Heaven Peralejo, ibinunyag ang bagong crush

PHOTOS: @heavenperalejo on Instagram

PHOTOS: @heavenperalejo on Instagram

Nakipag-bonding ang aktres na si Heaven Peralejo sa kanyang mga online followers last Sunday, August 16, through Instagram Live.

She encouraged her fans to ask questions at isa nga sa agad naitanong sa kanya ay kung sino ang latest crush n’ya ngayon. 

Si Stiles,” matipid na sagot ng former PBB Housemate. “Search n’yo dali!

It turned out na si Stiles or Mieczyslaw “Stiles” Stilinski ay ang main character ng Netflix drama series na Teen Wolf na ginampanan ng Hollwood actor na si Dylan O'Brien. Bumida na ang aktor sa iba pang pelikula gaya ng American Assassin (2017), Deepwater Horizon (2016) at sa tatlong movie installments ng The Maze Runner (2014, 2015 & 2018).

Pag dating naman sa kanyang favorite singers, ibinida ng former Pamilya Ko actress ang mga OPM artists. 

“Favorite singer ko? Sarah Geronimo...Si Ate Moi [Moira dela Torre ]. Ang dami,” pag-e-enumerate ni Heaven. “Si Ms. Regine [Velasquez], si Ate KZ [Tandingan]. Wala, e. Kasi sila, iba-iba sila ng galing... Sila talaga ’yong hinahangaan ko.”

Sinagot din n'ya ang tanong kung nagkikita-kita pa ba sila ng kanyang mga ka-batch noon sa PBB makalipas nga ang apat na taon gaya nina Maymay Entrata, Edward Barber, McCoy de Leon, at iba pa.

Noong walang pandemic, I think sa ABS[CBN], nakita namin ang isa’t isa,” sey n’ya sa kanyang IG followers.

Matatandaang napabilang sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 si Heaven way back in 2016 kung saan nag-voluntary exist s’ya para maalagaan ang kanyang ina na that time ay nakatakdang sumailalim sa surgery due to brain cancer. 

Nahingan din ng online schooling tips ang 20-year-old actress-vlogger na kumukuha pala ngayon ng kursong Business Management.

Ipinaliwanag ni Heaven na medyo iba ang set up ng online schooling nila kung saan ibinibigay na daw sa kanila ang mga pre-recorded videos na naglalaman ng kanilang lessons.

Iba kami,” k’wento niya. “Parang pre-recorded na ang mga videos [namin]. So, pinapanood ko na lang in my own time. 

Pero ’yong iba, may schedule talaga [ng klase on a specific time]. So, siguro talagang pumasok na lang din kayo sa class pero i-manange n'yo lang din ’yong time.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Is this the reason why MayWard released a joint statement about their relationship status?

Kisses Delavin leaves Star Magic; inks contract with Triple A management

Marco Gallo denies having had relationship with Kisses Delavin; reveals break-up with Juliana Gomez was mutual decision

 

 


 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.