Herbert Bautista vouches na mabait ang fiancé ni Kris Aquino na si Mel Sarmiento

Kahit matagal na silang walang ugnayan ni Kris Aquino ay di maka-iwas si Herbert Bautista sa mga tanong tungkol dito lalo pa’t laman ito ng balita ngayon dahil sa engagement nito kay dating DILG Secretary Mel Sarmiento.

Photos: @krisaquino / Bistek Movement Facebook

Kahit matagal na silang walang ugnayan ni Kris Aquino ay di maka-iwas si Herbert Bautista sa mga tanong tungkol dito lalo pa’t laman ito ng balita ngayon dahil sa engagement nito kay dating DILG Secretary Mel Sarmiento.

Natatawa na lang si Herbert Bautista dahil ang tungkol sa pagkakaroon ng bagong karelasyon ni Kris Aquino ang isa sa kinakamusta sa kanya ngayon ng mga tao.

“’Di ba sabi ko naman, masaya ko. If you read her post, ’yung peace and quiet, ’yun ang hinahanap niya.

“Okey naman, I think she’s happy,” matipid na saad niya sa amin nang makaharap naming siya sa birthday salu-salo ng nakababatang kapatid na si Harlene Bautista kamakailan.

Nang may magtanong kung alam niyang ikakasal na ito, sinabi naman ng former Quezon City mayor na: “Hindi ko alam kung ikakasal na siya. Hindi kasi ako nagmo-monitor. Kapag nagpa-pop-up lang siya [sa social media feed ko].”

Binigyang-diin niyang muli na masaya nga raw siya para kay Kris.

“Happy ako sa kanya, happy ako for her,” sey niya.

Aniya ay kilala raw niya ang fiancé ni Kris at ayon dito ay mabait daw ito. “Si Mel? Oo naman, madalas kaming magkita noon, nagkakasama.  Mabait.”

Nang tanungin kung siya rin ba ay masaya ngayon?

“Oo naman, happy rin naman ako,” nakangiti niyang sabi.

Sa isang banda, isa sa nagpapasaya kay Herbert ay ang pagpaparamdam sa kanya ng suporta ng mga kaibigan at kasamahan sa showbiz na nagpapa-abot ng suporta sa pagtakbo niya sa Senate.

“I got to talk to Dennis Padilla who is also running for councilor,” saad niya. “Nakausap ko si Boss Vic [del Rosario] at saka si Mother Lily [Monterverde]. They gave me very encouraging words. 

“Like for example, si Mother Lily, ‘Tama ’yan, we will support you. Just tell us how we can support you.’ Pero, nandoon pa lang sa stage na encouragement. Hanggang doon muna.

“Si Boss Vic gano’n din naman. Nando’n din si Vincent [del Rosario], nagka-usap kami at sabi niya, ‘The most important thing is alam dapat ng tao na kumakandidato ka.

“Sabi ni Boss Vic, ‘Ako akala ko Mayor pa ang tinatakbo mo. Ngayon ko lang nalaman na Senator pala ang tinatakbo mo.’”

At dahil nga sa pandemic, alam ni Herbert na mas challenging ang campaign at election ngayon.  Kaya sinisimulan na rin niya na maging visible sa mga social media lalo pa’t pang-national level ang ine-aim niyang posisyon.

Aware rin siya na marami pa ring lugar sa bansa na hindi pa rin naaabot ng internet o mahirap para sa kanila.

“May planning kami on how to go to the province. Inaayos namin ang schedule namin para sa mga probinsiya. 

“Kaya lang, ’yung mga health protocols. Kung lahat susundutin ‘yung ilong mo...That’s why, gusto nating ma-vaccinate na ang lahat para wala ng sundutan ng ilong ‘to. Ako, dala ko naman ang vaccine card, but there’s still areas na kahit may vaccine card ka, it requires you to have antigen [test result].”

Even si Boss Vic daw ay pinayuhan siyang maging active sa social media.

“The advice given to me by Boss Vic is give awareness by engaging media, strengthening your social media.”

Bagay na doable naman kaya’t ang mas malaking challenge talaga ay ang mga malalayong lugar na walang internet access. For this, umaasa siya sa suporta ng mga dating ka-liga.

“Sa liblib naman because I was League of Cities President sa buong Pilipinas, nagtawagan na ang mga kaibigan kong Mayor. ‘Yung iba ro’n mga Governor na, Congressman na. So, parang— tatakbo ka pala, ngayon lang namin nalaman. Sige, sige tutulungan ka namin.

“I was also President of National Movement Legislator. Organisasyon ito ng mga Vice Governor, Vice Mayor, Konsehal, SK (Sangguniang Kabataan) so, noong President ako no’n, ‘yung mga members ko do’n and officers, ang level na, either Governor, Mayor, Congressman, so they already know and they will help us.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.