Gary Valenciano, excited and thankful sa paparating na ikalawang apo

Matatandaan na unang naging lolo si Gary Valenciano noong 2016 nang isilang ang panganay nina Paolo at Sam na si Leia.

PHOTOS: @garyvalenciano & @paolovalenciano on Instagram

Matatandaan na unang naging lolo si Gary Valenciano noong 2016 nang isilang ang panganay nina Paolo at Sam na si Leia.

Excited and thankful ang singer-songrwriter, actor, and music producer na si Gary Valenciano ngayong madadagdagan na ang kanyang apo. 

Inanunsyo kasi ng anak n’yang si Paolo at ng wife nitong si Samantha Godinez sa Instagram last September 12 that they are expecting their second baby. 

“Posting a new vlog tonight ! [A]bangan !!!” pahayag ni Paolo sa IG post kalakip ang witty photo nilang mag-asawa kung saan parehong nakalabas ang kanilang mga tiyan at may katagang “We’re positive.”

Ini-repost naman ito ni Mr. Pure Energy sa sarili n’yang IG account at pabirong sinabi na hindi umano s’ya makapaniwala na magiging lolo na naman s’ya.  

“Can’t believe I’m going to be a Pappy once again!!!!! Yyyyyippe!!!!!!” he wrote. 

Huling-huli nga sa vlog ni Paolo ang reaksyon ng kanyang ama nang malamang magkakaroon ito ng panibagong apo. Hindi man nai-record ang audio ng pag-uusap nila sa video call, kitang-kita naman ang pagkagulat, saya at excitement sa mukha n’ya. Ilang beses pa s’yang napahiga at napabalikwas sa kama sa sobrang tuwa.

Nasa vlog din ang naging reaksyon ng iba pang miyembro ng kanilang pamilya at mga kaibigan nang inanunsyo nila na may paparating na newest bundle of joy ang kanilang pamilya. 

Sa kasunod namang IG post ni Gary kalakip ang excerpt mula sa YouTube ng kanyang anak, nagpasalamat s’ya sa magandang balita at blessing na ito. 

“I can’t say anything except how thankful I am for the gift of life, and the way God moved in revealing all this to us. It can’t get any more heartwarming than this. Thank you @paolovalenciano, @yosameti and @nathaleiamartinr for sharing this with everyone. I love you,” he said. 

Matatandaan na unang naging lolo si Gary noong 2016 nang isilang ang panganay nina Paolo at Sam na si Leia.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Gary Valenciano shares old song “Take Me Out Of The Dark” to inspire people amidst COVID-19 outbreak!

Gary Valenciano composes an inspiring birthday message for his son Gab, who is open about his struggles with depression, and tells him how blessed he is and that God is smiling on him

Gary Valenciano writes heartfelt birthday message to wife Angeli

Gary Valenciano pens heartwarming birthday message for son Gab

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.