Glaiza de Castro, hindi na sanay magpa-api

“Kasi ’di ba, nasanay ako na strong [character] ako. Pero through Maita’s character, natutunan ko kung paano bumaba talaga. Kung paano tanggapin lang talaga ang masasakit na pangyayari sa kanya.”—Glaiza de Castro on her role in Nagbabagang Luha.

Photos: @glaizaredux

“Kasi ’di ba, nasanay ako na strong [character] ako. Pero through Maita’s character, natutunan ko kung paano bumaba talaga. Kung paano tanggapin lang talaga ang masasakit na pangyayari sa kanya.”—Glaiza de Castro on her role in Nagbabagang Luha.

Posibleng manibago ang mga manonood na sanay na napapanood ang versatile Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa mga palaban na character.  

Sa bago niyang teleseryeng Nagbabagang Luha kabaligtaran raw talaga ang ginagampanan niyang role dito kumpara sa mga halos sunod-sunod na niyang nagawa sa GMA-7.

“Walang bahid ng pagka-fierce rito si Maita, e. At na-challenge ako,” pag-amin ni Glaiza sa ginanap na online mediacon para sa Nagbabagang Luha. 

Kung sa mga nakaraang serye niya ay mas lamang ang galit o paghihiganiti sa mga emosyon na inilalabas niya, ngayon puro raw ang requirement sa kanya.

“Noong una, iniisip ko lang talaga na, ‘Ano ba ’to? Parang iyak na naman siya. Ang bibigat ng mga eksena niya.’  Pero kasi, kahit saang anggulo ko tingnan, hinihingi talaga siya sa story na gano’n siya ka-vulnerable, gano’n siya ka-accepting na ang laki rin ng jump, let’s say Pirena [ng Encantadia] and Contessa. Nalalaro ko kasi ang character ko ro’n. Parang nagiging default ko na siya.

“Minsan nga, kapag nakikita ko si Claire [Castro], parang naaalala ko ’yung mga times na nag-uumpisa ko. Nae-excite ako do’n sa mga scenes niya. Tapos, parang gusto kong gawin ulit,” nakangiti niyang sabi.

(Si Claire Castro ang baguhang Kapuso star na gumaganap na kapatid niya sa serye. Anak siya ng mga artista ring sina Diego Castro at Raven Villlanueva.)

Pero nagpapasalamat daw si Glaiza na naibigay sa kanya ng GMA network ang role ni Maita. 

Ayon kay Glaiza, “I’m thankful that I was given this challenge, another role na parang feeling ko noong una, hindi ko magagawa.

“Pero s’yempre, with the help of my co-actors, director, ginabayan din nila ’ko at naging patient din sila. May mga times na napu-frustrate rin ako kasi, parang ilang balde pa ba ang kaya kong iluha?,” sey niya.

“Kasi ’di ba, nasanay ako na strong [character] ako. Pero through Maita’s character, natutunan ko kung paano bumaba talaga. Kung paano tanggapin lang talaga ang masasakit na pangyayari sa kanya.”

Ang role na ginagampanan ni Glaiza ay orihinal na ginampanan ng actress na si Lorna Tolentino sa pelikula version ng Nagbabagang Luha.

At inaasahan na raw ni Glaiza na maaari talaga siyang maikumpara rito.

“Kahit noong ginawa namin ang Encantadia, may mga expectations [ang tao]. Noong ginawa namin ang Stairway to Heaven, Temptation of Wife, may pattern na kasi sila. Nakita na nila ’yung ginawa no’ng mga previous actors.

“Pero s’yempre, parang sa akin naman po, ang assignment ko is to make it different. To make it parang new work, mas relevant. S’yempre, ilang years ago na ’yun, 80’s pa ’yun.  S’yempre, iba na ang atake, iba na ang execution.

“So here, we try as much as we can to put a different flavor to it.”

Nang matanong naman si Glaiza kung sa totoong buhay ay naranasan na niya ang lokohin ng karelasyon...

“Hindi ako aware,” natawang sabi niya.

“Pero siguro kung nangyari sa akin ’yun, hindi ko kakayanin ’yun. Lalo na kung ang nag-cheat sa’yo ay kapatid mo, mas masakit ’yun, ‘di ba?” pagkukumpara niya ng ganap sa soap opera sa tunay na buhay.

“Minsan, mas nakaka-frustrate at mas nakakalungkot kapag sinaktan ka ng isang tao pero mas masakit ’yun kung kamag-anak mo, kung malapit na malapit sa puso mo. 

“I think, ito rin ang tina-tackle ng soap na ’to. I think, ’yun din ang makakapag-differentiate sa kanya pag dating sa kuwento ng infidelity.”

Pero kung ang pag-uusapan daw sa character niya sa Nagbabagang Luha at pagkakapareho nito sa kung ano siya sa totoong buhay, ’yung pagmamahal daw nila sa pamilya ang magkapareho.

“Siguro pagdating sa pagmamahal sa pamilya, magkapantay kami ni Maita ro’n.  S’yempre, priority namin, family.

“Ako kasi ever since na nagsimula ako, ’yun na talaga ang naging foundation ko, ‘yung pamilya ko. Si Maita gano’n siya, so gagawin niyang lahat, tatanggapin niyang lahat para sa pamilya niya, especially sa kapatid niya.”

Dugtong pa niya, “Siguro rin, kapag may nang-aapi sa kanya, hindi niya papatulan agad. So, may pagka-gano’n din po ako. Hinihintay ko muna na mahinog ’yung emosyon ko bago ’ko lumaban talaga. ’Yung sasabog na lang ako.”

Mapapanood na ang Nagbabagang Luha—directed by Ricky Davao and Phillip Lazaro—sa GMA Afternoon Prime simula ngayong Lunes, July 26, kapalit ng Ang Dalawang Mrs. Real.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Glaiza de Castro, gustong dito sa Pilipinas sila ikasal ng Irish fiancé niyang si David Rainey

Handwritten love letters, bahagi ng love story nina Glaiza de Castro at fiance na si David Rainey

Glaiza de Castro, umaming na-positive sa COVID-19

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.