Gabby Concepcion, dini-direct message pala ng mga babae sa kanyang Messenger app.; deadma nalang daw dahil hindi na mataas ang “libido” niya

Hindi lang daw basta sa comments section ng kanyang mga social media accounts nagme-message ang mga ito, kundi nagdi-DM pa or direct messaging. “Actually, sabihin ko na sa inyo, sa Messenger...madalas sa messenger [nagme-message]. Kaya minsan tinatanggal ko ’yong messenger ko.”

Photos: Anna Pingol & courtesy of BeautéDerm Corporation

Hindi lang daw basta sa comments section ng kanyang mga social media accounts nagme-message ang mga ito, kundi nagdi-DM pa or direct messaging. “Actually, sabihin ko na sa inyo, sa Messenger...madalas sa messenger [nagme-message]. Kaya minsan tinatanggal ko ’yong messenger ko.”

Nasa jolly mood si Gabby Concepcion during his press launch as the newest brand ambassador of BeautéDerm Corporation kamakailan at lalo itong ginanahan nang sabihin ni BeautéDerm CEO na si Rhea Tan na minithi niya talagang makuhang endorser ang top 80’s matinee na idol dahil bukod sa fan siya nito ay bagay na bagay daw si Gabby sa mission/vision ng company in promoting age-defying products.

“Kitang-kita n’yo naman, up to now mamula-mula pa rin ang mga pisngi niya,” tukso ni Miss Rhea. Bagay na bagay din daw si Gabby sa catchline na “Men can glow, too.” 

At 56, glowing pa nga din si Gabby, hindi lang sa looks, kundi pa pati sa kanyang second-wind career. 

At dahil isa pa rin sa maituturing na most handsome sa showbiz, natanong si Gabby kung paano niya nare-resist ang ilang mga pretty but aggressive fans na lumalapit sa kanya.

It turns out, hindi lang sila lumalapit kundi nagdi-direct message pa talaga sa aktor.

“Because of social media mas naging open ang communication ng tao...’yon ang isang malaking pagbabago talaga na nangyari sa industriya natin, no’ng panahon natin, wala no’n,” panimulang k’wento ni Gabby. “And maraming nagpapadala ng mga litrato, mga sulat na very friendly and talagang hindi lang ako talaga...

Hindi ko nalang pinapansin.”

Hindi na nag-elaborate si Gabby kung gaano “ka-friendly” ang mga mensaheng nakukuha niya mula sa mga aggressive ladies na ito na tinatamaan sa kanya. Pero reading between the lines, tila may pagka-explicit ang iba.

“Alam n’yo naman ang social media...talagang open na open, walang editing. So, hindi ko nalang din pinapansin dahil hindi ko naman din pinapatulan.

Nakikita kong ganyan may sinasabi sila, binabasa ko lang ’yong sinasabi nila...tinitingnan ko kasi baka may content na  mahalaga...baka kailangan ng tulong or something...pero curious lang ako kung ano ’yong sinusulat nila kasi ang hahaba...parang love letters.”

Hindi lang daw basta sa comments section ng kanyang mga social media accounts nagme-message ang mga ito, kundi nagdi-DM pa or direct messaging.

“Actually, sabihin ko na sa inyo, sa Messenger...madalas sa messenger [nagme-message]. Kaya minsan tinatanggal ko ’yong messenger ko.” 

(Ang Messenger ay ang free direct-messaging application feature ng Facebook.)

Hindi na raw problema sa kanya ang pagre-resist sa mga “temptations” sa ngayon dahil iba na ang kanyang mga priorities at pananaw sa buhay.

“Ah, no’ng araw pa naman, [nare-resist ko na sila]....” paniniguro ni Gabby.

“No’ng bata ako, [mga] 18-19 [years old] ako, mataas ang libido ko, e,” pabirong pag-amin niya na ikinatili ng mga presss people.

Pero dagdag niya: “Ang concentration ko—and again ano, [at] my of my age of 42—I’m not getting any younger, s’yempre seryoso...ano ka na..,iba na ’yong pananaw mo sa buhay. Lahat naman ng tao dumadaan sa ganoong stage—mapa-lalaki, babae...

“I think, you know, [at ages] 17, 18, 19...you’re out to see the world. E, hindi na ako 17, 18, 19...22 na ho ako.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Gabby Concepcion, p’wedeng-p’wede pa raw mag-underwear sa movies at endorsement; nahihiya lang sa mga anak

Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, nakapag-usap at nagkabati dahil sa pag-padrino ng isang kaibigan

Sharon Cuneta and Gabby Concepcion duet reunion draws cheers from MOA crowd

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.