Heaven Peralejo, masaya pero pressured sa pagbibidahang teleserye: "Gagalingan ko everytime. Para matuwa naman 'yong ating mga viewers."

PHOTOS: @heavenperalejo on Instagram

PHOTOS: @heavenperalejo on Instagram

Thankful pero aminadong pressured si Kapamilya actress Heaven Peralejo sa kanyang pagbibidahan na bagong teleserye ng ABS-CBN na Bagong Umaga.

Inamin ito ng aktres sa naganap na virtual media conference para sa afternoon show kahapon, October 15, dahil ito na daw so far ang biggest break n'ya sa showbiz. Ito din kasi ang kauna-unahang Kapamilya teleserye na magpa-pilot sa free broadacast TV via A2Z after mag-shutdown ang ABS-CBN due to franchise non-renewal last May. 

"Kung alam n'yo lang kung gano kasaya... Kung gaano kasaya 'yong puso ko para mabigay sa'kin 'tong role na 'to," pahayag ni Heaven sa online press conference. 

"Sobrang thankful kanila Mamu [Rizalina Ebrigea of RGE Drama Unit], of course sa production, sa mga directors [Carlo Po Artillaga and Paco Sta. Maria], sa ABS [CBN] for giving me this opportunity...

"Binigyan nila ako ng chance para i-showcase 'yong kung ano ba kaya kong ibigay sa mga kapamilya natin," dagdag pa ng 20-year-old Pinoy Big Brother alumna. "I'm very grateful, and at the same time, pressured."

Paglilinaw n'ya: "Pero for me, masayang pressured din para, at least, gagalingan ko everytime. Para matuwa naman 'yong ating mga viewers."

Medyo masalimuot din kasi ang pinagdaanan bago napunta sa kanya ang role na Tisay na isang matapang, mapusok, level-headed, at may galit sa mga mayayaman. 

Una kasing napabalita noon na si Julia Barretto ang bibida sa serye na may working title dati na Cara y Cruz bago ito naging Bagong Umaga. Sa k'wento ni Julia sa online show na This is Showbiz ng pikapika.ph matapos siyang mag-sign ng management contract sa Viva, nag-decide daw ang network na ibigay sa iba ang role kung kailan ready at naka-impake na s'ya for the lock-in taping. Maluwag naman daw ito loob ng aktres dahil nangyayari naman daw talaga 'yon sa show at production. 

Kay Heaven naman, for her part, hindi man s'ya ang naging first choice para sa role, itinuturing pa rin daw n'yang big blessing ang teleserye project lalo sa panahon ngayon na hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng trabaho dahil nga sa pandemya. 

"It's a blessing in disguise kaya nagpapasalamat talaga ako lagi," paglalahad pa n'ya. "So,  'yon lang po. Ang ginagawa ko lang talaga ay ginagalingan ko every scene. Nand'yan naman po 'yong director namin para tulungan kami. Lalo na 'yong mga castmates ko, sobrang galing din po nila na kahit ikaw mismo madadala ka sa galing nila."

Tsika pa ni Heaven, ka-vibes daw n'ya ang kanyang mga co-actors pati na rin 'yong mga veteran stars.

"Dito po sa Bagong Umaga, lahat po kami, kahit veterans po, sobrang bait po nila. Like sila Tita Rio [Locsin], alam n'yo si Tita Rio... smiling face. 

"Dito para kaming pamilya, e. Siguro dahil [naka]-lock-in po kami and everyday kaming magkakasama, we became a family. And every time na nasa set ako, it's a happy set for me," pagtatapos ni Heaven. 

Makakasama ng aktres sa afternoon drama series ang iba pang Kapamilya actors na sina Tony Labrusca, Barbie Imperial, Yves Flores, Michelle Vito, at Kiko Estrada. 

Mapapanood ang Bagong Umaga simula October 26 sa A2Z and other Kapamilya online platform pagkatapos ng It's Showtime.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Heaven Peralejo, ibinunyag ang bagong crush

Pika's Pick: Lolit Solis, nasagwaan sa umano’y pagte-text ni Heaven Peralejo kay Manny Pacquiao para humingi ng financial help; dapat daw ay kay Jinkee ito lumapit

Pika's Pick: Lolit Solis admits she got a call from Jinkee Pacquiao dispelling what she wrote that her son Jimuel’s ex girlfriend Heaven Peralejo asked them for financial help

Pika's Pick: Jimuel Pacquiao clears ex-girlfriend Heaven Peralejo from P100K ayuda issue; says there’s “no need for all the bashing.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.