text niya daw ang kaibigan amidst the controversy at in-assure niya ito na she got Julia’s back. 

After sagutin ang mga questions about Julia, nag-move on naman sa question about her boyfriend. 

When asked kung okay lang ba na magkahiwalay sila ng network ni Khalil, she was quick to say, “Opo, si Khalil kasi hindi siya ma-showbiz na tao.”

Dagdag pa nito, “I mean kahit nasa showbiz siya hindi siya ma-showbiz na tao. Tsaka very far ng (interest), siya nasa serious acting side...mga pelikula ganyan. Ako naman, model and actress. So medyo malayo po talaga, para nga kaming unlikely pair. Hindi akalain ng tao na mag-click kami, pero nag-click kami.”

Makakasama din ni Gabbi ang mga Kapuso stars na sina Bea Binene, Yasmien Kurdi, Derrick Monasterio and Gil Cuerva sa upcoming teleserye nito.

Beautiful Justice will premiere on GMA Telebabad beginning September 9.

YOU MAY ALSO LIKE:

Khalil Ramos admits he has ghosted someone before! “Pero hindi ko yan gagawin kay Gabbi [Garcia].”

Julia Barretto mutes comments on Instagram

Yasmien Kurdi shares views on conjugal money: “Kahit anong meron ’yong asawa mo, sa’yo din ’yon.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.