Glydel Mercado, ayaw nang mag-try magka-anak ng lalaki

PHOTOS: @glydelmercado

PHOTOS: @glydelmercado

Parehong babae ang naging anak ng mag-asawang Glydel Mercado at Tonton Gutierrez, sina Aneeza, 14, at Aneeka, 7. At ayon kay Glydel, magka-taliwas ang mga ugali ng dalawa.

“’Yong panganay ko, mahiyain. Super mahiyain!” bulalas ni Glydel na kontrabida na naman ang role sa bagong GMA-7 teleseryeng Kara Mia. “’Yong makapal ang mukha, ’yong bunso ko.”

Mahilig din daw sa makeup si bunso, habang si ate naman ay ni ayaw mag-dress o sandals manlang at panay panlalaki ang gustong sinusuot.

“Sporty kasi ’yong isa,” esplika ni Glydel. “’Yong bunso, kahit nasa bahay lang siya gusto niya naka-crown…saka pag nagme-makeup ako, kinukuha niya yong mga makeup ko tapos ’yong mga script ko, babasahin niya. Tapos pag may mga guesting kami sa TV na family, gusto niya, excited siya.”

In short, mas malamang daw na mas mag-showbiz ang bunsong si Aneeka kaysa kay Aneeza na siya pa namang kamukha ng lola nitong si Liza Lorena. Pero sakali daw isa sa kanila ay mag-showbiz in the future, papayagan naman daw nila basta’s unahin lang muna ang pag-aaral.

’Kasi itong anak kong panganay wala akong nakikitang future, tamad mag-aral,” pabirong tsika ni Glydel. “Pero yong isa, mukang magkaka-honor student [ako].”

P’wede pa naman daw silang maka-hirit pa ng anak na lalaki ni Tonton dahil “nagkakaroon” pa naman daw siya. Pero kung siya mismo, ayaw na raw niyang subukan.

“Ayoko na ’yong feeling ulit na…kasi ang gap nila seven years, so no’ng pangawalang baby ko, parang nanganay [ulit] na ang sakit. Ang sakit manganak.”

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.