Glaiza de Castro, itinuturing na purpose niya sa buhay ang pagiging artista: “Hindi ako napunta dito sa showbiz nang walang dahilan.”

Biggest challenge daw sa buhay ni Glaiza de Castro ang pagsabak niya sa showbiz.  “Kasi para s’yang skydive o bungee jumping na kapag ka pinasok mo na hindi mo na p’wedeng bawiin, e. “So laging may challenges, laging may takot, laging may anxiety na, ‘What if hindi ako good enough?’”

PHOTOS: @glaizaredux on Instagram

Biggest challenge daw sa buhay ni Glaiza de Castro ang pagsabak niya sa showbiz. “Kasi para s’yang skydive o bungee jumping na kapag ka pinasok mo na hindi mo na p’wedeng bawiin, e. “So laging may challenges, laging may takot, laging may anxiety na, ‘What if hindi ako good enough?’”

Bagama’t puno ng hamon ang pag-aartista, niyakap daw ito ni Glaiza de Castro at itinuring na purpose n’ya in life. 

Sinabi n’ya ito kamakailan sa naging virtual media conference nila para sa upcoming reality show nila na Running Man Philippines. 

Natanong kasi s’ya kung ano ang masasabi n’yang biggest challenge sa buhay n’ya na imbes na takbuhan ay she took the courage para harapin ito. 

Siguro ’yong pagpasok ko sa showbiz. Kasi para s’yang skydive o bungee jumping na kapag ka pinasok mo na hindi mo na p’wedeng bawiin, e,” sagot ng Kapuso actress sa entertainment press. 

“So laging may challenges, laging may takot, laging may anxiety na, ‘What if hindi ako good enough?’”

Sa lahat daw kasi ng pagkakataon ay kailangan nilang mga artista na patunayan sa lahat na magaling at may ibubuga sila. 

May mga time na kailangan lagi mong i-prove ’yong sarili mo. Parang gusto mo na lang ’wag gawin kasi ang daming nanonood sa’yo, e,” lahad n’ya. 

Ang daming mga nag-aantay sa’yo na either suportahan ka or i-fail ka, i-judge ka… Kung minsan parang ang sarap na lang din ’wag magpakita.

Pagpapatuloy pa ng multi-awarded actress, naging inpirasyon n’ya ang kanyang pamilya para magpatuloy at mas paghusayan pa sa napili n’yang propesyon.

Kailangan mong harapin [ang mga challenges] kasi, unang-una, para sa pamilya mo. For the longest time ayon ’yong naging motivation ko, ’yong pamilya ko,” pag-amin n’ya.

Nakahanap din daw s’ya ng tuwa sa pagbibigay kasiyahan sa mga manonood kaya tinanggap na n’ya ang pag-aartista bilang purpose nga n’ya in life. 

Tapos, nakikita ko kasi ’yong kapagka nakapagpapasaya ka ng mga tao. In-accept ko sa sarili ko na kumbaga purpose ko ito. Isa ito sa mga purposes ko sa life. Wow!” she said.

Bilang ang lalim na ng pinag-uusapan natin, doon na tayo sa purpose… na hindi ako napunta dito sa showbiz nang walang dahilan. ’Yon ’yong lagi at lagi kong binabalikan. Thank you so much,” pagtatapos n’ya.

At present ay nasa South Korea na si Glaiza kasama sina Mikael Daez, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Kokoy De Santos, Angel Guardian, at Ruru Madrid.

Tatagal sila doon ng almost two months para i-shoot ang Philippine adaptation ng Korean reality game show na Running Man na mapapanood naman soon sa GMA Network.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Tandem nina Xian Lim at Glaiza de Castro, hindi raw pinagseselosan nina Kim Chiu at David Rainey

Glaiza de Castro at David Rainey, nagpalitan na ng “I dos” sa Ireland; magpapalitan naman ng singsing dito sa Pilipinas

Glaiza de Castro, kambal ang gustong maging anak nila ni David Rainey

Irishman na asawa ni Glaiza de Castro, hindi feel ng mga magulang niya noong una

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.