Hamon ni Darryl Yap kay Mitch Valdes: “Tutal humarap ka kamo sa tangke, iharap mo sakin ang sarili mo at ang mga pinagkuhanan mo ng kagaguhang ‘pedophile’ ‘admitted pedophile [story].’”

Isa pang hamon ni Direk Darryl Yap kay veteran actress Mitch Valdes:  “Bago pa kumanta si Mitch Valdes ng ‘wala naman akong pinangalanan’ o ‘bakit siya tinamaan’. Hayaan mong bumirit ako sa lyrics na PANGALANAN MO NGANG AKO ITO. [A]ng hirap sa mga taong sugatan, akala nila may karapatan silang manakit.”

Photos: @YouthAndPower2016 on Facebook & @mitsbaldiswaw on Instagram

Isa pang hamon ni Direk Darryl Yap kay veteran actress Mitch Valdes: “Bago pa kumanta si Mitch Valdes ng ‘wala naman akong pinangalanan’ o ‘bakit siya tinamaan’. Hayaan mong bumirit ako sa lyrics na PANGALANAN MO NGANG AKO ITO. [A]ng hirap sa mga taong sugatan, akala nila may karapatan silang manakit.”

Hinamon ng writer-director and content creator na si Direk Darryl Yap ang veteran actress-singer na si Mitch Valdes matapos makarating sa kanya ang mga pasaring ng huli.

Sa nakalap na screenshot photos ni Darryl ng mga kumalat na statement umano ni Mitch Valdes sa Facebook na in turn ay ipinost naman ni Darryl sa VinCentiments Facebook page kahapon, July 20, makikitang nag-share ito ng experiences n’ya noong Martial Law period, EDSA People Power Revolution, kasabay ng patama niya sa isang hindi pinangalanang direktor na tinawag niyang “pedophile.”

Narito ang kabuuan ng statement umano ni Mitch:

“I lived thru Martial Law where the mere sight of soldier or policeman would make my knees quake because people disappeared. I could not express my opinion in shows because people disappeared.

“I then joined the people who had enough and faced tanks. We prayed for a quick death if they ran us over.

“I saw the cowardly family escape trailing jewels and cash in adult diaper boxes.

“And I now I have a voice because of the thousands who were tortured and killed for my voice.

“No movie made by a pedophile can change this.”

Sa isa pang screenshot photo, makikitang edited na ang huling sentence ng nasabing FB post ng singer-actress.  Mula “No movie made by a pedophile can change this,” ito ay naging “No movie made by an admitted pedophile can change this.”

Kahit na walang binanggit na pangalan ang aktres, ipinagpalagay na ni Direk Darryl na s’ya ang pinupuntirya ng showbiz veteran habang ang tinutukoy nitong pelikula ay newest movie project n’ya na Maid in Malacanang.

“Bago pa kumanta si Mitch Valdez ng ‘wala naman akong pinangalanan’ o ‘bakit siya tinamaan’. Hayaan mong bumirit ako sa lyrics na PANGALANAN MO NGANG AKO ITO. [A]ng hirap sa mga taong sugatan, akala nila may karapatan silang manakit,” panimula ni Direk Darryl sa balik-banat n’ya kay Mitch.

Direktang pag-a-address pa n’ya sa aktres, “[M]ay karapatan ka sa sarili mong opinyon at kamiserablehan, pero tigilan mo ko sa pagtatapang-tapangan mo at gagawin mong bala ang gawa-gawang paninira ng mga gaya mong ipinaglaban ang demoksrasya pero di handa sa tunay na kahulugan nito.”

At dahil nasabi nga ni Mitch na naranasan n’yang humarap sa tangke during the People Power Revolution, hinamon n’ya ito na humarap sa kanya.

“[T]utal humarap ka kamo sa tangke, iharap mo sakin ang sarili mo at ang mga pinagkuhanan mo ng kagaguhang ‘pedophile ‘admitted pedophile,’” pantsa-challenge n’ya kay Mitch.

Dagdag buwelta pa ng direktor, “[A]ng gagaling nyong umastang tagapangtanggol kayo ng inaagrabyado pero kayo ang numero unong masasangsang ang ugali.

“Gagawa-gawa kayo ng paninira tapos palalabasin nyong inamin ko? [A]no kayo may TB? [M]as malala pa sa TB ang sakit na yan,” pagtatapos ni Direk Darryl.

 

Bago pa kumanta si Mitch Valdez ng “wala naman akong pinangalanan” o “bakit siya tinamaan". Hayaan mong bumirit ako sa...

Posted by VinCentiments on Tuesday, July 19, 2022

As of this writing ay hindi na makikita sa Facebook page ng aktres ang nasabing statement dahil either deleted ba o naka-selected audience setting ito. Wala pa rin siyang tugon sa buwelta sa kanya ni Direk Darryl.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Direk Darryl Yap at Cong. Rowena Guanzon, nagsimula nang magpatutsadahan?

Banat ni Darryl Yap sa mga umokray sa casting ng Maid in Malacañang: “Ipagsisiksikan nyo na lang yung talunan nyong opinyon sa pelikula ng nanalo?”

Darryl Yap sa netizen na tumawag sa kanya ng “pedophile-disrespectful-fake news peddler director”: “Idedemanda kita. Pangako.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.