Gabrielle Basiano, inakalang babawian siya ng korona habang nagaganap ang kontrobersyal na mabahang pause sa Bb. Pilipinas announcement of winners

Habang nagaganap umano ang lull a pag-aanunsyo ng mga kasunod na winners sa Bb. Pilipinas pageant, aminado si Gabby Basiano na inatake s’ya ng matinding kaba dahil inisip n’ya na baka nga nagkamali nang natawag na winner.  Kung ganu’n daw kasi ang nangyari ay posibleng bawiin sa kanya ang kanyang korona, ang Bb. Pilipinas-Interncontinental 2022 crown. “Bale ako po, kinabahan ako sa part na ’yon kasi baka mali po ’yong natawag nila, baka hindi po ako ’yong [totoong winner ng Bb Pilipinas] Intercontinental. Baka po mali’ yong nasabi nila,” natatawang pagre-recall ni Gabby.

PHOTO: @gab.basiano.9 & @bbpilipinasofficial on Facebook

Habang nagaganap umano ang lull a pag-aanunsyo ng mga kasunod na winners sa Bb. Pilipinas pageant, aminado si Gabby Basiano na inatake s’ya ng matinding kaba dahil inisip n’ya na baka nga nagkamali nang natawag na winner. Kung ganu’n daw kasi ang nangyari ay posibleng bawiin sa kanya ang kanyang korona, ang Bb. Pilipinas-Interncontinental 2022 crown. “Bale ako po, kinabahan ako sa part na ’yon kasi baka mali po ’yong natawag nila, baka hindi po ako ’yong [totoong winner ng Bb Pilipinas] Intercontinental. Baka po mali’ yong nasabi nila,” natatawang pagre-recall ni Gabby.

Inamin ng newly-crowned beauty queen na si Gabrielle Basiano na kinabahan s’ya nang husto matapos s’yang koronahan bilang Bb. Pilipinas Interncontinental 2022 nitong July 31. 

Sa virtual interview sa kanya ni Cristy Fermin sa radio and online show nitong Cristy Ferminute nitong August 3, sinabi n’yang kinabahan siya pagkatapos n’yang makoronahan dahil nagkaroon ng mahabang lull bago inanunsyo nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Grand Philippines 2016 Nicole Cordoves ang last winner.

Napuna nga ito ng mga manonood kaya naman nag-trending pa ito sa social media. Pagpapalagay ng ilang netizens, mukhang nagkaroon ng pagkakamali sa pag-a-announce ng winners. 

Isa na nga sa nagpa-abot ng pagduda ang It’s Showtime co-host na si Vice Ganda na nakapansin nito at agad na napa-tweet. 

“May very wrong! #BinibiningPilipinas,” komento ni Vice during the announcement of winners. 

“Anu kayang meron sa kaguluhang iyon? Nawa’y walang nagkapalit ng korona. Oh well eklip nako. Congrats girls! #BinibiningPilipinas,” saad pa n’ya sa kasunod n’yang Twitter post. 

May mga video din na lumabas mula sa live audience sa Smart Araneta Coliseum kung saan makikitang nakikipag-usap sina Catriona at Nicole sa isang production staff habang may hawak itong papel. 

Kaya naman ito ang naitanong ni Manay Cristy, na aminadong na-tense din sa moment na ’yon habang nanonood s’ya, kay Gabby.

Dito, nilinaw ni Gabby na walang nagkapalit na korona hindi gaya sa ipinagpapalagay ng ilang nakapanood. 

“To make it clear po sa lahat, wala po talagang nag-switch ng crown,” pahayag ng beauty queen. 

Pero habang nagaganap daw ang lull, aminado si Gabby na inatake s’ya ng matinding kaba dahil inisip n’ya na baka nga nagkamali nang natawag na winner. Kung ganu’n daw kasi ang nangyari ay posibleng bawiin sa kanya ang kanyang korona, ang Bb. Pilipinas Interncontinental 2022 crown.

“Bale ako po, kinabahan ako sa part na ’yon kasi baka mali po ’yong natawag nila, baka hindi po ako ’yong [totoong winner ng Bb Pilipinas] Intercontinental. Baka po mali’ yong nasabi nila,” natatawang pagre-recall ni Gabby. 

Nagkaroon lang daw ng lull dahil tiniyak umano ng mga host na tama ang result na ibinigay sa kanila. 

“’Yong kay Nicole [Borromeo] naman po, nagkaroon lang s’ya ng long na pause kasi they were making sure na tama ’yong sinabi nila. And tama po talaga s’ya, wala po talagang mali doon sa announcement,” dagdag paglilinaw pa n’ya. 

Komento naman ni Manay Cristy sa pangyayari, “Walang problema kung titulo lang ang nagka-mix up, e. Ang masakit baka maling pangalan para sa ibibigay na award. ’Yon ang nakakatakot.

Sang-ayon naman dito ang model and beauty titlist mula Eastern Samar. 

’Yon po, kinabahan talaga ako kasi ako po ’yong huling tinawag bago nagkaroon ng mahabang pause,” natatawang hirit pa ni Gabby. 

Maliban kay Gabby na nanalo bilang Bb. Pilipinas Intercontinental, nasungkit naman ni Nicole Borromeo ng Cebu ang Bb. Pilipinas International crown.

Ang pambato naman ng Leyte na si Chelsea Fernandez ang nagwaging Bb. Pilipinas Globe habang ang kandidata ng Laguna na si Roberta Tamondong ang itinanghal na Bb. Pilipinas Grand International.

Nag-umpisa nang maghanda si Gabby para maging kinatawan ng Pilipinas ngayong darating na October sa Egypt. 

Doon ay susubukan n’yang maiuwi ang back-to-back Miss Intercontinental crown sa bansa na kasalukuyang hawak ng fellow Pinay na si Cindy Obenita.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Cindy Obeñita bags Miss Intercontinental crown

Maureen Montagne wins Philippines’ second Miss Globe crown in Albania

Kylie Verzosa, mataas ang kumpiyansa kay Herlene Budol

Herlene Budol, target maging first ever Pinay Miss Grand International; kinilig nang ma-meet si MGI president Nawat Itsaragrisil

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.