Halik ni Enrique Gil, "parang pang Grade 2" ayon kay Liza Soberano

"Pero sa totoo lang, sa kissing scene ako 'yong mas magaling." - Liza Soberano

PHOTOS: @pikapikaph & @lizasoberano on Instagram

"Pero sa totoo lang, sa kissing scene ako 'yong mas magaling." - Liza Soberano

More mature na LizQuen umano ang dapat abangan sa panibagong teleseryeng pagtatambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil, ang Make It With You

Kinunan pa ang ilang tagpo ng teleserye sa bansang Croatia na naging setting ng sikat na HBO series na Game of Thrones.

Sa media kick-off na ginanap para sa teleserye noong December 6 sa ABS-CBN, nasabi ng dalawa na magiging iba ang Make It With You sa mga naunang pelikula at soap opera na pinagbidahan nila. At isa na nga daw sa dapat abangan ang mature roles na gagampanan ng LizQuen.

"More mature and daring pero not to the point na its out of our brand," esplika ni Liza. "Meron namang intimate [scenes] but not as much as what you think. Kayo na po bahalang intindihin kung anong nangyayari sa soap [opera].”

Natanong din ng entertainment press ang writer ng teleserye na si Mark Angos kung gaano ba katindi ang "intimate scenes" na gagawin nina Liza at Enrique.

"Ewan ko ba," natatawang sagot ng romcom writer. "Kasi ang sabi sa'kin super intimate eh. Week 1, week 2 pa lang. Hindi ko pa nilalabas sa week 10."

Natawa ang members ng press sa biro ni Mark, na agad namang sinakyan ni Liza.

"Tatapatan namin 'yong GOT [Game of Thrones],” dagdag ng dalagang aktres.

Natanong tuloy ang LizQuen kung paano nila pinaghahandaan ang sinasabing mga "super intimate scenes” na yon.

Napatingin si Liza sa boyfriend at itinuro ito, "Sya, todo po."

Naghagalpakan sa kakatawa ang mga attendees ng media kick-off sa sinabi ni Liza.

"Actually, hindi pa nga noong una," paliwanag ng Kapamilya actress. "Sabi ko kasi, when we were filming She's The One before, 'di ba may kissing scene sila ni Ate Bea [Alonzo]? Lagi ko syang nakikita noon na nagma-mouthwash—malaking [bote ng] mouthwash, nakakalahati nya. As in!

"Tapos noong Alone/Together, first scene namin magki-kiss...kakakain nya lang non...anong kinain mo?" tanong nya sa kasintahan na walang maisagot dahil nakalimutan na nya. 

"Parang mga streetfood sa UP, mga kwek-kwek," patuloy ni Liza. "Eh di ba sobrang toothbrush ko?...”

Dito tila naging defensive si Enrique.

"Sabi mo naman kasi 'wag na [mag-toothbrush] kasi ako rin naman," depensa ni Enrique na natatawa. “I smelled like tuna. Ang baho ng tuna.”

Huli na para mabawi ni Enrique ang kanyang sinabi dahil nagtawanan na ang press. Tila nakalimutan kasi ni Enrique na isa sa mga iniendorso ni Liza ay isang brand ng canned tuna. 

"Pero sa totoo lang, sa kissing scene ako 'yong mas magaling," nagmamalaking bawi ni Liza kay Enrique.

Muling nagtawanan ang entertainment press.

"Sinasabi ko lang na mas magaling ako kasi para sa akin work lang sya," dagdag pa ng aktres.

Tugon naman ni Quen: "Ako kasi mas...." 

"Nahihiya sya!" pagbubuko ni Liza sa binata.

"Pero mas magaling ako mag-kiss," paliwanag ng aktor, "mas relaxed lang sya. Mas kaya nyang dalhin. Ako, nakakakaba pag dating sa kiss."

Natanong din si Liza ng one word para i-describe ang halik ni Enrique.

Tugon n’ya: "Parang pang grade 2."

Napangiti na lang si Quen sa mga kantyaw mula sa media people.

"Sa eksena lang 'yon," kambiyong depensa naman ni Liza sa nobyo. “Naalala ko talaga 'yong sa Alone/Together, 'yong scene na nasa park kami sa New York. Alam nyo 'yong sabi nya sa'kin? Ganito sya.."

Pumikit ang aktres at bumulong sa microphone ng: “‘Iki-kiss na kita. Iki-kiss na kita. Iki-kiss na kita....’”

Muling nagtawanan ang entertainment press sa ginawang iyon ng aktres.

"Natatakot sya kasi nandyan si Tito Ogie (Diaz) nakabantay. Sabi ko naman 'Alam nyang magki-kiss tayo, so, wag kang mahiya.'

"May emotions kasi umiiyak kami doon. Pauli-ulit 'yong [take] kasi ayaw nya akong i-kiss."

Sumalungat naman si Enrique at nagsalita off mic.

"Excuse me? Doon sa ano..." sagot ni Liza.

Dito na nagsalita sa microphone ni Enrique para depensahan ang sarili.

"Kasi nga may time na lalapit ako, then yun nga," natatawang paliwanag ng aktor. "Dapat ganda ng timing."

Kaabang-abang ang pagtatambal ng dalawang Kapamilya stars sa teleseryeng kinunan sa Croatia at sa Pilipinas. Ito ang isa sa mga unang handog ng ABS-CBN sa taong 2020 na magbabalik sa tambalang LizQuen sa primetime.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

LizQuen set to make teleserye return; reunites with Cathy Garcia-Molina 

TRAVEL TUESDAY | LizQuen slays the California scene

Liza Soberano asks Jane De Leon for a dinner date; claims Jane fits the role of Darna

 



 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.