Hashtag Nikko Natividad, bumwelta sa nagdudang may P4M siya

PHOTO: @hashtag_nikko

PHOTO: @hashtag_nikko

Napikon ang actor-TV host na si Nikko Natividad sa entertainment columnist na si Dominic Rea kasunod ng pag-amin n'ya na nabiktima s'ya ng investment scam. 

Sa kanya kasing naging Instagram post kahapon, August 24, sinabi ng Hashtag member na natangay ang kanyang apat na milyong piso matapos mag-invest sa lending business ng isang nagngangalang Sha Punzalan na nasakote na ng mga otoridad last August 14 through an entrapment operation. 

Sa nasabing post din ni Hashtag Nikko, ikinuwento n'yang na-depress s'ya matapos mauwi sa wala ang kanyang pinaghirapan. 

Hindi na rin daw s'ya umaasang maibabalik pa ang P4 million n'ya bagkus ay patuloy na lang daw siyang magsisikap para sa kanyang pamilya. 

Dahil sa ginawang pag-amin, na-kwestiyon ang It's Showtime dancer and co-host ng entertainment writer na si Dominic Rea kung saan umano nanggaling ang milyones n’ya. Ilang taon pa lang naman daw s'ya sa showbiz at mahirap daw kitain ang ganoon kalaking halaga in a short span of time.

Isang screenshot ng post umano ni Dominic Rea, kung saan nga nakasaad ang pang-kukuwestiyon nito ang ibinahagi ni Nikko sa kanyang Instagram at Twitter accounts.

Narito ang laman ng diumano'y post ni Dominic:

Na-scam daw si Nikko Natividad ng 4 million pesos! 

"Wow! Saan galing ang 4 million pesos niya? Kahit siguro sa isang taon na raraket siya ng out of town shows ay hindi siya makakabuno ng ganoong halaga! 

"Magkano ba ang talent fee niya sa bawat pelikulang nagawa niya na? Magkano ba talent fee niya sa bawat pagsasayaw niya sa entablado ng It's Showtime araw-araw? 

"Wow! Daming pera ni Nikko. Pahiram naman beh!"

Sarkastiko itong sinagot ng actor-dancer at sinabing: "Sainyo po galing sir @dominicreaofficial customer nyo ako dati diba? Malakas kayu magbigay ng bonus."

 

Dito na nagsimula ang sunod-sunod na banat ng Kapamilya star sa showbiz writer. 

"Lahat ng pera ko pinaghirapan ko," depensa ni Nikko. "5yrs kong pinaghirapan sa showbiz at pag nenegosyo. Kaya hindi imposible yun. Kung di ka makapaniwala isip ka nalang ng blind item tutal dun ka kumikita sa paninirang puri."

 

At para mapatunayan na kinita nga niya ang kinukuwestiyon umanong halaga, ay hinamon niya ito ng: "Silipan ng ITR [Income Tax Return]."

 

Patuloy na naglahad ng sama ng loob si Nikko sa showbiz reporter. Aniya, nakadapa na siya ay ini-ngudngod pa siya umano siya nito. Bagay na hindi niya umano maintindihan dahil wala naman siyang atraso sa writer.  Moreover, hindi raw nila alam na mga arista kung saan lulugar, dahil pag umano walang ipon ay pinagtatawanan at pag meron naman ay kukuwestiyunin kung saan galling.

Sa huli, inisa-isa na ni Nikko ang kanyang mga ginagawa, sa loob at labas ng showbiz, para kumita at makaipon. 

"Sa mga nagtataka pa,para isahan nalang," tila napipikon na lahad n'ya. "Gumigising ako [tuwing] madaling araw para mag @ukg [Umagang Kay Ganda] tapos deretcho @itsShowtimeNa [It's Showtime] tapos tatanggap ako teleserye kahet wala akong linya basta magkatrabaho ako. Tapos sideline sa mga pelikula kahet small role wala ako pakealam basta kumita."

 

Dagdag pa ng Bulakenyo celebrity: "Sinusuyod ko mga fiesta mall show bday sa buong pilipinas para rumaket. Nagtitinda ako grahams sa abs [ABS-CBN] at sa labas. Bedsheet, sandals at youtube. Ngayon pag nagduda pa kayo may MALI na sainyo."

 

Nang tila lumamig na ang puyos ng damdamin ay humingi ng tawad ang aktor sa kanyang mga online followers dahil sa sunod-sunod umano niyang pagra-rant. 

"Tama na kalma nako. Pasensya na kayo. Hirap kasi nakadapa nako nginungudngud pako."

At ngayong araw, August 25, nagpasalamat naman si Nikko sa mga nagbigay sa kanya ng suporta.

"Salamat sa mga inspiring message nyo. Godbless us all," sey pa ng 27-year-old actor.

Dating waiter o food attendant si Nikko bago siya sumali—at manalo bilang grand winner sa “Gandang Lalake: Kuma-Career” segment ng It's Showtime noong 2014. Ito ang naging tiket niya para mapabilang sa boy group na Hashtag at maging mainstay host ng nasabing noontime show. 

Naging bahagi din si Nikko ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016, at lumabas sa iba't ibang shows ng ABS-CBN gaya ng FPJ's Ang Probinsyano at Kadenang Ginto.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.