Gladys Guevarra, naakay ni Kim Idol para maging INC; ayon naman kay Teri Onor, hinabilin na noon pa ni Kim ang nanay niya sa kanila 

Nagsama-sama via Zoom—habang naka-Live sa Zirkoh Facebook page—ang mga komedyanteng sina Arnell Tamayo, Dax Martin, Gie Salonga, AJ Taniza, Michelle O'bombshelle at iba para sa namayapang kasamahanan sa industriya para sa kanilang eulogy para sa namayapang kaibigan na si Kim Idol.

PHOTOS: @igladysguevarra & @teritory26 on Instagram

Nagsama-sama via Zoom—habang naka-Live sa Zirkoh Facebook page—ang mga komedyanteng sina Arnell Tamayo, Dax Martin, Gie Salonga, AJ Taniza, Michelle O'bombshelle at iba para sa namayapang kasamahanan sa industriya para sa kanilang eulogy para sa namayapang kaibigan na si Kim Idol.

Nagsama-sama via Zoom—habang naka-Live sa Zirkoh Facebook page—ang mga kaibigan at mga naka-katrabaho ng namayapang stand-up comedian na si Kim Idol kagabi, July, 13, para bigyan siya ng karampamtang eulogy. 

Sa nasabing Zoom reunion, nagbigay-pugay ang mga komedyanteng sina Arnell Tamayo, Dax Martin, Gie Salonga, AJ Taniza, Michelle O'bombshelle at iba para sa namayapang kasamahanan sa industriya.

Noong July 9, naisugod pa sa hospital si Kim matapos itong makitang walang malay sa kuarto n'ya sa Philippine Arena kung saan s'ya naka-duty bilang volunteer frontliner. Isa rin kasi s'yang miyembro ng Iglesia Ni Cristo na s'yang nagmamay-ari sa Philippine Arena na ginawa ngang quarantine facility para sa mga tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19. 

At nito lamang Lunes ng umaga, July 13, tuluyan na ngang pumanaw si Kim Idol o Michael Argente sa tunay na buhay, sanhi ng Arteriovenous Malformation (AVM), isang kondisyon na naging sanhi para nawalan s'ya ng oxygen sa utak. 

Kaya naman kahit sa Zoom man lang ay muling nagsama-sama ang kanyang mga kaibigan upang ipagdiwang ang naging buhay ni Kim, na kilala rin sa comedy-bar industry bilang Kim Dinosaur.

(Tinawag siyang Kim Dinosaur dahil sa unique talent niyang magaya ang sounds ng mga dinosaurs gaya ng napapanood sa pelikulang Jurassic Park.)

Isa sa mga nagbilik-tanaw sa mga magagandang alaala kasama si Kim ay ang komedyanteng si Al Arayata na tinulungan daw ng namayapang komedyate noon na mabayaran ang kanyang kotse. 

Kumuha ako ng kotse dahil nanalo kami...Nanalo kami doon sa Wowowin kemerut,” pagbabahagi ni Al. “Pero nu’ng one year [ang kotse], eto na, nagkaroon ng hakuna matata. Three months talaga akong hindi nakakabayad, 'Day.

Dito daw nagpakita ng kagandahang-loob si Kim at tinulungan s'yang mapasama sa show na Happy Truck ng Bayan, isang variety show ng TV-5 way back 2015.

Eto si Kim, biglang may tumawag daw sa kanya sa Channel 5, ’yong Truck ng Bayan,” pagpapatuloy ni Al.  “Tapos sabi n'yang ganun: ‘O, baka kailangan n'yo ng jester?’ Kasi nga na-brought up ko sa kanya ’yon [problema ko]. ‘Baka kailangan n'yo ng jester? May kakilala ako. Mura lang. Mag-isa lang ’yon. Mapapasaya lahat. All around ’yon. Sirkera '’yon.’ Ganun.”

Dahil daw doon ay nakapag-ipon si Al at nakapagbayad sa kanyang hinuhulugang kotse.

Ayon, sa magandang kadahilanan, naipasok n’ya ako," dagdag pa ni Al.  “Tumagal din s’ya ng like almost 5 months or 6 months. Minsan lumalagari pa kami. Ang laki ng nai-save ko ’Day. Ayon. Isa s’ya sa magagandang bagay na hindi ko makakalimutan kay Kim na sinalba n’ya ang kotse ko.

“Ganun talaga si Kim. Hindi mo nakailangang magsalita. Ibibigay n’ya sa’yo lahat. Minsan nga wala na s’ya, ibibigay n’ya pa ’yong sa kanya.

Isa rin sa malalapit kay Kim ang nag comedian-director na si Phillip Lazaro na nakausap pa pala ni Kim isang linggo bago ito mamatay. Ani Philip, bakas sa pag-uusap nila ang pagwo-worry ni Kim about the future dahil nagsara na nga ang mga comedy bars..

“I started feeling bad nu’ng nalaman ko about it because magkausap pa kami ni Kim nang Monday (July 6),” k’wento ng TV director. 

Ang haba ng pag-uusap namin. We're talking about... sabi n'ya, ‘Mama Phi, ano na kayang mangyayari sa akin?’ Gumagano’n s’ya. Sabi ko, ‘Don't worry, magtutulungan naman tayo dito, ‘di ba?’ Sabi wala naman s’yang alam lutuin [para ibenta] o kung anuman. Ano gagawin n’ya. Sabi ko, ‘Tulungan tayo dito. Papasok tayo sa... magiging artista ka. Ang dami mong talent, Kim. Tutulungan kita. Walang problema d’yan.’

Napag-usapan din daw nila ang plano nilang pagtatayo ng panibagong The Library, isang comedy bar na matagal nang nagsara na pag-aari ng writer/director na si Andrew de Real. 

“Sabi ko nga next year magtatayo kami ni Mamu ng Library ulit sa Quezon City,” tsika pa ni Phillip. “Sabi pa n'ya, ‘Talaga? I want to be a part of it.’ Sabi ko, ‘Kim, don't forget on that day, when we do the ribbon cutting of The Library, habang nagri-ribbon cutting na tayo, I will look at you and that look means ‘See? I told you a year ago that this will happen.’ ‘Hihintayin ko ang tingin na ’yon,’” sabi n’ya.” 

Naglahad rin ang director ng kanyang naramramdaman tungkol sa mga hirap na pinagdaan umano ni Kim Idol bago ito binawian ng buhay.

“Last message n’ya sa akin na parang, ‘Mama Phi, hindi mo lang alam ’yong mga sakripisyong nagawa ko para mabuhay lang. At makatulong,’” pagsasalaysay pa ni Phillip.

“It saddens me na he had to do this [volunteer frontliner job] because he had no choice. Because he needed to earn money.”
 
At dito na napaiyak na ang kaibigan ni Kim.

“That’s the only thing that hurts me so much, na people from the industry are left with not much of a choice na gawin para mabuhay.

Sumaludo din ito sa pumanaw na kaibigan dahil sa kabila umano nang iniinda nitong sakit, nakuha pa nitong tumulong sa iba ngayong humaharap ang mundo sa isang pandemya.  

“I commend, Kim,” dagdag ni Philip. “Alam ko, nabasa ko, sinabi ng pamangkin ko who works in a hospital, pinaka-kalaban pala ng AVM ’yong ’di maglagyan ng oxygen ang utak. That's very important. Kailangan ng enough oxygen ang utak para hindi grumabe

E, ’yong magsuot ka ng PPE everyday, ang init-init nu’n,” pagpapatuloy n’ya.  “So, I could imagine the pain, the suffering he is feeling. Imagine-in mo ’yong utak n’ya hindi napasukan ng tamang oxygen and that aggravated...

“It just hurts me na he had to do that knowing na his life is at risk. Still, he continued to do it. I would like to commend Kim for doing that. Hindi s’ya naupo, nagmukhang-kawawa. Talagang he fought to survive, at the same time to help other people survive.”

Isa pa sa malalapit kay Kim na nagsalita ay ang singer-comedienne na si Gladys Guevarra na sa simula palang ay lumuluha na. Naging kasama pala kasi niya sa bahay ang komedyante kaya maaaring kumpara sa iba ay mas malalim ang naging friendship nila. Bukod pa roon, si Kim daw ang naging daan para yakapin ni Gladys ang pagiging miyembro n rin ng Iglesia ni Cristo.

Hindi naman lingid sa inyong lahat na nakasama ko sa bahay si Kim,” garalgal ang boses na panimula ni Gladys. “Just recently, last year ata, nabalitaan n’yo ’yong willing na willing akong pumasok, sumamba [sa Iglesia ni Cristo]? 

May personalidad kasi si Kim na he’ll make sure na maramdaman ng taong kausap n’ya na you’re much appreciated...Nagpapasalamat s’ya lagi kasi for a time hindi s’ya nakaka-samba. Kasi may ganu’n sa INC. Sobrang thankful s’ya kasi lagi n’ya sinasabi na, ‘Gladys, dahil sa’yo, ramdam na ramdam ko na mahal ako ng Diyos.’

Dagdag ni Gladys, na-o-overwhelm daw siya sa tuwing sinasabi ni Kim sa kanya ang mga bagay na ’yon.

Ang laking role,” sey ni Gladys. “Parang... ‘Talaga, Kim? Napaparamdam ko sa’yo ’yon?’ Sabi ko nga, ‘Baka nakukulitan ka na, e.’ Sabi n’ya, 'Hindi. Wag kang magsawa. Sige kulitin mo lang ako nang kulitin.

“E nu’ng time na ’yon pumasok ako ng INC, may tinatawag na doktrina, ’yong dino-doktrinahan ka. Hindi n'ya ako pinabayaan doon. Ang worry n’ya lagi—di ba laging nagba-byahe si Kim?—ang worry n'ya lagi is hindi n’ya ako masasamahan sa pagdo-doktrina ko. Hindi n’ya ako maga-gabayan. 

Pero he always made sure, sinisiguro n’ya sa akin saan man s’yang sulok ng bansa na nakaka-samba s’ya kasi I remind him. ‘O Kim, Huwebes, ah. Sumamba ka kung nasaan ka.’ Tapos, nagpapadala s’ya ng pictures.”

Nagkaroon man daw sila ng gap matapos s’yang pumasok sa local politics ng Bataan, naging close daw muli sina Teri Onor at Kim Idol nitong mga huling taon. Magkasabayan daw kasi silang dalawa nang pumasok sila sa showbiz kaya naman malalim na din ang kanilang pinagsamahan. 

Madaling mahalin si Kim dahil lovable s’ya kahit topakin s’ya,” may halong patawang pahayag ni Teri Onor. “Hindi ka n'ya kikibuin. Pero kapag s’ya ang hindi mo kinibo, s’ya ang gagawa at gagawa ng paraan para batiin ka.

K’wento pa ni Teri, inihabilin pa daw ni Kim ang ina nito sa kanila na kanyang mga kaibigan kung sakali nga daw na pumanaw s’ya. 

Noong March 16, sabi n’ya, ‘’Te, kapag namatay ako, kapag na-tegs ako, paki-tulungan n’yo naman ’yong mama ko.’”

At noong nasa kritikal nga ito na kondisyon matapos itong isugod sa ospital ay kinausap pa n’ya ito through phone—kahit wala itong malay—upang ipadama na maraming nagmamahal at nagdadasal para dito. 

Samantala, magsasama-samang muli ang mga friends and colleagues ni Kim mamaya gabi, July 14, sa Facebook page ng SCOPE (Stand-up Comedians Of Philippine Entertainment para sa “FUNdraiser para sa Mahal Nating si Kim Idol,” isang fundraising event and celebration ng naging buhay ni Kim.  

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.