Gladys Reyes, gustong maging kliyente si Manny Pacquiao, apihin si Marian Rivera, at matalakan si Judy Ann Santos

“Excited ako kasi binalita sa akin ni ’Nay Lolit [Solis] na baka makasama ako sa biopic ni Mother Lily...guess n’yo kung sino gaganapan kong role? Lolit Solis.”

Photos: Anna Pingol & Instagram

“Excited ako kasi binalita sa akin ni ’Nay Lolit [Solis] na baka makasama ako sa biopic ni Mother Lily...guess n’yo kung sino gaganapan kong role? Lolit Solis.”

Dahil AB ang target market ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas sa binuksan nilang Sommereux Catering business, tataasan na raw nila ang pangarap nila na makuhang kliyente ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao na kilala bilang mahihilig magpa-piging.

“Nangangarap na rin lang tayo, di sana si Senator Manny Pacquiao saka si Miss Jinkee,” say ni Gladys. “Na-meet ko na sila...sana one of these days...”

At dahil kilala si Gladys sa pagiging go-getter, naniniwala kaming matutupad yon at baka nga maging suki pa. Hindi rin kami magtataka kung pati pag-e-emcee sa mga programs ng mga events ay pasukin na niya dahil ang taas ng energy ni Mrs. Sommereux! [Sommereux ang tunay na apelyido ng asawa niyang si Christopher na isang half French.]

Pero kahit tutok silang mag-asawa ngayon dito sa bagong “baby” nila, hindi pa rin daw nila pababayaan ang pag-arte lalo na si Gladys na katatapos palang ng teleserye niyang Madrasta sa GMA-7 ay kinakati na namang may apihin on-cam.

Isa daw sa dream niyang apihin on-cam ay si Marian Rivera na never niya pa raw nakaka-trabaho.

Parang ang sarap daw kasing apihin nito.

“Ang ganda niyang apihin...Haha!” tsika pa ng bume-beterana nang primera contrabida. “Pero syempre sa totoong buhay hindi naman magpapa-api si Marian.”

Gandang-ganda daw kasi siya sa Misis ni Dingdong Dantes kaya tuwing makikita niya ito in person ay nare-refresh ang dream niyang maapi ito onscreen.

“Ang nakakatuwa kay Marian, every time I see her or kahit nga hindi ko siya nakita, tapos pag biglang nakita niya ako, biglang babablik pa para lang mag-kiss sa akin...

“Gusto ko lang yong feeling na maka-trabaho siya.”

Pero bago pa matupad ang Marian dream ni Gladys, mukang mauuna muna ang reunion project nila ng kanyang Mara Clara co-star na si Judy Ann Santos!

“Excited ako kasi binalita sa akin ni ’Nay Lolit [Solis] na baka makasama ako sa biopic ni Mother Lily...guess n’yo kung sino gaganapan kong role? Lolit Solis.”

Malaki ang naging papel ng manager ni Gladys na si Lolit Solis sa buhay ni Mother Lily especially noong 80s, ang peak ng Regal Films sa pagpo-produce ng pelikula.

“Sabi inaayos pa ’yong script, we don’t know yet, pero excited ako kasi first, makaka-trabaho ko ulit si Juday kasi she’s playing Mother Lily, at second akong na-excite, Lolit Solis ang gagampanan kong role!”

Effortless ito para kay Gladys dahil maski in real life ay paborito niyang gaya-gayahin ito.

“‘Hoy, magpakain na kayo ’noh, ang tagal-tagal! Mother, ang tseke ko!” pa-sampol pa ni Gladys.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.