Gabby Concepcion, p’wedeng-p’wede pa raw mag-underwear sa movies at endorsement; nahihiya lang sa mga anak

Maalaga naman daw talaga sa katawan si Gabby Concepcion at mas lalo daw siyang naging maingat when he turned “42.” Pinipili daw niya lahat ng ini-ingest niyang food and drinks. Mahilig daw siya sa mga veggies and fruits partikular na sa papaya.

PHOTOS: Anna Pingol

Maalaga naman daw talaga sa katawan si Gabby Concepcion at mas lalo daw siyang naging maingat when he turned “42.” Pinipili daw niya lahat ng ini-ingest niyang food and drinks. Mahilig daw siya sa mga veggies and fruits partikular na sa papaya.

Sa formal launch niya bilang age-defying brand ambassador ng BeauteDerm Corporation last Saturday, October 12, na ginanap sa Relish Restaurant sa Quezon City ay consistent si Gabby Concepcion sa pagsasabing 42 years old lang siya.

Of course nagbibiro lang siya dahil he’s already 54. Although in fairness, he could really pass for a forty-something dahil bukod sa na-maintain niya ang kanyang trademark na mamula-mulang mga pisngi at labi, ay na-maintain din niya ang kanyang well-toned physique.

Maalaga naman daw talaga siya sa katawan at mas lalo daw siyang naging maingat when he turned “42.” Pinipili daw niya lahat ng ini-ingest niyang food and drinks. Mahilig daw siya sa mga veggies and fruits partikular na sa papaya. 

Malaking bagay din daw, sa tingin niya, ang paglalagi niya sa beach—sa Lobo, Batangas in particular kung saan may beach property ang mga Concepcion—kaya he remains healthy. Malinis daw kasi ang hangin doon at malakas maka-good vibes kaya hindi siya naapektuhan ng mga kanegahan sa paligid-ligid.

Moreover, mahilig daw siyang nag-walking. Ito ang go-to exercise niya. Although nagdyi-gym pa rin naman daw siya regularly. Except that hindi na raw siya nagbubuhat ng mga mabibigat. 

This brings some movie reporters to ask if—dahil trimmed and toned naman siya—p’wede pa siyang magpa-sexy sa movies or sa mga pictorials.

“Oo, p’wede,” mabilis na sagot niya, sabay kambiyo na: “Nahihiya lang ako sa mga young ones...ayokong sabihin nilang tinatalbugan ko sila. Joke lang! Joke...joke lang ’yon.”

Turning serious, he adds: “S’yempre nahihiya na akong magpakita ng underwear...pero gustong-gusto nga ng endorsement ng dinadala kong apparel na mag-underwear ako. Nahihiya lang ako sa mga young ones.”

In fairness, may standing offer pala. Pero he needed to turn it down.

“Nahihiya lang ako sa mga anak ko,” direktang tukoy ni Gabby. “S’yempre, mag-gano’n-ganon ka. P’wede siguro mga half shot, gano’n...”

“Pero p’wede...tingin ko p’wede pa ’to, e,” dagdag biro na naman niya sabay himas sa abs.

Turning serious again, he said: “Oo p’wede...pero eto ang totoo niyan, sabihin ko na sa inyo, nahihiya lang ako...saka marami akong mga love handles. Baby pa ko, e, kaya marami akong baby fats. Kailangan tanggal-tanggalin na.”

And for that, willing daw siyang magpa-sponsor para makita ang before and after ng kanyang abs.

“Gusto ko. In fact, nakaka-encourage ’yong meron kang sponsor para at least makikita nila ’yong before and after. Gagawin ko ’yon. Gusto ko ngang ilagay sa vlog ko, e, ’yong before and after? Oo, nagba-vlog  ako pero...wala lang. Trial-trial lang. Makikita n’yo sa Gabby Concepcion Experience. Saka sa Instagram, naglalagay lang ako [ng videos].”

Ang sinasabi niyang Gabby Concepcion Experience ay ina-upload niya sa YouTube.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.