Hamon ni Sean de Guzman sa mga nagdududang prosthetic ang ipinakita niya sa The Influencer: “Panoorin n’yo ulit para makilatis n’yo.”

Kung tutuusin ay hindi naman ito ang unang beses na ginawa ni Sea De Guzman ang pagpo-frontal nudity. Nagpasilip na rin siya sa launching move niyang Anak ng Macho Dancer at Lockdown. Pero ayon kay Sean, kahit daw nagawa na niya ay nahirapan pa rin siya dahil magkaka-iba naman daw ang requirement na hinihingi sa bawat pelikula.  “Actually, nahirapan ako doon sa eksena na ’yon kasi, s’yempre, ’yong pressure, sa ambience, sa mga tao… Sa anong lugar ko gagawin ’yong bagay na ’yon, patigasin ’yong ari, ’di ba?” pag-amin ni Sean.

PHOTOS: @seandeguzman on Instagram & pikapika.ph

Kung tutuusin ay hindi naman ito ang unang beses na ginawa ni Sea De Guzman ang pagpo-frontal nudity. Nagpasilip na rin siya sa launching move niyang Anak ng Macho Dancer at Lockdown. Pero ayon kay Sean, kahit daw nagawa na niya ay nahirapan pa rin siya dahil magkaka-iba naman daw ang requirement na hinihingi sa bawat pelikula. “Actually, nahirapan ako doon sa eksena na ’yon kasi, s’yempre, ’yong pressure, sa ambience, sa mga tao… Sa anong lugar ko gagawin ’yong bagay na ’yon, patigasin ’yong ari, ’di ba?” pag-amin ni Sean.

 

Proud ang sexy-drama actor na si Sean de Guzman na hindi s’ya nandaya o gumamit ng prosthetics sa ginawa n’yang frontal nudity sa pelikula nila ni Cloe Barreto na The Influencer

Inilahad n’ya iyan nang makatsikahan s’ya ng entertainment press kamakailan sa naging private screening ng nasabing Vivamax movie sa Gateway Cineplex sa Quezon City.

Merong eksena sa pelikula kung saan buong tapang na nagpakita ng kanyang “nakasaludong sundalo” si Sean kaya naman hindi maiwasang mausisa s’ya ng press people kung totoo ba ’yon. 

May mga nagko-komento raw kasing mga viewers sa ilang sexy film ng Vivamax na nandadaya ang mga male actors sa paghuhubad nila dahil prosthetics ang gamit. 

Ayon kay Sean, totoo ang ipinakita at wala daw ’yong daya. 

Ulitin n’yo, panoorin n’yo kung prosthetics ba ’yon,” natatawang hamon n’ya sa press. 

Ipinaunawa daw talaga sa kanya ni Direk Louie Ignacio na kailangan ’yon sa eksena kaya game naman daw n’ya itong ginawa. 

Doon sa eksena talaga na ’yon kinausap ako ni Direk na kailangan ko talagang gawin ’yong bagay na ’yon. Ako as an actor, minotivate ko ’yong sarili ko na kaya ko ’yon, na kaya kong gawin ’yong bagay na ’yon,” lahad ni Sean ukol sa maselang eksena without giving a spoiler. 

Kung tutuusin ay hindi naman ito ang unang beses na ginawa niya ito. Nagpasilip na rin siya sa launching move niyang  Anak ng Macho Dancer at Lockdown. May mga palihim lang na nagpahayag ng pagdududa dahil tila mas “tumikas” daw ang “sundalo” niya. Iyon ang dahilan kung bakit siya natanong if prosthetic ba iyon.

Pero ayon pa rin kay Sean, kahit daw nagawa na niya ay nahirapan pa rin siya dahil magkaka-iba naman daw ang requirement na hinihingi sa bawat pelikula.

“Actually, nahirapan ako doon sa eksena na ’yon kasi, s’yempre, ’yong pressure, sa ambience, sa mga tao… Sa anong lugar ko gagawin ’yong bagay na ’yon, patigasin ’yong ari, ’di ba?” pag-amin ni Sean.

Dahil dito, nabaling sa katabi n’yang si Cloe ang atensyon ng press at natanong ang dalagang aktres kung hindi ba s’ya nailang sa eksena nilang iyon ni Sean.

Tugon ng sexy-drama actress: “Hindi naman po…” 

Hindi pa man tapos sumagot si Cloe ay biglang sumingit si Sean.

Pinaglaruan pa nga n’ya, e,” pagbibiro ng aktor na ikinaloka ng press people. 

Nagulat pa si Cloe sa sinabi ni Sean pero sinakyan na rin n’ya ang biro ng kanyang leading man. 

Ay, kapal mo. Hahaha! Oo, cute po kasi. Hahaha!” natatawang sakay ni Cloe. 

Naiintrigang tanong tuloy ng press kay Sean: “So, tumulong s’ya [si Cloe] sa pagpapatigas?

Pabiting sagot naman ni Sean sa kanila: “Tanungin n’yo po s’ya… Joke lang.

Paglilinaw pa n’ya, hindi naman daw s’ya pumayag na magkaroon ng frontal nudity dahil lang sa s'ya ang bida ng pelikula. 

Hindi naman po dahil bida ako. Pumayag po ako sa pelikulang ito dahil maganda ’yong pelikula. Pangalawa, si Direk Louie, napakagiting na direktor n’yan. Sobrang pleasure na makatrabaho si Direk Louie,” pagtatapos ni Sean. 

Mapapanood sina Sean at Cloe sa The Influencer simula August 12 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sean de Guzman, may hugot pa rin sa amang nang-iwan sa kanila; “Hindi pa po ako handang harapin siya.”

Direk Joel Lamangan, sinisigurong magkaka-acting award ang baguhang si Sean de Guzman sa pelikulang Fall Guy

Sean De Guzman, na-totoo nang pananakal kay Jay Manalo sa isang shooting; Jay, nilektyuran si Sean

JC Santos, bilib sa tapang ni Cloe Barreto: “She has so much balls than me.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.