Habang nagre-rehabilitate pa ang Siargao, Andi Eigenmann at mga anak, extended muna ang stay sa Manila; “My kids know for sure this is not ‘home.’”

Panay ang spend ng quality time nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo with their kids Lilo and Koa dahil soon ay babalik na si Philmar, na dumalaw lang para makapiling ang pamilya noong Kapaskuhan, sa isla para muling tumulong sa mga nasalanta ng bagyo doon.  “Although soon, papa will be going back to the island again, I am more than happy to focus on our children for the both of us knowing that he is able to help better from there,” lahad ng celebrity mother of three.

PHOTO: @andieigengirl on Instagram

Panay ang spend ng quality time nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo with their kids Lilo and Koa dahil soon ay babalik na si Philmar, na dumalaw lang para makapiling ang pamilya noong Kapaskuhan, sa isla para muling tumulong sa mga nasalanta ng bagyo doon. “Although soon, papa will be going back to the island again, I am more than happy to focus on our children for the both of us knowing that he is able to help better from there,” lahad ng celebrity mother of three.

Aminado ang actress and vlogger na si Andi Eigenmann na hindi madali ang sitwasyon nila ngayong pansamantala silang nasa Maynila dahil binayo ng bagyong Odette ang Siargao, kung saan na siya residente, nitong Disyembre.

Nasa Manila si Andi with her three kids para dumalo sa kasalan sa Batangas, na nataong naganap noong araw din na nag-landfall ang super typhoon sa Siargao. Dahil doon, na-extend muna ang kanilang stay dito habang inaayos pa ang mga nasalanta sa kanila. Kabilang ang kanilang bahay sa mga gusali at kabuhayan na hindi pinatawad ng bagyo. 

Ganu’n pa man, nananatiling positibo ang pananaw n’ya sa buhay dahil marami pa naman daw na dapat ipagpasalamat. 

“Been having a tough time assessing how I feel but I realise, nevermind that for now because after all of life's uncertainty, there's still so much to be grateful for,” pahayag ni Andi sa kanyang Instagram post last January 7. 

Kalakip nito ang series of photos na kuha noong nag-bonding ang kanilang pamilya sa playground.

Dagdag pa ng only daughter ni Jaclyn Jose, ramdam daw n’ya na naninibago din sa sitwasyon nila ang kanyang mga anak na sina Lilo at Koa. Good thing na lang at kasama niya ngayon ang partner n’ya at tatay ng kanyang mga anak na si Philmar Alipayo

“My kids know for sure this is not ‘home’, but having both of us around somehow makes everything better,” ani Andi. 

Matatandaan na agad bumiyahe pa-Siargao ang fiancé niyang si Philmar matapos ang pananalasa ng bagyo para tumulong sa kanilang mga ka-anak at kaibigan sa isla. 

Lumuwas din naman agad pa-Manila ang surfing champion para makapiling sila noong holidays pero soon ay babalik na ito sa isla para muling tumulong sa mga nasalanta ng bagyo. 

“Although soon, papa will be going back to the island again, I am more than happy to focus on our children for the both of us knowing that he is able to help better from there,” lahad pa ng celebrity mother of three. 

Nagpasalamat din s’ya sa mga sumusuporta at nanonood ng YouTube vlogs nila. Naipangako kasi nila na itutulong nila sa relief operations and rehabilitation ng Siargao ang kikitain nila mula doon. 

“Sincerest thanks for your support in helping us earn enough to help rebuild several families' homes in Siargao by watching our December videos on youtube!” pagtatapos ni Andi.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.