Hannah Arnold, excited nang mag-compete sa Miss International pageant sa Japan

Nagpasalamat si Hannah Arnold sa pamunuan ng Binibining Pilipinas sa pagpayag nito na s’ya pa rin ang ipadala sa Japan para kumatawan sa Pilipinas. In just few weeks lang kasi ay kokoronahan na n’ya ang kanyang magiging successor na ipapadala ng Pilipinas sa kompetisyon sa susunod na taon.   “So grateful to be our representative for the Philippines in the 60th edition of Miss International,” pahayag ni Hannah. 

PHOTOS: @arnoldhan_ on Instagram

Nagpasalamat si Hannah Arnold sa pamunuan ng Binibining Pilipinas sa pagpayag nito na s’ya pa rin ang ipadala sa Japan para kumatawan sa Pilipinas. In just few weeks lang kasi ay kokoronahan na n’ya ang kanyang magiging successor na ipapadala ng Pilipinas sa kompetisyon sa susunod na taon.  “So grateful to be our representative for the Philippines in the 60th edition of Miss International,” pahayag ni Hannah. 

Hindi napigilan ng Pinay beauty queen na si Hannah Arnold na kiligin matapos i-repost ng Miss International organization sa kanilang official Instagram account ang kanyang photos. 

Sa kanyang IG post kahapon, May 5, na pinamagatan n’yang “Para sa’yo Pilipinas,” ipinahayag ni Hannah ang kanyang paghanga sa Japan-based pageant organization at sa mga Filipina na naging titleholder nila.  

“Nakakakilig to see myself on the Miss International page. A pageant I have admired since my fellow Masbateño Ate Bea Santiago shared an inspirational message full of Hope and gratitude on that stage. A pageant that taught us about cultural understanding when Ate Kylie Versoza (sic) raised our flag. A pageant that celebrates beautiful Binibinis and 6 Filipino queens before me,” lahad ng Filipino-Australian beauty. 

Excited na daw s’ya for her turn na maging kinatawan ng bansa ngayong tuloy na tuloy na ang competition sa darating na December. 

“I know we still have a few months until the 2022 pageant, but all of us candidates and the organisation are just so excited that everything is starting and that the international audience will be together again in Japan,” pagtatapos ni Hannah. 

Nitong May 3 lang, nagpasalamat ang Applied Science graduate sa pamunuan ng Binibining Pilipinas sa pagpayag nito na s’ya pa rin ang ipadala sa Japan para kumatawan sa Pilipinas. In just few weeks lang kasi ay kokoronahan na n’ya ang kanyang magiging successor na ipapadala ng Pilipinas sa kompetisyon sa susunod na taon. 

“So grateful to be our representative for the Philippines in the 60th edition of Miss International,” pahayag ni Hannah. 

“Thank you Binibining Pilipinas Charities Inc. for this blessing to continue my dream journey. This is such exciting news that my MI sisters and I have been praying for and messaging a lot about.”

Pagbubutihin umano n’ya na mai-promote ang Sustainable Development Goals ng United Nations na s’yang magiging sentrong tema ng patimpalak. 

“We will surely use this extra time to spread more awareness about the United Nations Sustainable Development Goals. @beautiesforsdgs,” saad pa ni Hannah.

Sakaling palarin, s’ya na ang magiging ikapitong Miss International winner mula sa Pilipinas kasunod nina Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Lara Quigaman (2005), Bea Rose Santiago (2013), at Kylie Verzosa (2016).

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Marlo Mortel, proud na proud sa pagkakapanalo ex-girlfriend-turned-good friend na si Hannah Arnold sa Bb. Pilipinas

Masbate’s bet Hannah Arnold bags Binibining Pilipinas’ top crown

Kylie Verzosa congratulates Patch Magtanong for “being a great representative of the Philippines.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.