Gulay-seryeng patutsada nina Lolit Solis at Cristy Fermin kay Vice Ganda, tuloy pa rin; latest hirit ni Lolit: “Huwag kang patola, at lalong huwag kang ampalaya.”

Nagsimula ang maituturing na "gulay-serye" na ito sa ipinost ni Manay Lolit sa Instagram last January 20 tungkol sa nakarating sa kanyang tsika na nagpa-power trip diumano si Vice Ganda sa kinabibilangan n’yang noontime show na It’s Showtime.

PHOTOS: @akosilolitsolis & @praybeytbenjamin on Instagram

Nagsimula ang maituturing na "gulay-serye" na ito sa ipinost ni Manay Lolit sa Instagram last January 20 tungkol sa nakarating sa kanyang tsika na nagpa-power trip diumano si Vice Ganda sa kinabibilangan n’yang noontime show na It’s Showtime.

Kasunod ng banat ni Cristy Fermin kay Vice Ganda dahil sa anti-Marites nitong patutsada ay ang kaibigan naman n’ya at online show co-host na si Lolit Solis ang bumanat sa Kapamilya comedian-TV host.

Nagsimula ang maituturing na "gulay-serye" na ito sa ipinost ni Manay Lolit sa Instagram last January 20 tungkol sa nakarating sa kanyang tsika na nagpa-power trip diumano si Vice Ganda sa kinabibilangan n’yang noontime show na It’s Showtime

Pinabulaanan naman ito ng co-host ni Vice na si Jugs Jugueta sa comment section at sinabing mali ang nakarating na balita kay Manay Lolit dahil masaya daw sila sa It’s Showtime. 

Tinanggap naman ng beteranang showbiz columnist and talent manager ang paglilinaw ni Jugs sa balitang nakarating sa kanya.

However, hindi daw ikinatuwa ni Vice ang ipinost ni Manay Lolit ayon kay Mama Loi ng Ogie Diaz Showbiz Update vlog. Ito ay kahit pa naituwid na ni Jugs ang mali diumanong tsika kay Lolit ng kanyang source.

Ayon pa kay Mama Loi, nagparinig daw si Vice sa isang episode ng It’s Showtime kung saan sinabi daw n’ya na dapat piliing mabuti kung kanino dapat magsa-subscribe dahil kung ano ang energy ng sinusundan, maganda man o pangit, ay iyon ang maa-absorb ng subscriber.

Sa binasa pa ni Mama Loi na pahayag umano ni Vice, inihanay ng komedyante ang mga Marites o tsimosa gaya ni Lolit Solis sa mga magnanakaw at mga kriminal. 

Kaya, ’di ba, ang pinakapangit na tao sa mundo ’yong mga Marites? Kasi pagkatapos ng mga magnanakaw, Marites na ’yon, e. Ganu’n kapangit,” sabi umano ni Vice sa show.

Na-realize ko, lalo na nu’ng end ng 2021 parang masyado nating ginagamit ’yang term na Marites. Akala ng mga tao cute ’yon. Kaya ang daming nagpapaka-Marites, akala nila pag Marites ay cute ka. No, ang pangit ng Marites. After magnanakaw, kriminal, Marites.

Sinalag naman ito ni Manay Cristy last January 24 sa radio and online show n’ya na Cristy Ferminute para ipagtanggol ang kaibigan at co-host n’ya sa Take It Per Minute...May Ganun? na si Lolit.

Ayon sa kanya, masyado daw pikon si Vice gayong ang mga isyu daw nito sa buhay na pinag-uusapan ng publiko ay galing rin mismo sa kanya. 

’Wag kang nagiging balat-sibuyas kung kasing kapal na ng repolyo ang mukha mo,” bwelta ni Cristy kay Vice. “Kasi nagbabalat-sibuyas ka pa, nagagalit ka pa pag ang Marites pinagpipistahan ka. E, bakit ka nagagalit, e, du’n lang naman sila kumukuha sa mga post mo, ’di ba?

Dagdag pa n’ya: “Kaya ’wag nagbabalat sibuyas kung kasing kapal ng kung ano-anong gulay ang mukha. Tigilan mo ang pagpo-post tungkol sa sarili mo at kay Ion [Perez] at kung ano ang kayamanan na nasa iyo wala ka rin matitikman na kahit ano mula sa mga Marites.

At ngayong araw, January 26, ay si Manay Lolit naman ang humirit sa isyu. 

In her Instagram post ay pinagtawanan n’ya ang pagiging patola o magpagpatol at pagiging ampalaya o bitter daw ni Vice. 

“Talagang type ni Vice Ganda na maging patola/ampalaya sa akin, Salve. Gusto niya ako sumikat kasi binabanggit niya name ko sa Showtime, hah hah. Hindi ko akalain na isang komedyante maging pikon sa konting pitik,” panimula ng veteran entertainment writer and host. 

“Sabi ni Jugs hindi tutoo, eh di hindi tutoo iyon balitang power tripping, so ano problema?” tanong pa n’ya.

Tularan daw dapat ng komedyante ang ugali ni late Comedy King Dolphy na mapagpakumbaba at marunong sumakay sa biro. 

“Dapat kay Vice Ganda makuha niya humility at sense of humor ni Dolphy. Si Dolphy kahit at the time na nag slide ng konti ang popularity nanatili ang love at respeto ng tao sa kanya,” lahad pa n’ya. 

“Pag ganyan kadali mapikon si Vice Ganda, baka pag nalaos siya ang maging reaction ng tao, buti nga, kasi pinasukan ng hangin ang ulo. Sa konting pitik o issue, dapat kalmante ka lang, hindi OA sa reaction.”

Mukhang lumaki na daw kasi ang ulo ng It’s Showtime main host dahil hindi na ito marunong tumanggap ng puna sa kanya. 

“Para bang wala ka dapat ibang opinyon kay Vice Ganda, dapat sabihin mo lang mahusay siya, popular siya, mabait siya. Bongga! Perfect ang dating, walang mali. Iyon kadalasan ang pinapasukan ng hangin sa ulo, pag ayaw mong pinupuna ka, ayaw mo na may nasasabi sa kilos at salita mo,” paliwanag pa ni Lolit. 

“Duda tuloy ako na baka tutoo ang power tripping, dahil nakikita ko na ang sign sa pagiging pikon ni Vice Ganda.”

Birong payo pa n’ya sa Kapamilya comedian: “Huwag kang patola, at lalong huwag kang ampalaya, sige ka, papait ang lasa ng comedy mo, hindi na magiging katawa tawa, kasi may halo ng ampalaya at patola, magiging chopsuey na iyan, corny na, hah hah hah #classiclolita #takeitpermintemeganun #pilipinostarngayonshowbiz #74naako.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.