Gina Pareño, pinaiyak ni Direk Darryl Yap

PHOTOS: @yourlolagets on Instagram, @YouthAndPower2016 on Facebook; INSET: Viva

PHOTOS: @yourlolagets on Instagram, @YouthAndPower2016 on Facebook; INSET: Viva

Naging emosyonal ang multi-awarded actress na si Gina Pareño sa ipinahayag ni Direk Darryl Yap na isa daw ang veteran actress sa mga pinangarap nitong makatrabaho. 

Natanong kasi kahapon, February 22, sa virtual media conference para sa pelikulang Tililing, si Direk Darryl sa kung ano ba ang masasabi n’ya sa ensemble of talented actors na gumanap sa istorya na isinulat at idinerek n’ya. 

Isa-isang inalayan ng film director ng papuri ang mga artistang sina Yumi Lacsamana, Chad Kinis, Donnalyn Bartolome, Candy Pangilinan, Baron Geisler at si Ms. Gina Pareño sa mahusay nilang pagganap at pagtanggap sa hamon na mapabilang sa mapangahas at controversial movie’ng Tililing.

Ani Direk Darryl, he could not imagine Tililing kung hindi na-cast ang mga artistang nabanggit. 

Pero pagdating kay Ms. Gina Pareño, in-emphasize ni Direk Darryl na ang makatrabaho ang premyadong aktres ay katuparang ng isang pangarap para sa kanya. 

“With Tita Gina na talagang… Bukod sa project na ‘to, sinabi ko na balang araw habang napanood ko s’ya du’n sa MMK episode, sabi ko sa sarili ko, ‘Balang araw makakatrabaho ko ‘tong artistang ‘to,’” pagre-recall ng direktor.

“So more than a dream of filming this movie, my dream came true, my dream of working with Ms. Gina Pareño was put into reality.  

“So, masayang-masaya po ako sa cast na ito. I would never imagine Tililing kung may maiiba,” pahayag pa n’ya na s’yang naging dahilan para maiyak ang beteranang aktres. 

Hiling pa ni Direk Darryl, patuloy sanang suportahan ang mga artistang gaya nila na cast ng Tililing dahil kung talento lang ang pag-uusapan ay sagana ang mga cast member ng Tililing.

Sana po ang mga artista na ito [ay] patuloy nating bigyan ng trabaho pagkat ito po ang kulang sa ating industriya,” aniya. “‘Yong pagbibigay ilaw, pagbibigay sa kanila sa centerstage, sa mga artistang hindi kasikatan ang puhunan kundi ang kanilang talento at ang maibibigay nila sa manonood na Pilipino. Talent first...talent first.”

Ibinalik naman ng naging emosyonal na si Gina Pareño ang paghanga sa direktor nang matanong s’ya kung paano ba n’ya pinaghandaan ang pagganap sa kanyang karakter sa pelikula. 

Bagama’t hindi naman ako talaga sa tunay na buhay na baliw, e, talagang fineel ko at saka in-imagine ko ‘yong sarili ko sa ganu’ng sitwasyon,” paglalahad ng mahusay na aktres.  “‘Tsaka higit sa lahat, gustong-gusto ko...respetado ko ang aking direktor, Darryl Yap. Thank you so much, my dear.”

At dahil patuloy nga sa kanyang pag-iyak si Gina, natanong s’ya ni Giselle Sanchez na nagsilbing host ng online press conference kung bakit ganu’n na lang ang kanyang pag-iyak. 

Oo nga, no? Walang bayad ito,” pabirong sagot n’ya. “Hindi, na-touch lang ako. Sobra. Mahal ko kasi ang pelikulang Tililing.

Mapapanood ang pelikulang Tililing simula March 5 in selected cinemas at sa online streaming platform ng Viva na Vivamax.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Chad Kinis, naglabas ng saloobin matapos “mahusgahan” ang Tililing movie poster nila

Baron Geisler pleads to netizens not to bash Liza Soberano for her statement on “Tililing” poster

Liza Soberano, hindi natuwa sa movie poster ng “Tililing”; Direk Darryl Yap, may sagot sa aktres

Pika's Pick: Viva Films releases official poster of Darryl Yap’s #Tililing starring Baron Geisler, Chad Kinis, Ms. Gina Pareño, and more! #ComingSoon

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.