Heaven Peralejo, never say die ang attitude for 2024

Naniniwala si Heaven Peralejo na kapag maayos ang mga bagay-bagay sa kanyang personal life, susunod doon ang ibang aspeto ng buhay n’ya tulad ng trabaho n’ya bilang aktres.

PHOTO: Sych Ancheta

Naniniwala si Heaven Peralejo na kapag maayos ang mga bagay-bagay sa kanyang personal life, susunod doon ang ibang aspeto ng buhay n’ya tulad ng trabaho n’ya bilang aktres.

Panibagong pangarap ng aktres na si Heaven Peralejo ang nabigyang katuparan ngayong taon at iyon ay maging ganap na calendar girl.

Maliban kasi sa mga ginawa n’yang projects at nakuhang acting awards this year ay naging calendar girl din s’ya matapos siyang i-launch officially kamakailan bilang Ginebra San Miguel calendar girl for 2024. Meaning, seksing photos n’ya ng bibida sa mga kalendaryong ilalabas ng nasabing beverage company.

Tila hindi makapaniwala ang aktres na s’ya ang napili nang matanong s’ya tungkol dito during her Filipino festivals-themed launching event recently.

Parang it’s a dream come true, you know. Grabe…” lahad ni Heaven.

Hindi na raw s’ya nag-atubili pa nang alukin s’ya para maging calendar girl. Maliban kasi sa isa ito sa mga pangarap n’ya, naka-align din umano ang values ng kompanya sa bagay na pinahahalagahan n’ya which is malasakit.

“We have the same values and pinalaki ako ng mom ko to have the same values. I am so, so grateful to be the face of Ginebra San Miguel,” pahayag ni Heaven.

Ayon pa sa kanya, mahalaga ang malasakit dahil nagiging driving force ito para mas ma-enjoy ang buhay. 

“I think, ’yon ’yong nagpapatakbo ng buhay, e. Pag may malasakit ka, may purpose ka in life. It gives you purpose and it gives you love, so much love to the people around you, to your job, and to life,” she explained.

At ang nakakatuwa pa umano rito, kahit sexy ang naging photoshoot nila, hindi raw s’ya nakaramdam ng pressure.

“They didn’t tell me to lose some weight. Alam mo ’yon, hindi nila ako binigyan ng pressure na ganu’n. So ako, ‘Wow!’” pagbabahagi n’ya.

Dahil doon, s’ya na raw mismo ang nagkusa na mas pagandahin pa ang kanyang figure prior to their photoshoot.

“I mean, ako na lang. It’s more like, ‘You know what? I’m just gonna take care of myself,’” she shared.

“I’m going to the gym everyday. And I actually fasted during the whole shoot. Hahaha! It was kinda hard but I enjoyed it,” the Viva actress added.

Ngayong isa na naman sa mga dreams n’ya ang natupad, umaasa ang aktres na kapupulutan iyon ng inspirasyon ng publiko para patuloy na abutin ang kani-kanilang mga pangarap.

“Siguro, to have this attitude of never say die, na kahit anong itapon sa’yo ng mundo lalaban ka pa rin,” aniya.

“You’ll have this courage to fight for your passion and you’ll have this love for your passion, for the people that you love, and to just never give up on life, to have this hope everyday, to wake up everyday, and to have this hope and love, and fun of course,” pagpapatuloy n’ya.

Ngayong masasabing fruitful ang taong 2023 for Heaven, ano naman kaya ang plano n’ya this coming 2024?

Simple lang, to hone my craft more, to be a better person, to be a better daughter, and to be a better friend. Ganu’n lang ka-simple,” she answered.

“’Coz I think that’s life, you know. It’s all about being at peace with yourself and the people that surround you,” diin pa n’ya.

Kapag maayos naman daw kasi ang lahat sa kanyang personal na buhay, susunod na umano roon ang ibang aspeto ng kanyang buhay artista.

Susunod na lahat ng mga recognitions after that. So, yeah, more on just enjoying life and whatever life throws at me, you know what, I have this attitude of never say die,” pagtatapos n’ya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Heaven Peralejo graduates from business management course

Heaven Peralejo, “still on cloud nine” matapos tanghaling country winner for best actress category ng Asian Academy Creative Awards

Para kina Heaven Peralejo and Marco Gallo, "beautiful door" sa maraming opportunities ang kanilang pagiging magka-love team

Marco Gallo at Heaven Peralejo on their status six years ago sa PBB: "There was a lot of emotions but not anything official."

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.