Hashtag Ryle Santiago, aminadong attracted sa Kapuso star na si Pauline Mendoza; nai-date na daw niya sa perya

“I’m interested in her as a person pero bilang lover maaga pa para masabi. Kasi ilang months palang kaming magkakilala.” —Ryle Santiago on Pauline Mendoza

Photos: Anna Pingol & @paulinemendoza_

“I’m interested in her as a person pero bilang lover maaga pa para masabi. Kasi ilang months palang kaming magkakilala.” —Ryle Santiago on Pauline Mendoza

Ayaw tawaging date ni Ryle Santiago ang pagsa-sama niya kay GMA-7 star Pauline Mendoza sa isang perya. Pero ayon sa kanya, ang pagiging game daw nito ang isa sa mga characteristics nito na nagustuhan niya sa dalaga.

“Game lang siya, game lang siya sa lahat ng bagay,” nakangiting tsika ng kalog na Hashtag member. “For example hindi siya mahilig sa mga rides-rides...sa mga rollercoasters, gano’n. Pero no’ng dinala ko sa perya—habang busog siya—sumakay naman. Hahaha! Ta’s nahilo.”

Sabi namin ay sira-ulo siya. Pero sinakyan lang naman ng binata ni Sherilyn Reyes.

“E, game naman siya, e, so...”

Nilinaw din naming kung talagang perya ba ang pinuntahan nila at hindi manlang Enchanted Kingdom level?

“Hindi, perya talaga,” giit nito. “Sa MOA [Mall of Asia], ’yong by the bay? May perya doon, e .”

Hindi pa nga raw mako-consider na date ’yon dahil hindi pa naman daw siya nanliligaw. However, hindi daw ’yon ang first labas or gimik nila.

“Hindi, hindi naman kami nag-date,” iwas pa ni Ryle. “Madalas kaming mag-movie or concerts, gano’n ’yong mga pinupuntahan namin.

“We have so much in common kaya mga banda na gusto ko, gusto niya rin. Kaya palagi kaming magkasama sa mga concerts nila. Sabay kaming naghahabol ng gig...mga gigs nila.”

Sa mga shoots at events daw ng BeautéDerm Corporation niya nakilala ang dalagang Kapuso dahil pareho silang endorsers ng said company at pareho din daw silang nagbebenta ng mga beauty products ng BeautéDerm kaya sila naging close.

Si Pauline, who is now part of the GMA-7 show dramedy show na Love You Two, rose to prominence late 2018 nang mapansin sa role nito bilang ang multong Cristel sa Kambal Karibal.

At bago pa man ma-link kay Ryle ay nauna nang nai-ugnay ang pangalan nito kay Joshua Garcia, ang ex-boyfriend ni Julia Barretto na balitang nanligaw din kay Pauline noon.

Pero ayon kay Ryle, sa pagkaka-alam niya ay walang naganap na ligawan between Joshua and Pauline.

“Na-k’wento niya sa akin ’yon before si Joshua—uy, disclaimer: magkaibigan kami ni Josh, magkaibigan kami ni Pauline. Hindi ako nakikisawsaw. Pero ito ang sabi sa akin si Josh...basta si Joshua at saka pinsan ni Pauline kasi magkakaibigan. Close kasi talaga sila kaya...” 

So, hindi nanligaw si Joshua? Paglilinaw namin.

Ang alam ko hindi, hindi talaga.” 

Hindi rin nababahala ang Kapamilya dancer/actor sakaling ma-link man siya sa taga-GMA-7.

“Wala naman silang sinasabi sa akin na ano na wag diba?” pangangatwiran ni Ryle na ang tinutukoy ay ang ABS-CBN management. “E, hindi lang naman ako. There’s Khalil [Ramos]-Gabbi [Garcia]...sino pa ba? Basta may mga gano’n, e. May nakakalimutan ako. Pero meron pa ’yon, I’m sure.”

(Si Gabbi Garcia na taga-GMA-7 ay may “stressfree” relationship sa ABS-CBN star na si Khalil Ramos).

At dahil tila ngayon palang ay ipinaglalaban na niya ang dalaga, mukang matindi talaga ang interes niya dito?

“I’m interested in her as a person pero bilang lover maaga pa para masabi,” kambiyo ni Ryle. “Kasi ilang months palang kaming magkakilala.” 

Manliligaw ka palang?

“Siguro palang, if ever,” direktang sagot ni Ryle. “We’ll see. I have my job and family... hindi hinahanap ang pag-ibig hinihintay yan. Kung wala, wag mong pilitin.”

But just in case matuloy nga sa ligawan ang lahat, magkahalong-old school at modern daw ang approach niya sa panunuyo ng babae.

“Mas gusto ko old school...old school na new school,” explain ni Ryle. “May halo. Alam mo ’yon, haharanain ko siya pero sa telepono. Hehehe.”

Kung sakali din ba, siya ba ang tipo na kailangan ng approval ng parents niya bago niya diskartehan ang isang babae?

“S’yempre meron,” pag-amin niya. “Pero kasi dati meron akong niligawan na hindi gusto ng family ko for me pero pinaglaban ko. Eventually tinanggap, minahal siya ng family and ako rin ’yong na-karma kasi hindi ako nakinig. Pero minahal pa rin.

“So, ayon medyo importante din ’yong sinasabi ng parents s’yempre pero kung mahal mo, tatanggapin din naman nila ’yon.” 

Ayaw nang ibisto pa ni Ryle kung sino ang girl na sinasabing niyang “nagpa-karma” sa kanya. Pero tila pasado sa mommy Sherilyn niya ang posibleng PauRy (Pauline-Ryle) real-life tandem nila ni Pauline Mendoza.

“Ewan. . . Hahaha!” 

Incidentally, ang masarap na tsikahan tungkol sa buhay pag-ibig ni Ryle ay naganap sa contract renewal ceremony niya with MegaSoft Hygienic Products, Inc., na ginanap sa Oriental Palace restaurant in Quezon City last August 31.

Papasok na ng ikalawang taon ni Ryle ng pag-eendorso ng Cherub Baby Wipes, ang product ng MegaSoft na naka-assign for him to promote. May pakulong nationwide school tour palagi ang MegaSoft at paborito nilang bitbitin sa mga schools sa probinsya si Ryle dahil magaling itong mag-entertain ng crowd.

He also inspires other students na ipagpatuloy ang pag-aaral dahil siya, kahit busy sa mga showbiz commitments, ay nagagawa pa ring mag-aral sa Meridian International Business, Arts and Technology College (or MINT), kung saan second year college na siya taking up Films.

Happy’ng-happy ang 20-year old bagets dahil ni-renew siya ng MegaSoft at excited na siya ulit mag-school tour.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.