Halik star Jane de Leon is unanimous choice as the new Darna

REVELATION! A new Darna actress is in the works in the form of Jane De Leon. The Halik actress was handpicked by director Jerold Tarrog as the person to portray the iconic Filipino superhero.

PHOTOS: @imjanedeleon on Instagram

REVELATION! A new Darna actress is in the works in the form of Jane De Leon. The Halik actress was handpicked by director Jerold Tarrog as the person to portray the iconic Filipino superhero.

Ang former Halik star na si Jane de Leon ang napili ng Star Cinema at ni Direk Jerold Tarrog para gumanap bilang Darna, ang role na binakante ng original na gaganap nito na si Liza Soberano dahil sa kanyang finger injury (kamakailan lang ang sumailalim si Liza sa surgery para i-correct ang kanyang disfigured right finger). 

Ayon sa report ni MJ Felipe sa ABS-CBN news website, si Jane—who is a member of It’s Showtime’s Girltrends girl group at gumanap na kapatid ni Jericho Rosales sa Halik—was chosen among 300 hopefuls.

Nang pinakita na kay Tarog ang mga audition tape ng mga aktres na umaasa na gampanan ang iconic superhero, dinileberate niya lahat ang mga ito at wala siyang napiling iba kundi si Jane.

Unanimous decision daw ang pagpili sa Halik star.

Instinctive ang pag-describe ni Direk Jerold sa aktres. Kwinento naman ng Star Cinema head na si “Inang” Olivia M. Lamasan kung paano niya nakitaan si Jane ng potential.

"Pinresent na si Jane sa amin a couple of years ago, and among all the 13 noon na Mr. M (Johnny Manahan) presented from Star Magic,” sabi ni Lamasan sa ABS-CBN News. “And then I saw her again in 'Halik.' Sabi ko, 'itong batang to, meron.' There's something about her,"

Kasama na ngayon si Jane sa isang elite group of actresses na ginamapanan si Darna, sa tabi nina Vilma Santos, Gina Pareño, Lorna Tolentino, Marian Rivera, at Angel Locsin.

Wala pang sinasabi si Direk Jerold kung kailan mag-uumpisa ang production para sa pelikula, pero plano niyang mag-premiere ito sa taong 2020.

YOU MAY ALSO LIKE:

Could this Kapuso actress be the next Darna? 

US Toy Company Funko Pop to release Darna collectible

Sanya Lopez, willing mag-audition for Darna sa isang kundisyon

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.