Gladys Reyes, ang daming tinanggihang trabaho dahil takot palang magpa-swab test pero, “Hindi naman pala masakit. Haha!”

Ang dami kong tinanggihang ibang shows and series and even guesting. Kahit ang ganda ng role sa Magpakailanman, hindi ko matanggap-tanggap kasi nga natatakot ako do’n sa swab.”

Photos: @iamgladysreyes

Ang dami kong tinanggihang ibang shows and series and even guesting. Kahit ang ganda ng role sa Magpakailanman, hindi ko matanggap-tanggap kasi nga natatakot ako do’n sa swab.”

Unti-unti na ngang nagbabalikan at nagkakaroon ng kumpiyansa ang mga artista na sumubok na mag-trabahong muli sa labas ng kani-kanilang tahanan.

Isa ang actress na si Gladys Reyes na alam naming mas pinili na hindi muna tumanggap ng kahit anong proyekto during this pandemic dahil may pagka-paranoid siya.

Pero dahil sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, nagbago ang isip niya.

“To be exact, one year and six months akong hindi nag-work,” kumpirmasyon ni Gladys sa amin. “Ang huli kong ginawa, Madrasta. After that, nag-pandemic na. Siyempre, natakot ako para sa mga anak ko, ’yung lock-in [ayoko].

“And sabi ko, kung babalik ako sa work, ‘Sana po sitcom muna.’ Pinag-pray ko kay God. Parang warm-up muna if ever na magse-serye ako in the future. And then finally, ito, dumating itong Pepito Manaloto and ang good news do’n, hindi lock-in so, tuwang-tuwa ako. Kasi, parang sign ni God na hayan, p’wede ka nang mag-work ulit, uwian yan.”

At inamin ni Gladys na ang isa rin sa talagang dahilan kaya hindi siya tumatanggap ng proyekto na hindi sa bahay lang gagawin at dahil takot daw pala siyang magpa-swab test.

“Medyo takot din kasi akong mag-swab, isa ’yun sa challenge sa akin,” pag-amin niya. “Pero, Pepito Manaloto lang ang nakapagpa-swab sa akin. Ang dami kong tinanggihang ibang shows and series and even guesting. Kahit ang ganda ng role sa Magpakailanman, hindi ko matanggap-tanggap kasi nga natatakot ako do’n sa swab.”

Kumpara sa ibang artista na halos hindi na mabilang sa daliri kung ilang beses na nag-undergo ng swab test, si Gladys ay unang beses pa lang daw talaga niya nang mag-taping siya ng Pepito Manaloto.

“Yes, kasi ’yung ginawa naming endorsement noon na shoot, dito rin sa bahay, saliva test. Ngayon ko lang na-experience [ang magpa-swab] dito sa Pepito… at okay naman pala. Hindi naman pala masakit...well, yabang!” natawang biro niya.

“Pero ’yun, Pepito lang ang nakapag-papayag sa akin. Para mapanood ng mga anak ko. Wholesome siya and alam natin kung gaano na katagal ito.”

Aniya pa, matagal na rin daw kasi niyang dream maka-work si Michael V. In fact, dream niyang maging part ng original Pepito kaya ang saya niya na kasama na nga siya ngayon. 

Ang regret lang niya ay hindi niya makaka-eksena ever ang idol niyang si Bitoy (palayaw ni Michael V.) bilang bahagi siya ng prequel.

Ang konsepto nga kasi ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ay pagbabalik-tanaw sa naging buhay at love story nina Pepito at Elsa—Bitoy at Manilyn Reynes—alongside mga kamag-anak at kababata nila.

Si Gladys ang gaganap sa younger version ni Dexter Doria.

“Ako po rito si Rosa. Ang counterpart ko sa present time, si Tita Dexter Doria. So, ako po ’yung nanay ni Patrick, si Kokoy [de Santos] and Nando [EA Guzman].

(Patrick and Nando, the elder versions are played by John Feir and Emilio Garcia respectively.) 

Gaya ng iba pang cast members, pinanood din ni Gladys ang ilang past episodes ng present-day Pepito, specifically ang mga eksena si Dexter Doria para ma-aral niya ang mga da moves nito.

Ang challenge lang ay kung paano niya babagalang magsalita bilang in real life ay may pagka-rapid speaker talaga siya.

“Although binigyan naman kami ng freedom ni Direk Bert de Leon at noong storycon pa lang, tinatanong na namin kung papaano ba ang gusto nilang atake sa character and sinabi nila na since prequel ’to or unang kuwento, maaari naman na that time [in the 80s], p’wedeng mas mabilis pang magsalita si Tita Dexter. And then s’yempre, eventually, iba na ’yung the way siyang magsalita sa present time.”

Overall, mas lamang umano ang saya kesa sa pressure.

Ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ay magpi-premiere na bukas, July 17, sa GMA-7.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Gladys Reyes, nag-panic nang walang mapagdalhang ospital sa amang nagka-pneumonia

Sef Cadayona, aware sa matinding pressure na dala ng pag-a-ala-Michael V.

Mikee Quintos sa mga #MiKel fans: “’Wag silang mawalan ng hope. And sana suportahan din nila ang tandem namin ni Sef [Cadayona].”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.