Giselle Sanchez sakaling ma-bash dahil sa pagtanggap ng role sa Maid in Malacañang: “Wala pong personalan, trabaho lang po.”

Inaasahan na daw ni Giselle Sanchez na mababa-bash s’ya sa project n’ya kasama si Direk Darryl Yap.   Kaya naman ipinauunawa ni Giselle sa lahat na isa s’yang artista at kasama sa trabaho n’ya ang gampanan ang mga papel na ibinibigay sa kanila.

PHOTO: @gisellesanchez on Instagram

Inaasahan na daw ni Giselle Sanchez na mababa-bash s’ya sa project n’ya kasama si Direk Darryl Yap. Kaya naman ipinauunawa ni Giselle sa lahat na isa s’yang artista at kasama sa trabaho n’ya ang gampanan ang mga papel na ibinibigay sa kanila.

Excited ang comedienne-host and beauty queen na si Giselle Sanchez na makatrabaho ang controversial writer-director na si Darryl Yap sa bago n’yang project. 

Bagama’t hindi n’ya tinukoy kung anong proyekto ito, hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na busy ngayon si Direk Darryl sa pelikula n’yang Maid in Malacañang. 

“Finally doing a project with Direk #darrylyap,” pahayag ng komedyana sa kanyang Instagram post ngayong araw, July 4, kalakip ang photo nila ng direktor. 

Inaasahan na daw n’yang mababa-bash s’ya ng mga anti-Marcos dahil sa gagampanan n’yang character. 

Tungkol sa kasi ang kuwento ng pelikula sa huling tatlong araw ng mga Marcos sa Malacañang noong 1986 bago sila mapatalsik sa kapangyarihan via People Power Revolution, at ilalahad ito sa point of view ng isang kasambahay umano ng mga Marcos noon sa palasyo. 

Kaya naman ipinauunawa ni Giselle sa lahat na isa s’yang artista at kasama sa trabaho n’ya ang gampanan ang mga papel na ibinibigay sa kanila. 

“I must admit that this role is going to be very controversial and I may be bashed for this but please bear in mind that I am an actress. Artists just play a role given to them,” lahad n’ya. 

Tiwala umano s’ya kay Direk Darryl at sa pamunuan ng Viva na s’yang producer ng pelikula na kinuha s’ya para dito dahil sa kanya nababagay ang role. Though wala pa s’yang sinasabi kung anong klaseng role ba iyon. 

“When I accepted this film, I accepted it blindly not knowing my role, the length of my participation in the film nor the contents of the script. I trusted my handler from @vivaartistsagency and I trusted Direk Daryl’s judgement that I will be fit for the role,” aniya. 

“Wala pong personalan , trabaho lang po,” pagtatapos ni Giselle. 

Nauna nang ipinakilala ni Direk Darryl ang mga lead stars ng pelikula gaya nina Cesar Montano at Ruffa Gutierrez bilang sina dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. and former First Lady Imelda Marcos.

Kabilang din dito sina Cristine Reyes as Imee Marcos, Diego Loyzaga bilang Bongbong Marcos, and Ella Cruz as Irene Marcos. 

Gaganap naman bilang mga kasambahay sa palasyo sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Giselle Sanchez wins crown and title of Noble Queen of the Universe International

Darryl Yap matapos ideklarang persona non grata sa QC: “I find it very immature, I find it very elementary, I find it very rudimentary for these politicians to actually take it personally.”

Pika's Pick: Darryl Yap reveals Sen. Robin Padilla is making a cameo in Maid in Malacañang

DJ JhaiHo, binalikan ang moment na na-lektyuran siya ng komedyanang si Giselle Sanchez

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.