Gerald Anderson, isinama ang nobyang si Julia Barretto sa gift-giving sa Zambales

PHOTOS: @andersongeraldjr on Instagram & @coastguardph on Facebook

PHOTOS: @andersongeraldjr on Instagram & @coastguardph on Facebook

Maagang nag-celebrate ang aktor na si Gerald Anderson ng kanyang 32nd birthday noong, March 6 [March 7 ang talagang birthday n’ya], kasama ang nobyang si Julia Barretto sa Zambales kung saan may resort ang aktor.

Namahagi ng ayuda ang dalawa sa Aeta community katuwang ang mga kasamahan ng Kapamilya actor sa Philippine Coast Guard Auxillary kung saan isa s’yang reserved officer.

Thankful naman si Gerald na naging successful ang naging gift-giving kung saan nabahaginan nila ng tulong ang 300 na pamilyang Aetas.

"Nagpapasalamat ako kasi kasama ko kayo sa birthday ko. Sana nakapagbigay ng kaunting saya sa inyo ang pagbisita namin dito. Hiling ko rin na maging 'partner' kami ng komunidad na ito sa mga susunod pang pagkakataon," sey ng actor-reservist.

 

LCDR GERALD ANDERSON PCGA CELEBRATES BIRTHDAY WITH AETA COMMUNITY IN ZAMBALES The Philippine Coast Guard (PCG)...

Posted by Philippine Coast Guard on Saturday, March 6, 2021

Nang matapos ang pamimigay ng ayuda ay nagkaroon ng moment at nakapag-picture ang magkasintahan sa tabing dagat na s’yang ipinost ni Julia sa kanyang Instagram. 

Ito ang kauna-unahan IG post ng aktres na kasama ang nobyo matapos ang ginawang pag-amin nito sa kanilang relasyon kay Boy Abunda last March 5. 

“Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU,” pahayag ni Julia sa kanyang post noong March 7 na mismong birthday ni Gerald. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

Halos magkasunod lang ang birthdays ng celebrity couple dahil sa March 10 ay si Julia naman ang magse-celebrate ng kanyang 24th birthday. 

Nagsimulang umugong ang balitang nagkakamabutihan ang dalawa nang magkasama sila sa pelikulang “Between Maybes” noong 2019. 

Kahit walang umaamin sa kanila that time, inulan din ng kontrobersya sina Gerald at Julia dahil in a relationship pa daw noon ang aktor sa aktres na si Bea Alonzo habang kaka-break lang ng aktres sa dati nitong ka-love team na si Joshua Garcia.

At nito ngang Biyernes, March 5, binasag na ni Gerald ang pananahimik at inaming “very happy” s’ya sa relasyon nila ng Viva actress.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Julia Barretto posts sweet photo with her “my love” Gerald Anderson for the first time

Bea Alonzo shares tips on moving on after being "ghosted"; netizens assume Gerald Anderson's Halloween post is his response to Bea's tips

Jay Sonza takes back claim that Julia Barretto is pregnant; netizens defend the actress after the allegations

Pika's Pick: Gerald Anderson congratulates himself after "fake news" about him impregnating actress Julia Barretto spread online

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.