Tila nakabangon na ang singer-comedienne na si Gladys Guevarra, na kilala rin bilang si Chuchay, mula sa mapait na sinapit ng kanyang love life nitong mga nakaraang buwan.
Matatandaang last September 2 ay isang luhaang Gladys ang nasaksihan ng publiko sa kanyang Facebook Live, kung saan nagso-sorry s’ya at kinailangang n'yang i-cancel ang mga orders ng kanyang kakanin business dahil naghiwalay daw sila ng kanyang non-showbiz fiancé na si Leon Sumagui.
Ayon kay Gladys, hindi umano naging maganda ang kinalabasan ng kanilang pag-uusap hanggang sa nauwi nga ito sa pagtatalo at hiwalayan.
In the same FB Live broadcast ay sinabi din ni Gladys na itinakbo diumano ni Leon ang ilan sa kanyang kinita dahil sa personal bank account at GCash account nito umano pumapasok ang mga payments ng mga customers ng kanyang kakanin business..
Itinanggi naman ni Leon ang mga naging paratang ni Gladys sa YouTube video’ng in-upload nito a few days after na mag-Facebook Live ang komedyana.
Samantala, itinuloy pa rin pala ni Gladys ang kanyang food business sa kabila ng pagiging heartbroken.
At ngayong araw nga, November 4, matapos ang ilang linggo buhat ng maganap ang paghihiwalay nila Leon at Gladys ay tila nakaka-move on na ang singer-comedienne base sa kanyang naging post sa Instagram, where Gladys wrote a letter to herself para sabihing nasa acceptance stage na s’ya at kinaya n’ya ang mga nangyari.
“I’m ready...Isang magandang araw. Hopefully, tapos na lahat ng luha up to the last drop,” panimula ng 43-year-old comedienne-entrepreneur sa kanyang IG post.
Ni-remind din n’ya ang sarili na huwag pag-aksayahan ng luha ng mga bagay na hindi naman daw worth it.
“Bangon Glads, isaksak mo sa utak mo kung d mga worth ng luha mo, wag mo aksayahin,” aniya. “Hindi ka umabot ng ganito kalayo for nothing. Kaya ka umabot dito kase may pupuntahan ka pa. Di dyan matatapos yan.”
Sey pa n’ya, na-realize daw n’ya na kailangan n’yang unahin ang sarili at ang mga bagay na magpapasaya sa kanya.
“Marami ka na na-realize, hayaan mo namang yung mga nasa paligid mo ang maka realize din. Hindi mo kailangan mag explain,” pahayag pa ni Gladys.
“Magmula ngayon, give yourself a break. Gawin mo naman lahat ng bagay na makapagpapasaya sayo. Gumawa ka ng mga bagay na bukod sa sasaya ka eh sayo papabor. Deserve mo yun Gladys.”
Binalikan din ni Chuchay ang panahon kung kailan marami daw s’yang naririnig at natanggap na komento tungkol sa nangyari sa kanyang love life pero mas nanaig daw sa kanya ang pagdadasal para malagpasan ang puntong iyon ng kanyang buhay.
Matagal din kasing naghintay si Gladys para sa kanyang “one true love” matapos maging single for years dahil sa takot na idinulot ng kanyang past relationships na nauwi ding lahat sa hiwalayan at umabot pa ang isa sa demandahan.
Kaya masaya si Gladys na ibalita last January [2020] lang na engaged na sila ni Leon since November 2019 pa umano.
Pero heto nga at nauwi din sa hiwalayan ang Gladys-Leon love story.
“Masakit? Nasaktan ka? Sabi mo sa sobrang sakit mamamatay ka? Sabi nga nila, namatay ka ba?” sunod-sunod na tanong n’ya sa sarili. “Lagi mo na naririnig ang mga katagang ‘hindi ka bibigyan ni Lord ng pagsubok kung di mo kakayanin’...‘Baka hindi para sayo talaga’... ‘Laban lang’...‘Tandaan mo may karma’ ... Etc etc.
“Lahat ng yan, narinig mo lang, pero di mo pinakinggan. Alam kong kumapit ka sa dasal at nagpasalamat sa tatag ng ipinagkakaloob sayo ni Lord. Tuloy mo lang Gladys, andyan ka na, malapit na malapit na.”
Dagdag pa ng singer-comedienne: “Nag promise si Lord ng langit pagkatapos ng hirap. I suggest enjoy-in mo nalang the ride, wag yung pain. Kase sa sobrang enjoy mo sa pain, gusto mo naman lagi nasasaktan ka. Kaya lagi kang tumataya sa alam mo naman simula palang matatalo ka.
“Ok na yan, bilib ako sayo kinaya mo at kinakaya mo pa rin. Ipagpatuloy mo nalang Gladys ang magandang nasimulan, tapos na at itapon mo na ang mga d kailangan out of your way, para walang clutter ika nga at mag clear ang path at isipan mo. Ganun talaga eh.”
In-acknowledge din n’ya ang kanyang naging pagkakamali noon at nagbigay pa ng maraming analogy para bigyang assurance ang sarili na hindi s’ya nag-iisa sa kanyang pagkakamali.
“Congrats! Nasa acceptance ka na,” pagbati pa ni Gladys sa sarili. “Isipin mo nalang, maraming nagkakamaling itulak ang glass door kahit PULL ang nakalagay.
“Marami nagkakamaling babaeng pumasok sa mga toilet kahit MEN ang nakalagay.
“Maraming nagpa park sa building B ng Megamall kahit sa building A sila dapat pumunta.
“Maraming nagkakamaling pumasok sa one way. Maraming nagkakamaling dumaan sa bus lane kahit di sila bus.
“Maraming nagkakamaling magpa gas kahit Diesel sasakyan nila. Maraming nagkakamali sa cornstarch at harina.
“Maraming nagkakamali sa pangalan mong GLADYS REYES kahit GUEVARRA ka naman.
“Maraming nagkakamaling dumidiretso sa glass door din kaya nauuntog kase sa sobrang linaw.
“Kaya ayan na, sobrang linaw na ng lahat sayo kaya please mauntog ka na. Ibig sabihin, wag ka mag alala dahil di lang ikaw ang TANGA. [M]arami tayo.”
Sa huli, muling nagpahayag ang komedyana ng self love para sa sarili.
“Mahal kita Gladys, at kahit saan tayo umabot, walang ibang magmamahal sayo ng tunay na tunay kundi ako din, at yun ang kailangan mo muna ngayon . . . Self love. ❤️ Ingat ka lagi, mahal ka ng diyos Glads,” pagtatapos n’ya.
YOU MAY ALSO LIKE:
Gladys Guevarra, hiwalay na sa fiancé; tinakbuhan pa raw ng pera
Gladys Guevarra, ibinida ang love story at fiance na si Leon Sumagui sa social media
Pika's Pick: Comedienne Gladys Guevarra launches food business in Quezon City