“Hari ng Agimat” and former senator Ramon Revilla Sr. passes away at 93

PHOTO: @bongrevillajrph on Instagram

PHOTO: @bongrevillajrph on Instagram

Pumanaw na ang action film legend at senador na si Ramon Revilla, Sr. ngayong hapon, June 26, sa edad na 93 due to heart failure. 

Malungkot na ibinalita ng anak niyang si Senator Bong Revilla Jr. sa publiko—through his short Facebook Live—na pumanaw nga nga ang  patriarch ng Bautista a.k.a. Revilla clan..

"Wala na po ang tatay ko," the Junior Revilla said in his video while crying. "Please pray for him. 

Makikita sa video na kasama ng senador sa silid ang kanyang mga anak na sina Bryan at Jolo, maging ang mga ilan pang kaanak at medical workers. 

 

 

Posted by Ramon Bong Revilla, Jr. on Friday, June 26, 2020

Sa kasunod na Facebook post, isinalaysay ng actor-politician ang sanhi ng pagkamatay ng iconic film actor and former public servant. 

"After 93 full years, our father former Senator Ramon Revilla, Sr. succumbed to heart failure at 5:20 this afternoon," sabi ni Bong sa kanyang post. "He is now free from physical pain and is in the loving arms of our Creator."

Pinasalamatan din n'ya ang mga taga-suporta na nag-alay ng dasal para sa yumanong ama.

"Thank you very much for the love and prayers, as we ask for continuous prayers for the eternal repose of his soul," the senator expressed.

 

After 93 full years, our father former Senator Ramon Revilla, Sr. succumbed to heart failure at 5:20 this afternoon. He...

Posted by Ramon Bong Revilla, Jr. on Friday, June 26, 2020

Matatandaan na noong May 31, humingi ng dasal si Senator Bong mula sa taga -suporta ng kanilang pamilya matapos isugod ang kanyang ama sa pagamutan dahil sa iniinda nito noong hirap sa paghinga. 

Nabigyan pa noon ng pangunang lunas ang matandang Revilla sa St. Dominic Medical Center  sa Bacoor City, Cavite bago ito inilipat sa St. Luke’s Medical Center-Global City sa Taguig.

Dito, bahagyang bumuti ang lagay ng matandang Revilla matapos makabitan ng ventilator.

Nitong June 12 lang, ipinaalam pa ni Bryan Revilla, panganay na anak ni Senator Bong, na maayos na ang lagay ng kanyang lolo at nakakahinga na ito kahit walang tulong ng ventilator.

Sa kanyang naging buhay bilang artista, binasagan si Ramon Revilla, Sr. bilang "Hari ng Agimat" ng Pelikulang Pilipino.

Ilan sa mga memorable films na kanyang pinagbidahan ay ang Nardong Putik: Kilabot ng Kabite, Pepeng Agimat, Hulihin si Tiyagong Akyat, and more.

Maliban sa pagiging premyadong aktor, nanalo din s'yang senador nang dalawang termino at nanungkulan mula 1992 hanggang 2004.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.