Herlene “Hipon Girl” Budol, nagte-training na para maging beauty queen; hindi raw magpapa-retoke ng kahit ano

Hindi raw iiwan ni Herlene “Hipon Girl” Budol ang pagte-training para maging beauty queen kahit nagso-showbiz na siya dahil hindi lang naman daw para sa pagbe-beauty queen ang purpose niya kaya siya nagte-training. “Pinag-aaral din po nila ako ng English kasi hindi po ako marunong mag-English. Lahat po pinag-aaralan ko, hindi lang para sa pageant, para ma-build din ang pagkatao ko rin. “Kung paano po magsalita, kung paano po makipag-communicate...committed po ako para may madagdag sa knowledge ko,” katwiran ni Herlene.

Photos: Puregold

Hindi raw iiwan ni Herlene “Hipon Girl” Budol ang pagte-training para maging beauty queen kahit nagso-showbiz na siya dahil hindi lang naman daw para sa pagbe-beauty queen ang purpose niya kaya siya nagte-training. “Pinag-aaral din po nila ako ng English kasi hindi po ako marunong mag-English. Lahat po pinag-aaralan ko, hindi lang para sa pageant, para ma-build din ang pagkatao ko rin. “Kung paano po magsalita, kung paano po makipag-communicate...committed po ako para may madagdag sa knowledge ko,” katwiran ni Herlene.

Nakagaganda nga ba talaga sa mga babae kapag nakasuot ng face mask?

Aminado ang lead star ng romantic comedy series na Ang Babae sa Likod ng Face Mask na si Herlene Nichole Budol a.k.a. Hipon Girl na nakaka-relate talaga siya sa kuwento ng pagbibidahan niyang online series. 

“Kulang po talaga ako sa confidence kaya para sa akin talaga itong Babae sa Likod ng Face Mask, relate na relate ako kasi hindi naman ako ganu’n ka-fresh at kumakapit lang talaga ako sa facemask simula nu’ng nagka-pandemya,” panimula ni Herlene sa nakaraang virtual mediacon ng online romcom series na idinirek ni Victor Villanueva na siya ring nag-direk ng Patay na si Jesus at Boy Bastos ng Vivamax. 

Dahil din sa pagsusuot ng facemask kaya hindi na rin daw siya naga-ayos kapag lumabalas ng bahay nila. 

“Hindi ako nagli-lipstick, hindi ako nagkikilay...dedma ako.  Mamamalengke ako ng feeling fresh kasi naka-facemask naman ako kaya relate po ako. Nasa panahon talaga itong istoryang ito,” saad ng tinaguriang Hipon Girl. 

Napansin din na kapag naka-facemask si Herlene ay hawig niya ang sumisikat na Star Music singer na si Gigi De Lana.

“S’yempre po karangalan kasi maganda po si Ate Gigi tapos ang galing niya. Nakakatuwa po na nakukumpara na ako sa ibang magaganda,” diretsong sabi nito.

Samantala, sobrang nagpapasalamat si Herlene sa lahat ng bumubuo ng series niya dahil nabigyan siya ng chance na umarte  lalo’t ang guwapo pa ng leading man niyang si Kit Thompson.

At halos hindi nga raw siya maka-get over matapos mapanood for the first time ang trailer ng Ang Babae sa Likod ng Facemask.
“Grabe, ang ganda!
Noong first time ko rin siyang nakita, pinapanood ko siya, nakangiti lang ako the whole way. Actually, medyo naluha ako nu’ng pinapanood ko. Sobrang tuwa ko dahil ang ganda talaga, kakaiba! 

“It’s so fresh to see this, you know, and I just wanna thank s’yempre my directors, si Direk Vic and Direk Chris [Cahilig]. Grabe! Di ko na-expect na ganito pala! 

“May bonus pa, ang guwapo ng ka-partner ko.  Napapanaginipan ko nga minsan ’yan [Kit],” singit na biro niya sabay tawa. “Mga titigan namin nang malapitan ay talagang… first time kong makita siya in person, dati pinapanood ko lang siya,” kinikilig na kuwento ng dalaga. 

Puring-puri naman ng mga kasama niya sa series si Herlene tulad nina Kiray Celis, Mickey Ferriols, Hasna Cabral, VJ Mendoza, at Kit. Anila, magaan daw ka-work at super funny ang newbie actress. 

Puring-puri din ng executive at creative producer ng series na si Chris Cahilig sina Herlene at Mickey dahil ang galing ng dynamics nila sa shoot bilang mag-iba.  

“Sa totoo lang during the shoot, I’m friends with everyone but this is my first time working actually with Miss Mickey. Alam n’yo ’yung character niya, si Mama Baby, grabe ang galing niya talaga. 

“As in kami nina Direk Victor, kinukurot ko siya. hahaha! At ‘yung dynamics nina Ms Mickey at Herlene, panalo! As in ang cute-cute nilang mag-ina.  Sabi ko sana more projects pa with Miss Mickey. At ang aking cast. Napaka-reliable ninyong lahat. 

“Salamat sa Puregold for making it happen kasi natupad na ang bucket list kong direktor [Victor Villanueva],” kuwento pa ni Chris. 

Samantala, may background pala sa mga beaucon itong si Hipon Girl at ito na rin umano ang naging bansag sa kanya nang manalo siya bilang Binibining Angono ng Sining noong 2017. 

Kaya naman naitanong kay Herlene kung may plano ba siyang sumabak ulit sa beauty contest na pang-national level na at kung may ipaparetoke daw ba siya kung sakali lalo’t hindi naman na bago ang pagpapa-retoke sa mga sumasali sa pageants. 

Baka lumaban po tayo nang patas,” direktang say niya. “Nagte-training na po ako. Hindi po ako magpaparetoke. Siguro enhance lang, gluta-gluta lang. Kung kaya ng threading, baka naman may sponsor. Hahaha! 

“Ayaw ko rin po magsinungaling...baka kasi kapag gumanda ako magulat sila, charot!” katwiran ni Herlene.

Dito ay sumingit sa usapan ang co-star niyang si Mickey Ferriols at sinaway si Herlene sa tila nakasanayan na nitong panlalait sa sarili.

“Ano ka ba? Maganda ka. Period,” saad ng aktres.

Samantala, kung ’yung iba ay sumasali sa mga beaucon para gawin itong stepping stone para pasukin ang showbiz, si Herlene naman ay nasa showbiz na. Pero aniya, hindi raw niya iiwan ang training niya bilang future beauty queen under the Kagandahang Flores beauty camp dahil committed daw siya sa bagay na ito. 

“Pinag-aaral din po nila ako ng English kasi hindi po ako marunong mag-English. Lahat po pinag-aaralan ko, hindi lang para sa pageant, para ma-build din ang pagkatao ko rin.

“Kung paano po magsalita, kung paano po makipag-communicate...committed po ako para may madagdag sa knowledge ko,” kuwento pa ni Hipon Girl.

Sa mga hindi pamilyar sa background ni Herlene, siya na mismo ang nagpapalaganap ng bansag sa kanya bilang Hipon Girl. Ito kasi ang description na ibinigay niya kay Willie Revillame noong sumali siya sa Wil of Fortune ng Wowowin noong 2019. Sabi daw kasi ng mga tao sa kanya, seksi lang siya. “Hindi ba kapag kumakain ka ng hipon, tatanggalin mo ’yong ulo, kakainin mo lang ang katawan?”

Pero ang pagiging totoo at pagiging kwela ang naging daan para gawin siyang regular co-host nit Willie at ang pagbubukas ng pinto na iyon ay nagtuloy-tuloy na.

Anyway, simula sa Marso 26, sa ganap na 6PM ay mapapanood na weekly ang 13 episodes ng Ang Babae sa Likod ng Face Mask sa Puregold YouTube channel for free. 

Sabi nga ni Miss Ivy Piedad, marketing manager ng Puregold, ay itutuloy nila ang pag-produce ng mga ganitong klaseng series na madaling intindihin at magaan lang panoorin.

“Marami pa pong nakalatag na scripts, ongoing kumbaga. But it will always be filled with ganito kasimpleng stories na very relatable, nakaka-gaan ng pakiramdam lalo na sa panahon na puro tayo anxiety and worry. 

“So, lahat po ng stories na we will create, it will always give you a panalo vibe. Mapapa good vibes ka lang all the way. Kaya sana suportahan natin itong Puregold series kasi this is our way to connect to our customers and to all the Filipino all over the world,” mensahe ni pa ni Miss Ivy.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.