Hannah Precillas, wish maka-collab ang idol niyang si Julie Anne San Jose

PHOTOS: @hannahprecillas & @myjaps on Instagram

PHOTOS: @hannahprecillas & @myjaps on Instagram

Nilo-look up pala ng Boholana singer na si Hannah Precillas ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose at wish n’yang makasama ito sa isang project o collaboration someday. 

Ito ang inamin ng tinaguriang Kapuso OST Princess, who recently released her EP [Extended Playlist] “Hannah Precillas Sessions” under GMA Music, sa exclusive interview namin sa kanya via Zoom kahapon, May 27. 

“Number one, kasi friend ko s’ya. And second is napaka-talented kasi [n’ya], e,” paliwanag ni Hannah tungkol sa tinagurian namang Asia's Pop Sweetheart Julie Anne. “Kapag nakikita ko s’ya sa stage, ‘yong solo performances n’ya at nasa harap lang ako, parang, ‘Wow!’”

Inisa-isa pa n’ya ang mga katangian ng Heartful Cafe lead actress kung bakit perfect choice ito for a music or acting collab.

Nakakasayaw s’ya. Ang sexy pa. Nakakakanta s’ya, nakaka-arte pa,” patuloy na paglalarawan ng Kapuso singer kay  homegrown GMA-7 star na Julie Anne. 

Pag-amin pa n'ya: "So, parang ako… I still admire people na [kahit] kasama ko na sa industry, naglo-look up pa rin ako [sa kanila]. Gusto ko pa rin maging [katulad ni Julie Anne sa] kung ano ‘yong naging achievements n’ya…na sana magkaroon din ako."

“Though hindi naman kopyang-kopya,” agad na paglilinaw niya. “Pero nakaka-‘crush’ lang na ganu’n, na napaka-talented ng mga taong ganu’n, like Julie.” 

At dahil paminsan-minsan ay umaarte na rin sa mga TV shows si Hannah mula nang pumasok sa showbiz matapos tanghaling grand winner sa Kapuso talent search na Bet ng Bayan way back 2014, natanong namin s’ya kung ano ba ang matimbang sa puso n’ya now that she has experienced both music and acting for years. 

S’yempre, number one kasi talagang love na love ko ang pagkanta, ’no?” sagot ni Hannah. “Kumbaga, ‘yong pag-arte is another learning na rin for me. Hindi ko naman sinasara ‘yong pinto ko sa kung ano mang pumasok na opportunity, e.

Naniniwala daw kasi s’ya na kapag para sa kanya ay ibibigay ‘yon sa kanya.  

Ano kasi ako, e, kung may ibibigay sa akin, I always follow the flow lang,” lahad n’ya. “Kung may ibibigay sa akin, ibig sabihin kailangan ko ma-experience ‘yon. So, ako tatanggapin ko yan. Kung anuman ang maging resulta, bahala na.” 

Pagpapatuloy ni Hannah, “Kasi parang meant sa akin, e, kasi hindi naman yan dadating sa buhay ko kung hindi para sa akin, ‘di ba? Siguro kung hindi man meant para sa akin habambuhay pero ’yong magkaroon ako ng experience man lang para may pumasok na bagong learnings and lessons [sa buhay ko].”

Her EP, by the way, is comprised of “Munting Hiling” na ikonompose ni Vehnee Saturno and originally performed by Willie Revillame; “Hiram na Sandali” ni Ella May Saison; at “Awit Kay Inay” ni Carol Banawa. Kabilang din dito ang recently released na version n’ya ng "Sabi Ko Na Nga Ba" na original na kinanta ni Sheryl Cruz. 

Available na for streaming ang “Hannah Precillas Sessions” sa GMA Music’s YouTube channel, Spotify, Apple Music, and other digital platforms worldwide.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sa tanong kung hunky ba ang next boyfriend na gusto niya, Julie Anne San Jose, napa-“Oh, my God!”

Gabbi Garcia sa pagpapalipat niya kay Alden Richards sa tabi ni Julie Anne San Jose: “Wala pong nag-utos... Dapat po nasa gitna siya ng ending dahil headliner po ang idol niyo.”

Julie Anne San Jose, balik-teleserye after two years

Pika's Pick: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz start filming their upcoming movie "Torpedo" in Samar

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.