Harlene Bautista, naghihinay-hinay daw sa pagpo-post tungkol sa kanyang love life dahil private person daw ang bf na si Freddie Moreno

PHOTOS: @harlenet on Facebook (L) & freddiemoreno12 on Instagram (R)

PHOTOS: @harlenet on Facebook (L) & freddiemoreno12 on Instagram (R)

Malayo na nga din ang narating ni Harlene Bautista sa showbiz industry mula sa pagiging child star noong araw, hanggang sa mapabilang s’ya sa That’s Entertainment ni late Master Showman, Kuya Germs, at ngayon naman ay ang pagpo-produce ng pelikula ang kinabi-bisihan niya.

Isa ang movie industry sa mga napuruhan nang tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa kaya napilitang matigil halos lahat ng shooting at production. 

Gayunpaman, kailangan daw magpatuloy ayon sa actress-producer nang mag-guest s’ya last November 18 sa online show na Just In hosted by Vaness del Moral.

Dahil nga meron kaming production outfit, ‘yong Heaven’s Best Entertainment… Of course, ang pelikula, maraming taong umaasa d’yan,” pahayag ng actress-producer via Zoom. “Pagka may project, marami kang nabibigyan ng trabaho. 

“So naisip namin na, ‘Hindi tayo p’wedeng huminto sa paggawa ng mga pelikula.’ Hindi tayo p’wedeng huminto bilang producers dahil, s’yempre, producing the films, ang maghatid ng pelikula para sa manonood and for our film workers ay nakakapagbibigay ng hope, ‘di ba?

Katunayan daw, sa kasagsagan ng lockdown ay ginagawa nila ang movie na “Ang Huling Ulan sa Tag-araw” na pagbibidahan ng Kapuso love team na sina Ken Chan at Rita Daniela

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa daw ng team nila kung saan at kailan ito swak na maipapalabas. 

Kasi sa ngayon wala pa talagang mga sinehan,” sey pa n’ya. “Although merong konti, may lalabas ba talaga para manood, ‘di ba? Parang nakakatakot pa rin. So inaaral naman saan s’ya magandang ipalabas at kailan. ‘Di ba?

Kasi maganda talaga ‘yong pelikula. Pinaganda. Lahat ng involve du’n sa production, talagang binigay ‘yong best nila. We’re very proud of this movie,” pagbibida pa ni Harlene. 

To those unfamiliar, may ilang de-kalibreng pelikula na din ang na-produce nina Harlene sa Heaven’s Best Entertainment. Kabilang na nga rito ang Umaaraw, Umuulan (2006), Burgos (2013), Raketeros (2013), at multi-awarded movie na Rainbow Sunset (2018) na s’yang huling pelikula ng mga movie icons na sina Eddie Garcia at Tony Mabesa bago sila pumanaw. 

Maliban sa movie nina Rita at Ken, marami pa daw na pelikulang ilalabas ang nasabing production outfit kabilang na nga dito ang Isa Pang Bahaghari (2020) na kinatatampukan nina Philip Salvador, Michael de Mesa at Superstar Nora Aunor.

Tsika pa ni Harlene, na mukhang well-adjusted na sa new normal, mas nagustuhan n’ya daw ang konsepto ng lock-in taping dahil naging efficient at mas dedicated ang mga movie workers. 

“Ang maganda din sa lock-in [shooting], nandun ang mga tao to really work,” lahad n’ya. “Productive talaga, e. Hindi naman sa hindi kayo nagtsi-tsika. Of course, hindi naman ibig sabihin na hindi kayo nag-uusap. 

Pero talagang work, work,work… Dose oras lang. Ako, parang mas nagustuhan ko s’ya, e, kasi very efficient lahat. Tapos agad. P’wede naman pala. Kaya naman pala.

Hindi rin naiwasang matanong ang aktres tungkol sa kanyang love life matapos nga silang umamin ng anak ni Kuya Germs na si Freddie Moreno

Matatandaang nag-post pa sila ng photo sa Instagram last September to celebrate their first monthsary.   

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Federico Moreno (@freddiemoreno12) on

“Actually… ‘yon, nag-celebrate kami. S’ya ‘yong unang nag-post,” paliwanag ni Harlene kay Vaness. “Sabi ko ‘Okey.’ Parang nagka-go signal ako na mag-post kasi ayaw ko rin naman masyadong post nang post kasi hindi naman s’ya artista. Hindi naman s’ya showbiz na showbiz na… We all know that he’s the son of Kuya Germs pero very private s’ya talaga. 

E, s’yempre, hindi rin naman maiwasan, ‘di ba? Artista ako. Kaya nu’ng nag-post s’ya, ‘A, okey. P’wede na [din] ako mag-post. Parang ganu’n. 

Naghihinay-hinay din ako. S’yempre ako naman, gusto ko post ako nang post. S’yempre, proud ka. Kinikilig ka. Ganu’n. Pero pinipigilan din,” pagtatapos ni Harlene. 

PANOORIN ang kabuuan ng online tsikahan nina Vaness del Moral at Harlene Bautista dito:

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

WATCH: Harlene, nagyaya nalang ng inuman kesa umamin sa lovelife

Blooming si Harlene, ready na kayang ipakilala ang bagong special someone? “Soon, sa tamang panahon!”

Romnick Sarmenta, aminadong may babaeng “kinikila nang husto”; ayaw mag-comment sa bagong karelasyon ni Harlene

Romnick, sa posibleng balikan nila ng dating GF at ka-loveteam na si Sheryl Cruz… “wag kayong ano…”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.