Handa kaya si Jennylyn Mercado sakaling mag-propose si Dennis Trillo sa gabi ng concert nila?

Paano kung may lumuhod? “Walang gano’n!” natatawang sakay ni Jennylyn. “Kailangan manood sila para malaman nila kung meron man.”

Photos: Anna Pingol & Instagram

Paano kung may lumuhod? “Walang gano’n!” natatawang sakay ni Jennylyn. “Kailangan manood sila para malaman nila kung meron man.”

Aminado si Jennylyn Mercado na hindi pa sila nakakapag-pokus ng kasintahang si Dennis Trillo para sa nalalapit na Valentine concert nilang CoLove Live na inspired ng success ng kanilang CoLove music videos sa YouTube.

Nag-focus muna si Jen pagpe-prepare para sa bonggang media conference ng mala-pelikulang Pinoy version ng Korean hit drama, Descendants of the Sun  (DOTSph), kung saan bida siya at first time makaka-love tandem si GMA primetime king Dingdong Dantes.

“Isang beses palang po kami nagre-reheasal,” pag-amin ni Jen sa mga ka-tsikang press after ng formal introduction ng DOTSph cast na ginanap sa GMA-7 last January 30.

“Pero naka-buo na po kami ng line-up ng mga songs, may script na din po kami. Bale nag-run through lang kami. Next week, pukpukan na.”

May nagtanong kung may special announcement daw ba silang dalawa sa concert nila, na obviously ay marriage proposal kung hindi man kasal na mismo ang tinutumbok.

“Wala!” windang na sagot ni Jen na na-gets agad ang tanong. “Hindi p’wedeng pilitin yan...darating lang yan.”

Paano kung may lumuhod?

“Walang gano’n!” natatawang sakay niya. “Kailangan manood sila para malaman nila kung meron man.”

Kung sakali, ready ba siya?

“Hindi ko alam!” halos natitili nang sagot ni Jen. “Hindi ko masasagot yan...Doon ko na masasagot yan kung nandoon na ’ko.”

Ayon kay Jen, ang CoLove concert na ang magsisilbing Valentine’s date nila bilang natapat ito isang araw after Valentine’s Day mismo.

“’Yon na. Wala kaming time mag-date,” say ni Jen. Bukod do’n ang praning din daw silang magka-sakit.

Kasi s’yempre, nakakatakot ding lumabas...baka mamaya, magka-ubo’t sipon kami, di mas lalong masakit di ba? Hindi kami makaka-kanta nang maayos. So, mabuti nang magpahinga, i-reserve ang energy para sa mismong show.”

Promise ni Jen na kakantahin nila ni Dennis sa concert ang “After All,” na maiko-consider daw na theme song nila. Bilang after all that they’ve been through, nagkabalikan sila at love did prove lovelier the second time around for them

Plus, ang cover nila ng kantang ito, na original na dinyuwet nina Peter Cetera and Cher, ay nagtala na sa ngayong ng 3.8 Million views mula nang i-post nila sa YouTube noong June 2019.

Samantala, ang lakas ng on-screen chemistry nina Jennylyn at Dingdong sa DOTSph. May tamang kalimot na may kanya-kanya silang lovelife in real life.

Pero wala daw qualms si Dennis about it. In fact, napaka-supportive daw nito sa kanya.

“Friends sila ni Dong,” say ni Jen. “Basta lagi niyang sinasabi sa akin, ‘O, galingan mo, ha. Malaking show yan, maging thankful ka.’ May mga ganyan naman si Den. Napaka-supportive niya.”

Sa February 10 na simulang mapapanood ang Descendants of the Sun sa GMA-7; habang February 15 naman ang one-night concert ng JenDen lovebirds sa New Frontier Theater.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jennylyn Mercado expresses excitement to play as Dr. Maxine in Descendants of the Sun Pinoy remake

Pika's Pick: Jennylyn Mercado shares teasers of Descendants of the Sun

LOOK: Jennylyn Mercado launches her own Youtube channel, turns one room at home into a studio

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.